Hay! Ano ba naman 'tong boss ko. Matutulog ako pero hindi sa kwartong tinutuluyan ko? Kung makayakap pa akala mo makakawala ako. Aba! Ang landi rin pala nito.
"Atasha?"
"Bakit boss?"
"I love you."
"H-ha?"
Shit ka! Naiihi ako sa kilig. Mag I love you ba naman sa harap ko. Ang lapit-lapit pa ng mukha naming dalawa. Gusto ko tuloy mag-toothbrush ulit. Ang bango kasi ng hininga niya.
"Ang sabi ko, mahal kita."
"Sigurado ka ba Boss Jin? Baka naman namimiss mo lang si Charity kaya..." Napahinto ako nang humiwalay siya sa akin sa pagkakayap. Hala! Nagalit yata.
"Hindi ka si Charity. Hinding-hindi." aniya.
"Ibig sabihin, hindi mo ako mamahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya dahil hindi ako si Charity?" tanong ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Galit nga yata talaga!
"Minahal kita dahil ikaw si Atasha. Hindi ko nakikita si Charity sa'yo dahil hindi ka tulad niya na pera lang ang mahalaga."
"Mahalaga rin sa akin ng pera, Boss Jin." baling ko. Ayon nga ang dahilan kung bakit nagsisipag ako.
"Alam ko. Pero hindi para sa pansarili mong kasiyahan. Para sa pamilya mo. Hindi mo naman ako ipagpapalit sa pera tulad niya diba?"
Agad naman akong umiling. "Hindi ako ganon. Kahit sinabi mong mahal mo ako, hindi ko sasamantalahin 'yon. Paghihirapan ko kung ano man ang ibibigay mo sa akin."
Ngumiti naman siya na lalong nagpagwapo sa kanya. Huwag lang 'tong magtanong ng can we have sex now at baka mapa oo ako.
"That's why I love you. But..."
Kumunot naman ang noo ko sa pag-ngisi niya. Ano na namang kalokohan nitong boss ko?
"Pero ano?"
"I'm hungry." sagot niya. Natawa naman ako. Akala ko kung ano na.
"Ayon lang pala eh. Ano bang gusto mong kainin, Boss?" nakangiting tanong ko.
"You." sagot niya na nagpawala ng ngiti ko.
"Boss Jin naman eh! Huwag ka ngang ganyan."
"Hindi naman 'yung tiyan ko ang nagugutom."
"Hindi kita maintindihan, Boss."
"Siya ang nagugutom." sagot niya na nginunguso pa ang pagkalalaki niya.
Tumayo naman ako agad. "Ewan ko sa'yo Boss Jin! Babalik na ako sa kwarto ko. Magpahinga ka na rito. Ang pervert mo!"
"Hey!"
Napahinto naman ako sa tapat ng pinto. Naku naman!
"Boss Jin?"
"Don't call me Boss Jin." aniya.
"Ano pong gusto niyo? Madam Jin?" tanong ko. Tumayo naman siya kaya niyakap ko ang sarili ko.
"What are you doing baby Atasha?" natatawang tanong niya na ikinasimangot ko.
"Baby Atasha?"
"Yeah! You're my baby from now on. And I want you also to call me baby Jin. Not boss!" pagdiin niya.
"Ayoko nga!"
Mukha ko naman ang tinakpan ko ngayon nang magdikit ang katawan naming dalawa. Kailangan ko ng tulong. Ang landi ng boss ko.
BINABASA MO ANG
Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )
Ficción GeneralHighest Rank: #1 in General Fiction