Chapter4

91.3K 2.1K 174
                                    






Ikalawang araw ko na rito bilang personal kasambahay ni Boss Jin. Hindi naman mahirap ang ginagawa ko. Kung tutuusin, mas marami pa ang pahinga ko. Maghapon naman kasi siyang wala rito sa bahay.

Pwede naman niyang ipagawa sa mga kasambahay dito ang mga ipapagawa niya sa akin. O kaya kumuha siya ng simpleng kasambahay lang. Nagsasayang lang siya ng pera na ipambabayad sa nalalaman niyang personal kasambahay. Eh bakit ba ako namomroblema? Hindi naman ako 'yung magpapasahod? Pasalamat na lang ako at makakatulong siya na makaipon ako ng malaking pera.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga at sa kisame lang ang tingin. Naalala ko na naman tuloy 'yung nakita ko kahapon. Hay! Nakakainis!
Pagkabalik ko kasi sa kwarto ko kahapon, hindi naman niya ulit ako pinatawag. Baka hindi naman talaga siya 'yung nag text. Ewan!

Sa sobrang pagkainip, lumabas ako ng kwarto. May dalawang babae naman akong nakita na naglilinis. Napatingin sila sa akin nang lumapit ako sa kanila. Hindi ko pa pala sila kilala.

"Hi!" bati ko sa kanila.

"Hello! Ano pa lang pangalan mo?" tanong ng isang babae na maikli ang buhok na medyo may kaputian at katangkaran. Pansin ko lang, bata at maganda ang mga kasambahay dito.

"Atasha. Ikaw?"

"Angela." sagot naman niya.

"Ikaw, anong pangalan mo?" tanong ko naman sa isa pang babae na naka pony tail ang buhok na kasing puti ko. Bakit parang mukhang anak mayaman siya?

"Kayecee." sagot naman niya na hindi tumitingin sa akin.

"Alam mo, ang swerte mo. Lagi mong makakasama si Sir Jin, samantalang si---" hindi natuloy na sambit ni Angela nang takpan ni Kayecee ang bibig niya.

"Ang daldal mo. Tara na, may gagawin pa tayo." ani ni Kayecee. Hinila na niya si Angela kaya umalis na rin ako. Ayaw ba ni Kayecee na lumapit ako sa kanila? Bahala nga siya.

Pumunta na lang ako sa garden at may isang kasambahay na naman akong nakita. Ilan kayang kasambahay ang mayroon dito? Kailangan ko kasi silang kilalanin para kahit paano, may kaibigan ako.

Pagkalingon niya, napatitig siya sa akin. Napataas na lang ang kilay ko nang umirap siya at humalukipkip pa. Mukhang hindi maganda 'to ah.

"Anong problema mo?" kalmadong tanong ko. Imposible naman na magalit siya nang walang dahilan.

"Ikaw. Sa pagkakaalam ko, hindi kumukuha ng panget na kasambahay si Sir Jin." aniya. Kalma lang Atasha! Bago ka lang dito. Alam mo naman sa sarili mo na hindi ka panget.

"Kung hindi pala sila kumukuha ng panget na kasambahay, bakit nandito ka?" baling ko. Hindi ko naman siya kamukha para sabihan ako ng panget.

"Binabalaan kita babae! Huwag na huwag mong lalandiin si Sir Jin kung hindi malalagot ka sa akin." aniya. Tss! Hindi naman halata na may gusto siya sa amo namin. Goodluck na lang sa kanya.

"Hindi ako natatakot sa'yo. Wala rin akong balak na landiin si Boss Jin 'no! Trabaho ang pinunta ko rito hindi 'yung iniisip mo."

"Sabagay, wala naman sa itsura mo ang papatulan si Sir Jin." pang-iinsulto pa niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Wala talaga akong balak na pumatol sa amo ko. Alam ko naman kung ano ang katayuan ko. Malabo rin na magustuhan niya ako.

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo. Ewan ko nga kung bakit nagagalit ka sakin nang walang dahilan. Napaghahalataan ka tuloy na inggit sa ganda ko." sambit ko at tinignan din siya mula ulo hanggang paa. Bwisit! Ang arte-arte eh mas maganda pa 'yung kuko ng manok sa kuko niya.

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon