Chapter31

51.9K 1.2K 30
                                    







Gusto kong umiyak dahil hanggang ngayon ko na lang makakasama si Boss Jin. Bakit kailangan pang magkaganito? Ngayon ko lang naranasan ang mahalin tapos mawawala rin naman pala agad. Sana hindi ko na lang siya nakilala.

Magkatabi kami ngayon ni Boss sa kama. Pinagmamasdan ko lang siya na nakapikit pa ang mata. Paano kung suwayin ko ang gusto ng Mommy niya? Kaya ko bang makita na nahihirapan ang mga tao sa paligid ko? Dapat nga ba akong maging makasarili para sa sariling kaligayahan ko?

“Goodmorning.” nakangiting bati ko kay Boss nang dumilat ang mata niya.

Ngumiti rin siya at hinalikan ako sa noo. “Beautiful morning.” aniya. Hinaplos niya ang pisngi ko habang nakatingin sa mga mata ko. “I want to wake up every morning that you're here beside me.”

“Ako rin, Boss. Gusto ko rin na ikaw ang nakikita sa tuwing gigising ako.” baling ko sa kanya.

Humalik siya sa labi ko. “Let's go! I want to prepare something special breakfast for you.”

Mahina naman akong natawa nang itayo niya ako.

Pagbaba namin, agad na nagtama ang paningin namin ni Madam Cynthia. Nakatingin siya sa akin na parang pinapaalala ang napag-usapan namin.

“Goodmorning, son.” nakangiting bati niya kay Boss.

“Morning.” sagot naman ni Boss na patuloy lang sa paghila sa akin papuntang kusina.

Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Madam nang makarating kami sa kusina.

“Stay here, baby.”

Umupo na ako. Siya naman ay abala sa pagtingin sa pwede niyang lutuin sa ref. Habang pinagmamasdan ang likuran niya, gusto kong lumapit at yakapin siya.

“Boss Jin!” tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya. “Pwede ba tayong lumabas mamaya?”

“Inaaya mo ba akong makipag-date sa'yo, baby?” nakangiting tanong niya.

“Parang ganon na nga. Ahm, pwede bang makipag-date sa gwapong tulad mo?”

“Sure. Para sa magandang tulad mo.” sagot niya na nagpangiti rin sa akin. Isa 'to sa mamimiss ko sa kanya. Ang pagiging sweet niya sa akin.

“Sige na. Magluto ka na. Baka ikaw pa ang kainin ko kapag hindi ko napigilan ang gutom ko.” pang-aasar ko. Ngumisi naman siya. Ayos sana kung ang sayang nararamdaman ko ngayon ay mararamdaman ko pa bukas. Pero hindi. Kaya susulitin ko ang araw na magkasama kami.

“We can do it baby after our date.” aniya sabay kindat pa.

Nang mag-umpisa na siyang magluto, nakamasid lang ako sa ginagawa niya. Gusto kong matawa pero ang seryoso ng mukha niya.

Pagkatapos niyang magluto, inihain na niya lahat sa harap ko. Kumunot ang noo niya nang hindi ko mapigilan ang matawa.

“Why, baby? You don't like it?”

Umiling ako agad. “Ang sabi mo kasi special breakfast. Pero ayos lang 'to mukha namang masarap kahit puro fried.”

Ako naman ang kumunot ang noo sa paglapit niya. “It's special because of this.” Humalik siya sa labi ko.

“Special nga.” pagsang-ayon ko.

Umupo na siya sa tapat ko. Naglagay siya ng sinangag, hotdog, ham at kung ano-ano pang niluto niya.

“Ayos na 'to! Ang dami na.” natatawang sambit ko na ikinatawa rin niya.

Pagkatapos naming kumain, umakyat ulit kami sa kwarto para maligo at makapagbihis. Dahil sa wala naman akong panalo sa kanya, sabay na naman kaming naligo. Buti na nga lang at napigilan namin ang pag-iinit na nararamdaman namin.

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon