Ano bang gagawin ko? Ayaw naman akong pansinin nitong boss ko. Hindi man lang hinintay ang paliwanag ko. Nakakainis pa 'yung tanong niya na kung may nangyari raw ba sa amin ni Samuel. Kapag magkasama may nangyari na agad? Pero 'yung nangyari...Aish! Kalimutan na nga lang 'yon. Hindi ako galit sa kanya, naaawa pa nga ako.
Naglilinis ako ngayon ng kwarto ni Boss samantalang siya, nagbabasa ng libro. Walang sinasabi na kahit ano at parang hindi ako nakikita.
Pagkatapos kong maglinis, tumingin ako sa kanya ngunit hindi pa rin siya tapos sa pagbabasa. Tungkol saan ba kasi 'yung libro na 'yon?
“Aalis na po ako, Boss Jin. Ihahanda ko na ang pagkain niyo. Tatawagin ko na lang ulit kayo.” sabi ko. Naghintay akong sumagot siya pero nabigo ako. Umalis na lang ako na nakasimangot sa inaasta niya. Bahala nga siya! Kung ayaw niya akong kausapin, edi huwag.
“Boo!”
“Bwisit ka talaga, Angela! Lagi ka na lang nanggugulat.”
Tumawa naman siya. “Eh kasi naman nakita kitang nakabusangot. Ano bang problema? Gusto ka bang paalisin pa rin ni Boss Jin?” tanong niya. Umiling naman ako. Kung pwede ko sanang sabihin kung bakit ako ganito. Hay!
“Wala lang. Miss ko na kasi 'yung kapatid ko. Sige, may gagawin pa ako.”
“Okay. Mag-usap na lang tayo mamaya.” aniya. Tumango na lang ako.
Pumunta ako sa kusina at nagluto ng pagkain ni Boss Jin. Ang gulo na nga ng buhay ko, lalo pang gumulo ngayon. Hindi naman sobra-sobra ang ganda ko para mabaliw sila sa akin.
Bumalik ako sa kwarto ni Boss pagkatapos kong magluto at ihanda ang pagkain niya. Gusto ko tuloy tumingin sa librong binabasa niya.
“Kumain na po kayo, Boss.”
Inilapag ko sa side table ang kakainin niya. Isinara niya ang libro na hindi pa rin tumitingin sa akin.
“Aalis na po ako. Babalik na lang ako ulit.”
Tulad kanina, hindi niya pa rin pinansin ang sinabi ko. Naglakas-loob akong isara ng malakas ang pinto para malaman niyang nabubwisit din ako.
Jin's POV
Aish! Nababaliw na ako! Tinitiis kong hindi kausapin si Atasha. Nasasayang ang oras na dapat naglalambing kami. Damn you Samuel! Sinabihan na kitang layuan ang mahal ko. Tangna! Wala akong gana kumain.
Dinial ko ang number ni Dianne. Kailangan ko siyang kausapin.
( Oh, napatawag ka, fuckboy? )
[ Shut up, Dianne! I have something to tell you. ]
( Ano? May nangyari na sa inyo ni Atasha? Oh come on, hindi na ako magtataka sa landi mong taglay Jin. )
[ Tss! Bye! ]
Pinutol ko ang tawag. Mali ako nang tinawagan. Wala dapat makaalam na may nangyari sa amin. At sigurado ako na hindi 'yon ang huling beses na gagawin namin 'yon. Fuck! I want her now!
Aish! Paano mmay mangyayari sa amin kung naiinis pa rin ako? Nagseselos talaga ako. Ano bang gagawin ko para mawala 'to?
*****
“Salamat, Atasha. Tara na! May kukuha naman ng basura na 'yan kapag dumaan 'yung truck.” ani Angela.
Tinulungan ko kasi siyang ilabas lahat ng basura sa bahay. Wala akong magawa tapos ayaw pang mamansin ni Boss.
“Tara! Magkwentuhan na lang tayo kahit walang katuturan.” natatawang sambit ko. Tapos na rin kasi ang gawain niya.
“Hoy!”
BINABASA MO ANG
Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )
Ficción GeneralHighest Rank: #1 in General Fiction