Chapter26

57.9K 1.2K 38
                                    








“Please, anak, huwag kang umalis. Hindi ko sinasadya 'yung ginawa ko.”

Gising na ako ngunit hindi ko idinilat ang mata ko nang marinig ko 'yon. Ano bang nangyari sa akin kaya nawalan ako ng malay?

“No. When she wakes up, we will leave this house.” ani Boss Jin na ikinagulat ko. Aalis kami rito? Saan naman kami pupunta?

“Iiwanan mo ako rito mag-isa? Para sa babae na kailan mo lang nakilala? Ako na ina mo ang ipagpapalit sa babaeng 'to? Nasisiraan ka na ba, Jin?”

“Yeah. I can do it for Atasha. That's how I love her.”

Napalunok ako. Paano niya nagagawa 'to? Ganon na ba ako kaimportante sa kanya? Kung ako ang nasa sitwasyon niya, hindi ko 'yon magagawa.

Nang marinig ko ang pagsara ng pinto, naisip kong lumabas na sila. Nanatili pa rin akong nakapikit at iniisip ang nangyari.

Unti-unti kong idinilat ang mata ko nang maramdamang hinahaplos ang pisngi ko.

“A-are you okay? Are you feeling well? Do you need anything?” tanong niya agad. Umupo naman ako at hinarap siya.

“Narinig ko 'yung sinabi mo sa Mommy mo. Hindi mo kailangang umalis dahil sa ginawa niya. Naiintindihan kong ayaw niya sa akin kaya niya nagawa 'yon.”

“Ilalayo kita sa kanya. I don't want it to happen again, baby.” aniya pagkatapos ay yumakap sa akin.

“Hindi pwede.” pagtutuol ko.

Agad din siyang humiwalay na parang hindi sang-ayon sa sinabi ko. “Why? Do you want to be hurt again?”

Sumimangot naman ako. “Hindi ganon. Kung aalis tayo, lalo siyang magagalit sa akin. Gusto kong kunin ang loob niya sa paraan na alam ko. Ipapakita ko rin sa kanya na hindi lang pera ang habol ko sa'yo.”

“Are you sure with that?” tanong niya pa. Tumango naman ako. 

“Oo, Boss.”

“Baby not boss.”

“Sigurado ako, baby Jin.”

“Fine. In one condition.”

Kumunot naman ang noo ko. Talagang may kondisyon pa? “Ano naman 'yon?”

“You will be with me in my working days.” sagot niya sabay taas-baba pa ng kilay.

“Ayon talaga ang kondisyon mo? Akala ko pa naman kung ano.” pagmamayabang ko. Sasama lang pala ako sa kanya kapag papasok siya sa trabaho niya.

Nanlaki naman ang mata ko sa paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Shit! Nabasa niya ba 'yung iniisip ko?

“What do you expect, sexy?” tanong niya gamit ang mapang-akit niyang boses.

“Hindi 'yan 'yung iniiisip ko.” natatawang sambit ko at napapaatras pa.

“Really? What if I kiss you?”

Bago pa man maglapit ang labi namin, biglang bumukas ang pinto.

“Fuck! Ang inosente kong mga mata.” ani Shawn na tinakpan pa ang mata. Binato siya ng unan ni Boss Jin na ikinatawa lang niya. “Buti naman gising ka na, Atasha. Kinabahan talaga ako sa'yo. Akala ko kung ano na ang nangyari. Buntis ka lang pala.” aniya na ikinabagsak ng balikat ko. Buntis ako? Hindi pwede 'yon.

“A-anong sinabi mo? B-buntis ako?” nauutal na tanong ko.

Tumawa naman siya na ikinainis ko. Tangna! Nakakatawa ba 'yon? Hindi pa ako pwedeng mabuntis agad.

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon