Chapter14

80.4K 2K 211
                                    







Nasa kalagitnaan kami ng biyahe kung saan kasama ko si Boss Jin at ang kaibigan niyang si Dianne rito sa sasakyan. Sa kasunod na sasakyan sa likuran naman namin si Shawn at Steve. Pupunta raw kami sa beach resort ng magulang ni Shawn. Ewan ko nga kung bakit sinama pa ako. Nanliliit lang ako sa katabi kong si Dianne.

“May two piece ka bang dala?” bulong sa akin ni Dianne.

“Wala ako n'on eh. Hindi rin ako nagsusuot ng two piece.” nahihiyang sagot ko.

“Akong bahala sa'yo mamaya. May extra akong dala, Atasha.”

“Eh, hindi ko kayang isuot 'yon. Ayos na ako sa short at sando lang.”

“Ano ka ba Atasha! Bawal 'yon suotin doon. Minsan lang naman 'to kaya pagbigyan mo na ako. Chill ka lang, ako na ang bahala.”

Natahimik ako nang tumingin si Boss Jin sa amin. Ano bang gagawin kong palusot mamaya?

“Any problem?” tanong naman ni Boss Jin sa amin.

“Nothing, Jin. Don't mind us.” sagot naman ni Dianne sa kanya.

Ilang beses yata akong humikab sa haba ng biyahe. Kung pinaiwan na lang ako ni Boss, mahimbing sana akong natutulog ngayon.

Pagkarating namin sa beach resort, kinuha ko ang bag na dala ko at ang kay Boss Jin. Pagkababa ko ng sasakyan, kinuha naman niya 'yon na pinagtaka ko. Bakit pati 'yung sa akin?

“Let's go guys! Let's have some fun here!” masayang sambit naman nang kakalapit lang na si Shawn.

Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na 'to. Baka lumabas ang pagka-ignorante ko sa ganitong klaseng lugar.

“Woah! Gentleman boss in the house.” ani Steve na natatawa pa. Kasi naman si Boss kinuha pati bag ko.

“Fuck you, Steve!”

“Tumigil na nga kayo. Saan ba ang kwarto namin Shawn?” tanong naman ni Dianne. Umakbay naman sa kanya si Shawn.

“Kwarto agad, Dianne? Excited ka na bang ikama ako?” tanong ni Shawn kaya nasiko siya ni Dianne sa tagiliran.

“Ang bastos mo talaga! Virgin pa ako 'no! Parehas kami ni Atasha.” aniya sabay akbay sa akin. Nakita ko naman ang pag-ngisi ni Boss Jin na ikinainis ko. Bwisit na lalaki 'to! Magnanakaw ng virginity.

“Basta sa isang kwarto lang kami ni Atasha ayos na ako.” ani Steve.

“Damn you, Steve! Atasha is mine...” Sabay-sabay naman kaming napatingin sa kanya. Tama ba 'yung pagkakarinig ko? “Yeah! She's mine because ahm, s-she's working for me.”

“Ewan ko sa'yo, Jin! Tara na nga! Ayusin mo na Shawn 'yung kwartong tutuluyan natin.” ani Dianne.

Pumunta na kami sa receptionist para kuhanin ang susi ng magiging kwarto namin. Napagpasyahan namin ni Dianne na magsama na lang kami dahil dalawang kama naman bawat silid. Si Boss Jin at ang dalawang kaibigan naman niya ay magkakahiwalay.

Kanya-kanya na rin kami ng pagpunta sa tutuluyan namin. Nakaramdam na naman ako ng hiya nang ilabas ni Dianne ang mga gamit na nasa bag niya. Puro pang sexy ang mga dala niya samantalang ako tago ang balat.

“Atasha, heto 'yung ipapahiram ko sa'yo na two piece. Suotin mo 'to bago tayo lumabas mamaya.” aniya sabay hagis ng itim na two piece sa akin.

Naku naman! Saan ako kukuha ng lakas ng loob para suotin 'to? Iniisip ko pa nga lang nahihiya na ako. Paano pa kaya kung suot ko na?

“Huwag na lang kaya akong lumabas? Dito na lang ako hanggang sa umuwi tayo?” suhestiyon ko. Mas maganda kung ganon. Matutulog na lang ako habang nagsasaya sila.

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon