Chapter27

57.8K 1.2K 44
                                    







Palabas na kami ngayon ng school ni Jonas. Pinapunta ako rito ng principal dahil sa ginawang masama raw ng kapatid ko. Imposibleng magawa niya 'yon. Hindi ako naniniwala na magagawa ng kapatid ko 'yon. Kahit pa mahirap kami, hindi namin naisip manguha ng gamit ng iba.

“Ate, sorry kung inistorbo kita sa trabaho mo. Pero hindi ko talaga magagawa 'yon. Kilala mo ako, Ate. Nagtataka nga ako kung bakit nasa bag ko 'yung cellphone ni Mam Urduja.” aniya. Huminto naman ako sa paglalakad at ganon din siya. Humawak ako sa magkabilang balikat niya at ngumiti.

“Alam ko, Jonas. Hindi ka man paniwalaan ng iba, alam ko kung ano ang totoo. Magpasalamat na lang tayo at napakiusapan natin ang teacher mo. Siguro, ang kailangan mo na lang gawin ngayon, mag-ingat ka sa mga nakakasama mo. Baka may naiinggit sa'yo roon o kaya may galit sa'yo kaya gusto niyang mapahamak ka.”

“Oo, Ate. Sisiguraduhin kong hindi na 'to mauulit. Ewan ko nga ba! Marami na nga tayong pagkukulang sa buhay, nakukuha pa nila tayong siraan. Hindi kaya naiinggit sila kasi ang gwapo ko?” tanong niya kaya nabatukan ko siya. “Ang sakit n'on ah! Binibiro ka lang naman.”

“Napahamak ka na nga nakuha mo pang magbiro. Oh ayan na, may paparating ng jeep. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo ha? Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako.”

“Ikaw din Ate, mag-ingat ka sa Boss mo. Baka sa susunod na pagkikita natin, may laman na 'yang tiyan mo.”

Nilakihan ko naman siya ng mata sa sinabi niya. Nang aambahan ko siya para batukan, tumakbo siya at pinara ang jeep na sasakyan niya.

“I love you, Ate. Ingat ka ha? Huwag mo kaming alalahanin ni Mama. Yung Boss mo lang ang isipin mo!” sigaw pa niya kaya nagtinginan sa akin ang mga tao sa jeep. Aish! Baliw talaga!

Kumaway na lang ako sa kanya. Pinagmasdan ko siya hanggang sa makalayo na ang jeep. Nakakamiss talaga 'yung kakulitan ng kapatid kong 'yon.

Habang naglalakad papunta sa sakayan ng taxi, napapaisip pa rin ako. Sino kaya ang taong gustong sumira sa kapatid ko? Paano kung maulit na naman 'to? Natatakot ako na matanggal siya sa school na pinapasukan niya.

“Atasha!” dinig kong sigaw. Lumingon naman ako ngunit wala akong nakita na kakilala ko. Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad.

“Hoy, Atasha!”

Sa ikalawang pag-lingon ko, nakita ko na si Dianne sa loob ng sasakyan niya na kumakaway pa sa akin.

“Oh, anong ginagawa mo rito?” tanong ko pagkalapit ko sa sasakyan niya.

“Gusto ko kasing manood ng bagong movie ngayon kaso wala akong kasama. Hinanap kita kay Jin para samahan ako kaso sinabi niyang nandito ka raw. Buti na nga lang alam ko 'tong school na 'to.” sagot naman niya. Sasama ba ako? Eh gusto ko na ngang makita si Boss Jin eh.

“Sa susunod na lang, Dianne.”

“Hindi pwedeng tumanggi, Atasha. Sakay na dali!”

Wala naman akong nagawa kaya sumakay na ako. Ayos na rin 'to. Para naman maranasan kong pumasok sa sinehan.

Sa kalagitnaan ng biyahe, naisipan kong magtanong sa kanya.

“Ahm, Dianne, kilalang-kilala mo ba ang Mommy ni Boss Jin?”

Sandali naman siyang lumingon. “Hindi eh. Sa totoo lang, mukhang ayaw niya sa akin. Basta malapit kay Jin na babae, inaayawan niya. At saka saglit lang 'yon namamalagi rito sa Pilipinas kaya wala akong kaalam-alam sa kanya. Bakit mo nga pala natanong?”

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon