Chapter49

60.2K 1.3K 125
                                    








Napadilat ako sa sobrang ingay ng paligid ko. Napakaraming tao rito sa kwarto. Lahat sila ay may pinagkakaguluhan. Anak ko ba 'yon?Susubukan ko sanang tumayo ngunit napangiwi ako sa sakit. Shit!

“Gising na pala si Mommy, oh!”

Napatingin silang lahat sa akin. Si Boss Jin naman ay umupo sa tabi ko. Hindi maalis ang ngiti sa labi niya.

“Are you okay, honey? Do you want something?”

Umiling ako. “Si baby? Nasaan na siya?”

“Heto na si baby, Ate...” Nilapit sa akin ni Jonas ang baby. Pagkuha ko sa kanya, hindi ko malaman kung ngingiti ba ako o iiyak. Sa siyam na buwang nasa tiyan ko siya, nasilayan ko na rin ang mukha niya. Hindi ko mapagkakaila na si Jin ang kamukha. Labi lang yata ang nakuha niya sa akin.

“Anong pinangalan mo sa kanya?” tanong ko kay Boss Jin. Hinayaan ko kasi siyang magdesisyon kung anong ipapangalan sa anak namin.

“Levi.” sagot niya. Napatango na lang ako at napangiti.

“Kapag lumabas na 'yung anak ko, kamukha ko rin kaya?” Nagtawanan kami sa tanong ni Shawn. Nandito pala 'to. Ayos lang kung kamukha niya basta't huwag kaugali. Hanggang ngayon kasi babaero pa rin siya. Kawawa tuloy si Dianne.

“Ma, Jonas, wala ba kayong pasok?” Nagkatinginan sila. Aish! Alam ko na ang sagot. “Pumasok na kayo. Nandito naman 'yung asawa ko para magbantay sa akin.” Natahimik silang lahat. Ibinaling ko na lang ang tingin ko kay baby nang maisip kung ano 'yung nabigkas ko. Ngayon ko lang nasabi ang salitang asawa. Lagi kasing Boss Jin ang tawag ko sa kanya. Naalala ko tuloy 'yung nangyari kahapon.

“Kaibigan, highblood ka yata. Namumula ka oh!” Tumawa si Jonas. Si Boss Jin naman ay natatawa na rin.

“Excuse me po, Mam. Kukunin ko muna po si baby Levi.” ani ng kakapasok lang na nurse. Maingat ko naman 'yong binigay sa kanya. Ang bilis naman. Kakabuhat ko lang eh. “Aalis muna si baby Levi. Babalik na lang daw po siya ulit.”

Nagtaas ang kilay ko sa nurse. Si baby ang binabanggit niya pero sa asawa ko siya nakatingin. Bwisit 'to! Nagpapa-cute pa talaga kahit hindi naman.

Pagkaalis niya, tinignan ko ng masama si Boss Jin. Alam niya kung bakit. Natatawa lang siya kaya umirap ako.

“Anak, Atasha, may taong naghihintay sa 'yo sa labas. Gusto ka nilang makita kung ayos lang sa 'yo.” ani Mama. Tumingin ako kay Boss Jin. Mommy niya kaya? Sinong kasama niya?

“Sige po. Papasukin niyo na lang.”

“Lalabas muna kaming lahat. Huwag kang magpa-stress ha! Tawagin mo lang kami kapag may ginawa silang masama sa 'yo.”

Lalo akong naghinala. Hindi ko naman yata hahayaan na mangyari 'yon. Aalagaan ko ang sarili ko para kay baby.

“Opo. Huwag kayong mag-alala.”

“Halika, lumabas muna tayo sandali.”

Humalik naman si Boss Jin sa akin sa noo. “I'll be back. I love you.”

Nang lumabas na sila, nakasulyap lang ako sa pinto. Pagbukas ulit n'on, pumasok si Charity at isang lalaki. Wait, nakita ko na siya. Tama, Daddy nga ni Charity. Pero bakit parang bumagsak ang katawan nito?

Umupo sila. Pansin ko ang Daddy ni Charity na nagtutubig ang mata.

“Kamusta ka na? Maayos ba ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin?”

Napatingin ako kay Charity. Nakayuko lang siya. Malaki na ang tiyan niya at kung pagbabasehan ang laki, masasabi kong malapit na siyang manganak.

“Maayos naman po ako. Medyo mahirap po palang manganak. Mamaya na po ako kakain. Sasabay po ako sa asawa ko.”

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon