Chapter24

58.4K 1.3K 15
                                    








Pagkaalis ni Boss, nagligpit na ako rito sa kwarto niya. Ang kalat talaga! Naka-score siya sa akin bago pumasok. Ang sabi niya, mamaya raw ulit pag-uwi niya. Hay! Naadik na talaga. Kung tutuusin, ako rin naman.

“Aish! Kaya naman pala hindi ko 'to mahanap.” sambit ko nang makita ang underwear ko pag-angat ng unan.

Bakit naman niya tinatago 'to rito? Mahimbing ba ang tulog niya kapag mayroon nito?

Napatingin ako sa pinto nang biglang may kumatok. Si Boss na kaya 'to? Eh bakit kakatok pa? Lumapit ako roon at binuksan 'yon.

“Oh, anong ginagawa mo rito, Angela?” tanong ko. Hindi naman kasi siya umaakyat dito kapag walang importanteng sasabihin.

“Atasha, narito na ang bruha. Naku! Mag-ingat kayo ni Sir Jin.”

Kumunot naman ang noo ko. “Sinong bruha? Isa ba sa mga lumalandi kay Boss Jin o si Charity?”

“Hindi. Ang bruhang tinutukoy ko, si Madam Cynthia. Ang mommy ni Sir Jin.” aniya na ikanalaki ng mata ko. Shit! Hindi ko inasahan na ngayon kami magtatagpo.

“Please huwag mong sasabihin 'yung tungkol sa amin ni Boss Jin ha? Halika! Bumaba na tayo.”

Tumango naman siya. Sabay kaming bumaba at tumungo sa living room. Halos dinig ko na ang tibok ng puso ko sa kaba.

Lalong nadagdagan ang takot ko nang makita ko siya. Sa tindig pa lang niya, alam mong napakasungit na niya. Ang seryoso pa ng mukha. Kung makatingin sa akin parang pinandidirihan ako.

“Sino ka?” masungit na tanong niya.

“Atasha po, Mam. Bagong kasambahay po rito sa inyo.” sagot ko naman. Tumayo siya at ayan na naman sa pagsusuri sa akin.

“Hindi mo ba nilalandi ang anak ko? Huwag mong sabihin na may relasyon kayo?”

Napalunok ako sa tanong niya. Ganon talaga agad? Sorry kung kailangan kong magsinungaling. “Wala po. Tagasunod lang po ako sa utos niya.”

“Ahm, Madam, naikwento ko na po sa kanya 'yung mga ayaw niyo kaya hindi po 'yon gagawin ni Atasha.” sabat naman ni Angela.

“Good! Ngayong nandito na ako, hindi mo na kailangan na palaging susunod sa anak ko. Tulad ng mga kasama mo rito, ganon na rin ang gagawin mo. Maliwanag ba?”

Halos mapatalon ako sa pagtaas ng boses niya. “Opo, Madam.” sagot ko na nakayuko pa. Mas mabuti na rin 'yon. Kapag masyado akong malapit kay Boss, mahahalata kami.

“Go back to your work now!”

Hinila agad ako ni Angela palayo sa kanya. Hanggang kailan naman ako makakapagsinungaling sa kanya?

“Nakakatakot naman siya. Ganon ba talaga 'yon?” tanong ko pagkarating namin sa garden.

“Oo, Atasha. Pero may araw naman na mabait siya. Ang sabi ng mga kaibigan niya, bipolar daw talaga si Madam. Pero para sa akin, may sayad siya. Biruin mo ba naman, ayaw niyang magkaroon ng karelasyon ang anak niya. Minsan nga iniisip ko na may gusto siya sa sarili niyang anak.”

“Kinakabahan ako, Angela. Paano kapag nalaman niya 'yung tungkol sa amin ng anak niya?”

“Wala siyang malalaman basta't mag-ingat lang kayo. Papayuhan lang kita. Mas magandang kausapin mo si Sir Jin kung anong gagawin niyo. Hindi naman pwedeng habangbuhay na lang kayo magtatago sa bruha na 'yon. Kung mahal ka talaga ni Sir, ipaglalaban ka niya.”

Napaisip ako sa sinabi niya. Ayoko rin manloko ng ibang tao. Dapat makausap ko si Boss. Bahala na kung ano ang kalalabasan nito. Darating naman talaga ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko lang inasahan na ngayon agad.

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon