Sampung Utos ng Boss?
Ano 'yon? May ganon ba? Sa pagkakaalam ko, Diyos lang ang may Sampung Utos.
At kung boss siya, hindi lang sampu ang iuutos niya. Ang labo naman.
Kasambahay ang trabahong papasukin ko kaya bakit hindi Sir ang itawag ko sa kanya? Bakit boss?
"Goodmorning, ho! Ako nga pala 'yung pinadala ni Manang Zeny na bagong magiging kasambahay dito sa inyo." bungad ko nang harapin ako ng babaeng may edad na.
"Ganon ba? Sige, pumasok ka na. Naghihintay na si Jin sa'yo sa loob."
Pumasok naman ako sa loob kung saan may nakatalikod na lalaki ang nakatayo.
"Goodmorning, Sir. Ako nga pala si Atasha, bagong kasambahay niyo." bati ko sa kanya.
"Huwag mo akong tatawaging Sir. Boss ang itawag mo sa akin. At ngayong nandito ka na, susundin mo ang sampung utos ko sa'yo. Wala nang atrasan, alipin na kita." aniya pagkatapos ay tinalikuran na ako.
Weird. Hindi man lang humarap sa akin. Kung ano man 'yung utos niya, sosobrahan ko pa sa nais niya.