Chapter34

52.9K 1.3K 81
                                    









Pagmulat ng mata ko, kulay puti agad ang naaninag ko. Tumingin ako sa gilid ko at nagtaka kung nasaan ako. Patay na ba ako? Bakit nandito ako sa magandang lugar na 'to?

Agad akong napatayo nang biglang bumukas ang pinto. Nang may makita akong lalaking nakangiti sa akin, lalo akong naghinala na patay na ako. Ang gwapo naman ng lalaking 'to. Medyo pamilyar din ang mukha niya sa akin.

“Gising ka na pala. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong niya. Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa ko rito? “Oo nga pala. Nagtataka ka siguro kung bakit nandito ka sa bahay na 'to 'no?

May bigla namang sumulpot na babae. Ang ganda niya. Magkamukha silang dalawa. “Buti naman Miss at nagising ka na. Alalang-alala kasi sa'yo 'tong kapatid ko. Baka kung ano na raw nangyari sa'yo. Ang sabi ko nahilo ka lang dahil sa kalagayan mo. Nalungkot yata siya ng malaman na buntis ka. Mukhang type ka yata ni Kuya.” aniya na natatawa pa.

“B-buntis?” nauutal na sambit ko. Nagkatinginan naman silang dalawa. Shit! Tama ba 'yung narinig ko?

“Hindi mo alam na buntis ka?” tanong pa niya. Umiling naman ako. “2 weeks ka ng nagdadalang tao, Miss. Dito ka na lang namin dinala sa bahay kasi mas malapit 'to sa ospital.” dagdag pa niya.

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Anong gagawin ko ngayon? Paano na ako nito?

“Siya nga pala, ako si Jomari. Ito naman ang kapatid kong si Doktora Jemarie.” pakilala nila.

“Ahm, salamat nga pala sa pagtulong niyo sa akin. Ako nga pala si Atasha. Pasensiya na sa abala pero kailangan ko nang umuwi sa amin.”

Tumayo na ako. Inayos ko pa ang sapin na ginulo ko bago sila harapin.

“Gusto mo bang ihatid ka na namin? O kaya kumain ka muna bago ka umalis?” tanong pa ni Jemarie.

“Hindi na. Masyado na akong abala sa inyo. Kaya ko nang mag-isa. Salamat talaga sa tulong niyo.” Bahagya pa akong napayuko. Nakakahiya sa dalawang 'to. Ang yaman nila pero ang bait nila sa akin. Bihira 'yung tulad nila.

“Ganon ba? Oh sige. Basta mag-ingat ka ngayon ha? Medyo maselan ang kalagayan mo dahil dalawang linggo palang ng pagbubuntis mo kaya madalas kang makakaramdam ng pagkahilo at kung minsan ay pagsusuka. Mas maganda kung sabihin mo na agad sa asawa mo para mabantayan ka niya.” aniya na nagpalungkot na naman sa akin.

“Tatandaan ko lahat ng sinabi mo. Salamat ulit sa inyo sa pagkupkop sa akin dito.”

Ngumiti naman sila. Hinatid pa nila ako palabas ng bahay. Pinilit nila akong ipahatid sa driver pero tumanggi na ako. Magdidilim na kaya nagmadali akong maglakad palabas ng village.

Sa labas ng village, napapakamot na lang ako dahil walang nagdadaan na sasakyan. Halos maluwag ang kalsada.

Nang may makita akong sasakyan papalabas ng village, sinundan ko 'yon ng tingin. Nagtaka ako kung bakit huminto 'yon sa harap ko. Pagkababa ng bintana ng sasakyan, kitang-kita ko si Jomari na nakangiti sa akin.

“No choice ka na. Sakay na!” aniya sabay kindat sa akin. Nagbakasali ulit akong tumingin kung may sasakyan na paparating pero wala. Wala na talaga akong pagpipilian. Kailangan kong tanggapin ang tulong niya ulit.

Kaysa abutin ako ng umaga rito, sumakay na ako. Sinabi ko rin sa kanya kung saan niya ako ihahatid. Paano ba ako makakabawi sa kanila ni Jemarie?

“Nagsasama pa ba kayo ng boyfriend mo?” tanong niya sa kalagitnaan ng biyahe.

“Hindi na.” sagot ko. Nakakailang naman 'to.

“Bakit? Ayaw sa'yo ng magulang niya?” Napatingin ako sa kanya. Paano niya nalaman 'yon? Manghuhula ba siya? “Am I right? Hmm, baka isipin mo na manghuhula ako. Ilang beses ko na kasing naranasan 'yan. Lahat ng babaeng nagugustuhan ko, hinahadlangan ng step mother ko dahil hindi sila katulad kong mayaman. Hindi rin naman ako sigurado kung 'yon nga ang dahilan ng paghihiwalay niyo ng boyfriend mo.”

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon