Chapter9

77.1K 1.9K 81
                                    








Hay! Nakakaasar! Ang aga-aga nandito na 'tong babae na 'to. Ang panget ng araw ko dahil sa kanilang dalawa ni Boss Jin na naglalandian dito sa living room.

“Babe, gusto kong mag-shopping. Samahan mo na ako.” malanding sambit ng girlfriend ni Boss Jin habang hinihimas ang dibdib ni Boss.

“I'm tired, Gary.” sagot naman ni Boss Jin. Hinampas naman niya si Boss.

“Damn you, Jin! Anong tingin mo sa akin, lalaki? Marie ang pangalan ko. Ilang beses na kitang pinaligaya tapos hindi mo alam ang pangalan ko?! Ilang babae na ba ang pumupunta rito?” sigaw pa niya.

Pft! Hahaha! Nakakatuwa naman 'tong eksena na 'to. Sana huwag nila akong mapansin.

“I'm sorry. Okay, wait me here. Let's do what you want.” ani naman ni Boss Jin at tumayo na.

Sinundan ko naman siya ng tingin at lihim akong napangiti nang makitang nakabusangot ang mukha niya. Mukhang ayaw niyang sumama sa girlfriend niya. Bakit kaya?

“Hey! Poor girl!” dinig kong tawag sa akin.

“Bakit?” walang ganang tanong ko.

“Ilan na ba ang dinala ni Jin dito sa bahay niya? May mga pumupunta ba rito kapag wala ako?” tanong niya.

Ano bang malay ko? Siya pa nga lang ang nakikita kong babaeng pumupunta rito eh.

“Madami na rin. Hindi ko na mabilang. Basta iba't-ibang mukha ang nakikita kong kasama niya.” pagsisinungaling ko. Bahala ka sa buhay mo. Mag-isip ka hanggang sa mabaliw ka.

“What?! Humanda sa akin lahat ng malalanding babae na 'yon. Kapag may nadatnan akong kasama ni Jin, sisiguraduhin kong hindi na makakabalik dito.” aniya na gigil na gigil. Letse! Ang panget na nga nanggigil pa. Makaalis na nga. Sayang oras ko sa babaeng 'to. Akala mo naman hindi siya malandi.

“Atasha!”

Letse talaga oh! Aalis na nga ako tinawag pa ni Boss Jin.

“Ano po 'yon, Boss?” tanong ko.

“Come with us.” aniya. Agad naman akong umiling. Ayoko ngang sumama sa kanila. “What? Are you disobeying my command?”

“Inuutusan din kita poor girl na huwag nang sumama.” ani naman ng girlfriend ni Boss Jin. Tumingin ako sa kanya na nakangiti pa tapos tumingin naman ako kay Boss Jin na masama ang tingin sa akin. Letse talaga!

“Okay po. Sasama ako.” napilitang sagot ko. “Saglit lang po. Magpapalit muna po ako.”

“That's fine. You don't have to change your outfit. Let's go!”

Wala na akong nagawa. Sumunod na lang ako sa kanila papunta sa sasakyan niya. Naku naman oh! Ayos lang naman na gawin akong alipin ni Boss Jin. Pero 'yung girlfriend niya, hindi ko yata matatanggap.

Sa kalagitnaan ng biyahe namin, nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Lahat ng naririnig kong kalandian na lumalabas sa bibig ng babaeng 'to, nilalabas ko na lang sa kabilang tenga ko.

Pagkarating namin sa mall, nakasunod pa rin ako sa likod nila. Medyo nahihiya ako sa suot ko. Halos lahat yata ng narito, mayayaman. Sabagay, mahirap lang ako kaya ganito ako. Hindi dapat ako pumupunta sa lugar na 'to.

Una agad na pinuntahan namin ang department store kung saan maraming damit pambabae. Habang namimili sila, palihim naman akong sumusulyap sa mga tag price ng mga damit. Shit lang! Anong mayroon sa mga damit dito at ganoon kamahal? 100 pesos lang na damit ang kaya kong bilhin.

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon