Ang kulit talaga nitong Boss ko. Male-late na sa trabaho nakuha pang maglandi. Pero aaminin ko, kinikilig talaga ako. Mas gugustuhin pa raw niyang makasama ako maghapon kaysa umalis.
“I want to stay here, Baby Atasha.” aniya na nakasimangot pa.
“Boss Jin, makakasama mo naman ako mamaya pag-uwi mo eh. Sige na, pumasok ka na.”
“Baby, not boss.” saad pa niya
“Oo na, Baby Jin. Ingat ka sa pagpasok.”
“Before I leave, let me kiss you first.” Humalik siya sa labi ko nang matagal.
Shit! Huwag na lang kaya siya umalis?“Bye! Hihintayin kitang makauwi.”
“Okay. I love you.” aniya sabay kindat pa.
“I love you too.” nahihiyang sagot ko at tumalikod agad.
“Hey!”
Nilingon ko naman siya ngunit hindi pinapahalatang kinikilig ako. “Bakit?”
Lumapit naman siya sa akin. Kumuha siya ng ballpen sa bulsa niya at sinulatan ang palad ko.
Jin and Atasha Forever
Mahina naman akong natawa sa sinulat niya.
“Wala raw forever sabi ng mga bitter, Baby Jin.” natatawang sambit ko.
“It's not true. I'll go ahead. Stay at my room and wait for your baby.”
“Yes, Baby Jin.” sagot ko at sumaludo pa. Ngumiti siya na nagpabuo ng araw ko.
Pagkaalis niya, bumalik agad ako sa kwarto para kuhanin ang bag ko. Sorry Boss Jin. Kailangan kong kausapin si Manang Zeny. Gusto kong malinawan sa nangyari. Babalik din ako agad bago ka makauwi.
Lumabas ako ng bahay at sumakay ng taxi. Jeep nga lang sana ang sasakyan ko kaso ang hirap sumakay. May gagawin pa ako kaya dapat makabalik agad.
Pagkarating ko sa lugar namin, dumiretso agad ako sa bahay ni Manang Zeny. Buti na lang at nakita ko agad siya. Hindi ko na nga pinansin 'yung mga tsismosa naming kapitbahay.
“Halika! Sa kwarto tayo mag-usap. May kailangan din akong sabihin sa'yo.”
Sumunod naman ako sa kwarto niya. Sinigurado niyang nakasara ang pinto bago siya magsalita.
“Sakto ang pagdating mo Atasha. Galing dito si Celia kanina at sinabi na niya sa akin ang lahat. Kailangan mo nang umalis ngayon sa bahay na 'yon. Hahanapan na lang kita ng ibang papasukan.” aniya. Umiling naman ako.
“Hindi po ako pwedeng umalis, Manang Zeny. Gusto ko lang pong malinawan kaya ako nagpunta rito. Ano pong sinabi ni Manang Celia sa inyo?” tanong ko.
“Pumunta siya rito kanina para sabihin na kailangan mo na raw umalis sa bahay na 'yon. Malapit nang bumalik ang ina ng boss mo, Atasha.” sambit niya habang hawak ang kamay ko.
Darating na ang Mommy ni Boss Jin? Ano kayang mangyayari sa akin? Kailangan kong umiwas kay Boss. Wala naman kaming relasyon kaya wala siyang dahilan para magalit sa akin.
“Bakit niya raw ako ginamit, Manang Zeny? Alam mo rin ba pinlano niya ang pagpasok ko roon?”
“Hindi ko alam, Atasha. Kanina ko lang nalaman kaya nagalit ako sa kanya. Ginawa lang daw niya 'yon dahil 'yon lang ang paraan para makabawi siya sa anak niya. Kaya pala noong ipakita ko sa kanya ang litrato mo, pinilit niya akong ipasok ka roon. Pasensiya ka na kung nadamay ka sa gulo ng buhay nila. Pero totoo bang may gusto sa'yo ang boss mo?” Napakasama naman pala talaga ng ugali ni Charity.