Hay! Ang oa naman nitong si Mama at Jonas. Nakarating naman ako ng maayos dito sa bahay tapos nagagalit pa kasi hindi man lang daw ako nagpasundo sa kanila.
“Ang tigas talaga ng ulo mo, Ate. Paano kung bigla kang nadulas pagkababa mo sa jeep? Paano kung may mangyari sa baby?” ani Jonas na akala mo siya ang tatay ko.
“Maayos naman 'di ba? Nandito pa nga rin sa tiyan ko oh! Ayoko kasing maistorbo kayo kaya hindi na ako nagpasundo.” baling ko.
“Kahit na, anak. Hindi mo pa rin masasabi kung ano ang pwedeng mangyari.” saad ni Mama. Hay! Paulit-ulit talaga sila. Edi sa susunod, magpapasundo na ako.
“Oo na. Hindi na 'to mauulit. Eh bakit ka nga pala nandito, Ma? Wala ka bang trabaho? Ikaw, Jonas? Wala ka bang pasok?” tanong ko sa kanila.
“Wala akong pasok tuwing Huwebes.” sagot ni Mama.
“Nakalimutan kong tanggalin 'yung pagkaka-charge ng cellphone ko. Saglit lang, babalikan ko muna.”
“Hoy, hoy, hoy! Tinatanong pa kita. Bakit nandito ka? Wala ka bang pasok ngayon ha?” pag-ulit ko.
“Hehe!”
“Huwag mo akong tawanan lang! Anong dahilan mo para hindi pumasok?”
Napakamot naman siya sa ulo. “Sobrang sakit kasi ng balakang ko kanina, Ate. Tapos parang tamad na tamad akong kumilos kaya hindi muna ako pumasok. Ngayon lang naman ako umabsent kaya huwag ka nang magalit.” pagdadahilan niya.
“Ano? Sumakit ang balakang mo at tinamad kang kumilos? Bakit? Nireregla ka ba? Alam mo ba kung anong nasayang sa hindi mo pagpasok ngayon?”
“Baon?” patanong na sagot niya kaya nag-init ang ulo ko.
“Tumigil ka nga, Jonas! Ikaw naman anak, huwag mong pansinin 'tong kapatid mo. Hindi naman siguro bababa ang grado niya sa pag-absent ngayong araw. Hintayin mo ako rito. Ipagluluto na lang kita.” ani Mama. Inirapan ko na lang si Jonas. Kung hindi lang ako buntis, nakatikim talaga sa akin 'to eh.
“Maiba ako, Ate. Ano palang ipapangalan mo kay Baby?” tanong niya. Napaisip naman ako. Nahihirapan din kasi akong mamili ng ipapangalan.
“Hindi ko pa alam. Pag-iisipan ko pa.” sagot ko.
“Eh kung Roberto na lang?”
Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kailan talaga palpak 'tong lalaki na 'to.
“Ipangalan mo na lang 'yan sa magiging anak mo. Huwag sa anak ko.” pagsusungit ko.
“Pwede ring Luisito. O kaya Panchito. Pero mukhang mas maganda ang pangalang Kurt Andrew.” Napatango ako. Ang cute ng name. Pwede. “Tapos ang nickname niya, Kulas.”
Binato ko siya ng unan na nasa likod sa suhestiyon niya. Nasalo niya 'yon kaya tawa siya nang tawa na halos kita na ang buong bibig niya.
“Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang! Hindi ako umuwi rito para inisin mo! Isa na lang talaga mababatukan na kita!”
“Pfft! Sorry na, Ate. Na-miss lang kita kaya nang-aasar ako.”
“Ewan ko sa'yo! Papasok muna ako sa kwarto ko. Sabihin mo kay Mama, tawagin na lang ako kapag nakahanda na 'yung pagkain.”
Tumayo na ako. Kahit may itinatanong pa siya, hindi ko na pinansin. Bahala siya. Kausapin niya sarili niya.
Pagpasok ko sa kwarto, umupo muna ako. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. May nag-text sa akin na agad kong binasa.
BINABASA MO ANG
Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )
Ficción GeneralHighest Rank: #1 in General Fiction