Chapter46

59.8K 1.4K 113
                                    









Nasa harap ako ng mesa kung saan napakaraming pagkain. Nakatulala lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang kakainin ko. Ano bang trip sa buhay ni Boss Jin? Umalis na nga lang siya nang hindi nagpapaalam. Aish!

“Hindi ka pa rin ba nag-uumpisang kumain, Ate? Siguro, gusto mo pang subuan ka ni kaibigan.”

Hindi ako nag-abalang lingunin si Jonas. Tinusok ko na lang ng tinidor ang papayang hiwa-hiwa na. Pagsubo ko, nauna pa ang pagbuntong hininga kaysa sa pag-nguya ko. Patawarin ko na kaya siya? Eh sigurado na bang wala na sila ni Charity? Paano si Madam Cynthia? Hay!

“Aalis na ako, Ate.”

“Okay. Ingat!”

Nilingon ko na si Jonas. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makalabas ng bahay. Mayamaya, si Mama naman ang pumasok. Pawis na pawis pa siya dahil sa paglilinis ng bodega sa likod nitong bahay.

“Magpahinga ka muna, Ma. Mayamaya ka na maligo. Anong oras ba pasok mo ngayon?” tanong ko.

Umupo siya sa mahabang sofa at pinunasan ang pawis gamit ang bimpo na nasa balikat niya.

“Mamaya pang 10. May bagong lipat pala sa kabilang bahay. Sana hindi matapobre tulad nang nasa harap natin.”

Halata sa mukha niya ang pagkainis. Bakit kaya niya nasabing matapobre yung may-ari ng bahay sa tapat? May kaaway na ba agad 'tong si Mama?

“Ay, Ma, pupunta nga pala ako kina Jemarie ngayon. Sasabay na ako sa'yo.” sabi ko sabay kuha ng ubas.

“Sige. Sumabay ka sa amin para hindi ka na mag-commute.” aniya.

Kumunot ang noo ko. “Sinong kasama mo, Ma?”

“Si Jin.”

Nasamid ako. Muntik ko nang malunok ng buo ang ubas sa sinabi niya.

“Dahan-dahan naman sa pagkain, anak. Teka, pimples ba 'yang nasa gitna ng ilong mo?”

Kinapa ko naman ang ilong ko gamit ang hintuturo. “Aah!” Napadaing ako. Shit! Bakit parang ang laki?

Agad akong tumayo. Dumiretso ako sa kwarto para tignan sa malaking salamin kung malaki nga 'yon.

Napangiwi ako. Shit! Ang panget. Huhu! Bakit naman sa ilong ko pa? Pwede naman sa noo tapos tatakpan ko na lang ng buhok.

“Huwag mong gagalawin 'yan. Hayaan mong mawala na lang ng kusa.”

Hindi ko pinansin si Mama. Nakatingin pa rin ako sa salamin. Pabaling-baling ako ng mukha. Ang sagwa talagang tignan. Ang pula masyado.

“Kung kailan naman ako tumanda tiyaka ako nagkaroon nito.” reklamo ko. Natawa naman siya kaya naisip kong pagtatawanan din ako ng ibang makakakita nito.

“Ayos lang 'yan, Atasha anak. Yung iba nga halos mapuno na 'yung mukha sa dami niyan. Ikaw nga ngayon mo lang naranasan. Take note, isang piraso lang.”

“Ma! Oo isa lang pero ang panget talaga ng pwesto niya. Paano kapag nakita ako ni Jemarie?” giit ko.

Pumunta siya sa likuran ko. Tinignan ko siya sa salamin. Nakalagay ang hintuturo niya sa baba.

“Nahihiya ka kay Jemarie? Kay Jin, hindi?”

Humarap ako sa kanya. Oo nga pala. Pupunta 'yon dito. “Hindi na pala ako sasabay sa inyo. Ahm, kapag pumunta rito si Boss Jin, sabihin mo na lang may lagnat ako ha, Ma? Please?”

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon