"A-anong ginagawa mo rito, Samuel?" nagtatakang tanong ko. "Lasing ka ba?"
Bakit pa ako nagtatanong eh halata naman sa itsura niya?
"I'm sorry sa mga sinabi ni Mommy sa'yo. Sorry kung hindi kita naipagtanggol sa kanya." aniya.
"Umalis ka na, Samuel. Kapag nalaman ng Mommy mo na nandito ka, baka kung ano na naman ang sabihin niya sa akin. Plea---" hindi natuloy na sambit ko nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Naaawa na ako sa lalaking 'to pero ako ang mas kawawa kung malaman ng Mommy niya na nagpunta ang anak niya rito.
"Umalis ka na, Samuel! Please naman oh!" pakiusap ko pa. Hindi naman siya kumibo. "Huy! Ano ba Samuel!"
"Mukhang nakatulog na siya Ate." dinig kong boses ni Jonas. Shit! Bakit naman dito pa niya naisipan matulog?
"Tulungan mo ako, Jonas. Dalhin natin siya sa kwarto ko."
Inalalayan namin si Samuel hanggang sa maihiga namin siya sa sahig na nilatagan naman ni Thea ng banig at sapin.
"Ang ganda mo talaga, Ate. Sayang nga lang at hindi ka niya kayang ipaglaban sa Mommy niya. Boto pa naman ako sa kanya." ani Jonas. Binatukan ko naman siya.
"Tumigil ka nga sa mga pinagsasabi mo. Kahit naman ipaglaban niya ako, wala akong gusto sa kanya." baling ko.
Nagkatinginan naman kaming tatlo nang makarinig ng malakas na pagkatok.
"Baka naman 'yung Mommy 'yon ni Samuel, Ate?"
Shit! Sabi na nga ba eh! Hindi dapat pumunta 'tong si Samuel sa bahay. Nakaamoy agad 'yung gurang na 'yon.
"Dito lang kayo. Ako na ang magbubukas ng pinto."
"Ako na Ate! Sasabihin kong wala si Kuya Samuel dito kapag hinanap ng gurang na 'yon." ani Jonas.
"Ako nang bahala, Jonas. Bantayan niyo na lang 'tong si Samuel. Baka naman mamaya si Mama lang 'yon."
Sasagot pa sana siya ngunit nilakihan ko siya ng mata na ikinatahimik niya. Umalis na ako at binuksan ang pinto.
Handa na sana akong makipagsagutan sa Mommy ni Samuel pero hindi siya ang nakita ko.
"B-boss Jin! A-anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" nagtatakang tanong ko. Nanaginip ba ako? Siya nga ba talaga 'to?
"I-I have friend here. Ahm, I-I asked---" hindi natuloy na sambit niya nang mapansin kong hindi maganda ang kulay ng mukha niya.
Kinapa ko ang noo niya at nanlaki ang mata ko nang maramdamang mainit 'yon. Shit! May lagnat siya. Bakit ba kasi siya nandito? At sino naman ang kaibigan niya sa lugar namin? Mahihirap ang mga tao rito.
"Pumasok muna kayo, Boss."
Inalalayan ko siyang pumasok sa loob hanggang sa makapasok kami sa kwarto kung saan nagtatakang nakatingin sa akin si Jonas. Naku naman oh! Dalawang lalaki ang nandito sa bahay.
Pinahiga ko muna si Boss Jin sa papag na tinutulugan ko. Hindi ko na pinansin kung ano ang reaksyon niya dahil natataranta ako at hindi malaman ang gagawin.
"Who is he?" tanong niya na nakatingin kay Samuel. Hindi ako sumagot. Nakuha pa talagang magtanong nilalagnat na nga.
"Kumuha ka ng malamig na tubig at bimpo, Jonas. Pati na rin gamot na itinago ko sa kabinet." utos ko.
"Okay, Rapunzel." natatawang sagot naman niya. Letseng bata 'to! Nakuha pa talagang mang-asar.
"Boss Jin! Huwag kang tumayo. Humiga ka muna. Alam kong matigas at hindi kasing bango ng kama mo ang papag ko pero kailangan munang bumaba ang lagnat mo bago ka umuwi sainyo." pagpigil ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )
Fiction généraleHighest Rank: #1 in General Fiction