Chapter33

49.4K 1K 31
                                    








Pagmulat ng mata ko, agad akong nakaramdam ng pagkahilo. Naisip ko na baka dahil walang laman ang tiyan ko. Hay! Nagugutom ako.

Nang may maamoy akong mabango, halos sundan ng ilong ko 'yon. Lalong nagwala ang tiyan ko sa amoy. Parang ang sarap-sarap n'on. Saan kaya 'yon?

Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko si Joselle na naghahanda ng almusal. Nang magtama ang paningin namin, ngumiti siya.

“Goodmorning.” nakangiting bati niya.

“Goodmorning din.”

“Nakatulog ka ba ng maayos? Umupo ka na para makakain na tayo.”

Umupo naman ako sa harap niya. “Oo. Nakatulog naman ako. Dala na rin siguro ng sobrang antok. Ahm, pasensiya na nga pala kung hindi man lang ako nakatulong sa'yo magluto ngayong umaga.” nahihiyang sambit ko.

“Ano ka ba! Wala 'yon 'no! Oh siya, kumain na tayo. Pupunta pa ako sa gym pagkatapos.”

Tumango naman ako. Unang nakita ng mata ko ang itlog na pula. Pero nang ilagay ko 'yon sa plato, inalis ko ang nasa gitna. Mas gusto kong kainin ang puti at sinangag.

“Ayaw mo nito? Masarap kaya 'to?” tanong niya nang tusukin ang dilaw ng itlog na tinanggal ko. Umiling naman ako bilang sagot. “Sige. Akin na lang. Subukan mo 'yung ham. Masarap 'yan.”

Kumuha ako ng ham. Pagkatikim ko, nasarapan nga ako. Di ako mahilig dito pero kakaiba 'to ngayon. Siguro mahal ang bili rito.

“Pwede ba akong makigamit ng cellphone mo pagkatapos natin kumain? Tatawagan ko lang si Jonas.”

Tinanggal ko kasi ang sim ko sa cellphone. Ayokong malaman nila kung nasaan ako.

“Oo naman. Ano bang gagawin mo ngayong araw? Gusto mo bang sumama na lang sa akin?”

“Hindi na. Maghahanap siguro ako nang pwede kong pasukan. Kailangan ko makahanap ng bagong trabaho ulit.” sagot ko. Kahit malaki ang perang nakuha ko sa pagtatrabaho kay Boss Jin, hindi pa rin sapat 'yon para matupad ang pangarap ko.

“May alam ako. Ibibigay ko sa'yo mamaya ang address tapos puntahan mo na lang.” aniya na nagpangiti sa akin.

“Salamat ha? Maaasahan talaga kita.”

“Ako pa ba? Kain lang nang kain. Ubusin natin lahat 'to.”

Mahina akong natawa. Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain at hindi na nagsalita pa. Ngunit bawat pagnguya, sumasagi sa isip ko si Boss Jin. Sana siya ang kasama ko ngayon na kumakain.

Pagkatapos namin mag-agahan, pinahiram na niya sa akin ang cellphone niya. Buti na lang at kabisado ko ang number ni Jonas kaya matatawagan ko siya.

Sa ikatlong pag-ring ng cellphone, sinagot na ni Jonas ang tawag ko.

( Hello! Sino 'to? )

[ Jonas? Ate mo 'to. ]

Hindi siya sumagot ngunit mayamaya'y narinig ko na ang boses niya.

( Ikaw ba talaga 'yan, Ate? )

Halata sa boses niya na nag-aalala siya.

[ Oo, Jonas. May sasabihin ako sa'yo makinig kang mabuti. ]

( Pasensiya na kung hindi ako sumagot agad. Lumayo muna kasi ako kay Mama. Nasaan ka na ba, Ate? Alam mo bang tawag nang tawag sa akin ang Boss mo at mga kaibigan niya? Hindi ko alam kung paano nila nalaman 'yung number ko. Pumunta pa nga sila rito pero wala silang napala dahil kahit ako, hindi ko alam kung nasaan ka. Ano bang nangyayari, Ate? Bakit ka umalis? )

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon