Pagmulat ng mata ko, agad akong tumingin sa orasan. Mabilis naman akong napatayo nang makitang alas otso na ng umaga. Shit! Napasarap ang tulog ko.
Pagpasok ko sa bathroom, pansin ko naman ang kamay ko na may bandage. Oo nga pala, nakita kong nagdugo ang kamay ko ng may tumusok na bubog sa palad ko. At doon na rin ako nawalan ng malay dahil takot ako sa dugo. Pero teka, sino naman kaya ang gumamot sa akin at nagdala rito sa kwarto?
Imbes na isipin 'yon, naghilamos na ako ng mukha at nag-toothbrush na rin. Buti na lang at kaliwang kamay ang nadali sa akin. Kung sa kanan kasi, mahihirapan akong kumilos.
Pagkatapos kong maiayos ang sarili ko, lumabas ako ng kwarto. Papunta na sana ako ng kwarto ni Boss Jin nang makita ko si Kayecee.
“Ahm, umal---” hindi natuloy na sambit ko nang bigla siyang umalis na parang hindi ako nakita.
Anong problema n'on? Bakit ba parang may galit siya sa akin? Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Hay! Bahala nga siya.
Pagkaakyat ko sa kwarto ni Boss Jin, kumatok muna ako. Nakailang katok na ako ngunit wala pa ring nagbukas ng pinto kaya pinihit ko na ang door knob at pumasok sa loob.
“Boss Jin?” tawag ko.
Bakit parang ang linis-linis ng kwarto niya? Kung nakaalis na siya, dapat magulo 'to. Iniisip ko tuloy kung saan nanggaling 'yung bubog kagabi? Nagbasag ba siya rito? Problemado nga siguro siya.
Pansin ko naman ang isang maliit na kulay blue na papel na nakadikit sa head board ng kama. Lumapit ako para basahin ang nakasulat doon.
Just rest for the whole day.
Magpapahinga lang ako buong araw? Dahil ba sa nangyari kagabi? Shit! Naalala ko na hinalikan niya nga pala ako. Kahit nagkamali lang siya, masasabi kong 'yon ang first kiss ko. Paano pa magiging memorable 'yon kung isa lang 'yong pagkakamali? Bakit sa kanya pa?
Pumunta na lang ako sa kusina at naghanap ng pwedeng kainin. Kahit na gusto niya akong magpahinga, hindi ko 'yon gagawin. Malayo sa bituka 'tong nangyari sa akin.
Pagkatapos kong kumain, sa pool area ko naisipan pumunta. Umupo ako malapit sa pool at ibinabad ang mga paa roon. Naalala ko nga pala, malapit na ang kaarawan ni Jonas. Buti na lang at makakasahod na ako bago pa man ang araw na 'yon. Ang problema ko lang, paano ako magsasabi na uuwi ako sa araw na 'yon? Papayagan kaya ako?
“Atasha!”
Napalingon naman ako. “Oh, Angela! May kailangan ka ba?” tanong ko. Umupo naman siya sa tabi ko at tumulad sa ginawa ko.
“Wala naman. Tapos na kasi ako sa gawain ko kaya gusto ko sanang makipagkwentuhan sa'yo.”
“Ah, ganon ba? Ano bang gusto mong pag-usapan natin?” tanong ko.
“Pwedeng tungkol sa buhay mo.”
Mahina naman akong natawa. “Mababagot ka lang kapag nag-kwento ako tungkol sa buhay ko. Iba na lang ang pag-usapan natin.” saad ko.
“Hmm, sige. Tungkol na lang sa buhay ni Sir Jin.” aniya na ikinagulat ko. Buhay talaga ni Boss ang pag-uusapan namin?
Mukhang maraming alam si Angela sa buhay ni Boss Jin. Gusto ko talagang malaman kung nasaan ang magulang niya o kung may kapatid ba siya at iba pang bagay. Wala naman sigurong masama kung malaman ko 'yon.
“Ano bang alam mo sa buhay niya?”
“Magtanong ka. Sasagutin ko.”
“Nasaan ang magulang niya? May mga kapatid ba siya?” tanong ko naman.
BINABASA MO ANG
Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )
General FictionHighest Rank: #1 in General Fiction