Chapter28

55.4K 1.1K 27
                                    








Shawn's POV

Tangna talaga ni Jin! Pahirap sa buhay ko. Dapat siya ang gumagawa nito eh. Siya naman 'yung nakaisip. Ang masama pa, may kasama akong babaeng luya. Hay! Kapag minamalas ka nga naman oh!

“Malayo pa ba?”

“Pwede bang maghintay ka na lang kung kailan titigil 'yung sasakyan?” sagot ko sa kanya.

“Ang sungit mo naman. Sapakin kita diyan eh.”

“Subukan mo. Gagahasain kita kapag dumikit 'yung macho mong braso sa katawan ko.” sabi ko na natatawa pa.

Pinaghahampas naman niya ako kaya iginilid ko muna ang sasakyan.

“Hoy! Nakakasakit ka na ha! Gusto mo talagang magahasa ka ng gwapong tulad ko 'no?”

Pinaghahampas na naman niya ulit ako. “Bastos ka! Bastos!”

Hinawakan ko na ang kamay niya para pigilan sa kakahampas sa akin. Baka hipuan pa ako nito eh. Kunwari na nanghahampas tapos may balak palang masama.

“Ang arte mo talagang babae ka! Akala mo talaga hindi nagustuhan 'yung ginawa natin. Sa pagkakatanda ko nga sigaw ka nang sigaw sa sar---” Tinakpan niya ang bibig ko na agad kong tinanggal. “Kadiri ka naman! Alam mo ba na hindi ko pinapahawakan sa kahit na sino ang labi ko? Paano kung kakaihi mo lang tapos hinugasan mo 'yung ano mo? Badtrip!” Umiling-iling ako para ipakitang badtrip ako.

“Paandarin mo na 'yung sasakyan. Umalis na tayo.”

Nagtaka ako sa biglang pagtahimik niya ngunit hinayaan ko na lang. Tangna! Totoo yata 'yung sinabi ko. Kailangan ko yata maghugas ng bibig mamaya.

Pagkarating namin sa lugar nila Atasha, nagdalawang isip ako kung ipapasok ko ang sasakyan ko sa street nila. Teka, bakit ang daming tao? May party ba? Ang dami kasing nag-iinuman sa kalsada. May mga babae pang nag-uusap-usap tapos mga batang nagtatakbuhan na naka-paa.

“Huwag na kaya tayo bumaba?”

Napalingon ako kay Dianne. Nakatingin siya sa mga tao na para bang kinakabahan.

“Paano naman natin maibibigay 'yung pinapabigay ni Jin? Natatakot ka ba? Hindi ba't ikaw ang nagprisinta na gawin 'to? Dinamay mo nga lang ako eh.” balik na tanong ko naman sa kanya.

“Bakit kasi hindi ka tumanggi? Pwede mo namang gawin 'yon ah?”

“Psh! Bumaba na tayo. Lakarin na lang natin papasok sa looban. Magtanong-tanong na lang tayo kung saan nakatira si Atasha.”

Kinuha ko na sa back seat ang pinapabigay ni Jin. Pagkababa ko ng sasakyan, bumaba na rin si Dianne.

“Huwag mo akong iiwanan ha?”

Napailing-iling ako nang humawak siya sa braso ko. Kakaiba talaga 'tong babae na 'to dumiskarte. Hindi na lang sabihin na gusto akong hipuan eh. Papayag naman ako basta't huwag siyang maiinlove sa akin. Kawawa lang siya.

Sabay na kaming lumakad. Pansin ko ang paninitig ng mga lalaking nag-iinuman na nadadaanan namin. Tangna! Parang mabubugbog ako rito ah! Nakakatakot mga itsura nila. Walang pang-itaas na damit at puro tattoo ang katawan.

“Hi Miss! Isang shot naman diyan.”

Ako na ang humawak kay Dianne nang lapitan siya ng lalaki.

“May pupuntahan kami rito. Hindi kami makikipag-inuman.” sabi ko. Tangna! Anong magagawa ng kagwapuhan ko kapag binugbog na ako ng mga lasenggo rito? Sana pala kinaibigan ko si Superman para may magtanggol sa amin.

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon