Pagdilat ng mata ko, napahawak agad ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng sakit. Shit! Anong nangyari sa akin? Tumayo na lang ako kahit medyo pikit pa ang mata ngunit lumaki 'yon nang makitang nakadamit panlalaki ako.
“Shit!” sambit ko nang mapagtantong hindi rin ito ang kwarto na tinutuluyan ko. Bakit nandito ako at damit ni Boss Jin ang suot ko?
Napatingin ako sa pinto kung saan pumasok si Boss Jin.
“Maayos ka na ba? Matino na ba ang pag-iisip mo?” tanong niya. Tumayo naman ako at sinuklay ang buhok gamit ang kamay. Naku naman Atasha! Naisipan mo pa talagang magpaganda.
“Bakit po ako nandito, Boss? Bakit suot ko ang damit niyo?” tanong ko na hindi makatingin sa kanya.
Umupo naman siya sa harap ko at masama ang tingin sa akin. Patay ka Atasha! Baka palayasin ka niya ngayon.
“Ginawa mo 'yung Ikaapat na utos ko sa'yo kaya nandito ka.” sagot naman niya. Ginawa ko kagabi? Bakit wala akong matandaan? Kung nagawa ko na, makakauwi ako ngayon sa bahay.
“Ano?!” sigaw ko nang maalala kung ano ang ikaapat na utos.
“Fuck! Don't shout, Atasha!”
“S-sorry po, Boss. Wala po kasi akong matandaan na ginawa ko 'yung...”
Huhu! Hindi ko masabi. Nahihiya ako na naiiyak. Bakit ko ginawa 'yon? Ibig sabihin hindi na ako virgin? May pinagkaiba pa ba ako kay Mama? Masamang babae na rin ba ako dahil ganon ko kadali ibigay ang sarili ko? Nakakahiya akong tao.
“Hindi lang 'yon ang ginawa mo. May sinabi ka rin.” aniya dahilan ng matinding kaba ko. Tangna! May sinabi pa ako? Ganon ba kapag nakainom? Walang alam sa nangyari?
“Ano pong sinabi ko, Boss?” nahihiyang tanong ko.
“Sinabi mong gusto mo ako.” diretsong sagot niya kaya gusto kong lamunin ng lupa sa kinatatayuan ko ngayon.
“S-sinabi ko ba talaga 'yon?” di makapaniwalang tanong ko.
“Yeah.”
“Hindi 'yon totoo, Boss. Pasensiya na. Kung ano-ano lang talaga sinasabi ko minsan.” palusot ko. Talaga bang sinabi ko 'yon?
“Alam ko. Bumalik ka na sa kwarto mo.”
Lalagpasan na sana niya ako ngunit pinigilan ko siya. Kahit umiyak ako ng isang drum ngayon, hindi na maibabalik ang nangyari na. Kasalan ko 'to. Walang ibang dapat sisihin.
“Pasensiya na ulit sa nasabi ko sa'yo, Boss Jin. Huwag kayong mag-alala hindi na mauulit 'yon. Alam ko kung ano ako sa bahay na 'to. Wala akong karapatan na magkagusto sainyo. Pasensiya na po talaga.” sambit ko at mabilis na lumabas ng kwarto niya.
Tumakbo ako ng mabilis para walang makakita sa akin na galing ako sa kwarto ni Boss at suot ang damit niya. Pagkarating ko sa loob ng kwarto, napaupo na lang ako sa panghihina. Wala na ang pinakaiingatan ko, naging ambisyosa pa ako sa nasabi ko sa kanya. Bakit ba lumabas sa bibig ko 'yon? Nakakahiya talaga. Iisipin niyang isa akong walang kwentang babae.
Bago pa man ako humagulgol sa pag-iyak, tinext ko na lang si Jonas. Kainis! Hindi ko tuloy nasabi na uuwi ako ngayon. Wala pa tuloy akong nabiling regalo kay Jonas. Napaka gaga ko talaga kahit kailan. Huhu! Sana hindi na lang ako nabuhay.
Naligo na lang ako para mawala ang sakit ng ulo ko at sinabay na labhan ang damit ni Boss Jin. Kung ibabalik ko ba 'to, tatanggapin pa niya kaya? Baka hindi na rin kasi marami naman siyang pambili. Nagamit ko na kaya hindi na niya gagamitin 'to.
BINABASA MO ANG
Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )
Ficción GeneralHighest Rank: #1 in General Fiction