Chapter40

56.1K 1.4K 105
                                    





Nandito pa rin ako sa kinauupuan ko. Naghihintay ako ng sagot kung sino ang nagtext sa akin ngunit ilang minuto na'ng lumipas, wala pa rin akong natatanggap na mensahe. Baka naman wrong send lang 'to? Pero bakit gan'on? Iniisip ko na si Boss Jin 'yon?

Kung akala kong malayo na ako sa kanya, mas lumapit lang pala ako nang makilala ko sina Jemarie.

“Atasha!”

Nag-angat ako nang tingin. Napatayo ako nang makita kong papalapit sa akin si Jemarie.

“Pasensiya na. Naligaw ako. Hindi ko nakita 'yung restroom dito. Babalik na rin naman ako sa loob mayamaya.” Hindi ako makatingin sa kanya sa mata. Mahahalata niya kasi ako sa itsura ko.

“May problema ba, Atasha? May kinalaman ba 'yung brother ko? Yung baby---”

“W-wala siyang kinalaman. May naalala lang ako sa kanya. Kamukha niya kasi 'yong dapat kalimutan ko na. Pasensiya na talaga. Sinira ko 'yung araw mo. Hindi na dapat ako sumama sa'yo.”

“Nag-aalala ako sa kalagayan mo. Gusto mo bang umuwi na tayo?” tanong niya. Agad akong umiling.

“Bumalik ka na sa loob. Susunod na lang ako. Magpapahangin lang muna ako rito.”

“No. I insist. Hindi pa tayo kumakain simula umalis tayo sa bahay. Ganito na lang, hintayin mo ako rito. Dito tayo kakain dalawa.”

Tatalikuran na niya ako ngunit pinigilan ko siya. “Papasok na rin ako sa loob. Sabay na tayo.  Baka magtaka si Jomari kapag wala ako roon.”

“Sigurado ka?” tanong niya. Tumango naman ako.

“Gamitin mo muna 'to. Punasan mo 'yung luha mo.” Inilagay niya sa kamay ko ang panyo kaya hindi na ako nakatanggi. Hindi ko nararamdaman na napapaluha pa rin pala ako. Ang hapdi na kasi ng mata ko. “May nabuo sa isip ko kanina sa nangyari. Pero ayaw kong makialam lalo na't wala akong alam. But please, don't do anything that will hurt you. I want you to be happy, Atasha.”

Hindi ako sumagot. Gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya. Ayaw kong magalit siya sa akin kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ng kapatid niya.

“Okay na ako. Tara na sa loob.” pag-aya ko.

Pagbalik namin, pinilit kong palakasin ang loob ko. Pero kahit ano yatang isipin ko para lumakas ako, hindi kaya nang katawan ko. Lumapit kami sa mesa kung saan naroon sina Jomari at Boss Jin na katabi ang asawa niya. Shit! Ang sakit!

Ramdam ko sa gilid nang mata ko ang paninitig ni Boss Jin nang makaupo na kami. Kinokontrol ko ang mata ko na si Jomari at Jemarie lang ang titignan ko. Shit! Failed! Hindi sumusunod ang mata ko sa gusto ko.

“Magkakilala pala kayo ni Ate Jemarie, Atasha?” tanong ni Charity. Imbes na sa kanya ako tumingin, kay Boss Jin na naman dumapo ang mata ko. Kinakabahan ako sa di malamang dahilan.

“Isn't obvious, Charity? We're friends. Actually, I like her so much.” ani Jemarie.

“Nakakainggit naman pala, Ate. Ako na asawa ng kapatid mo, hindi mo man lang nabibigyan ng pansin. Halatang ayaw mo sa akin.”

“Nandito na pala 'yung pagkain eh. Itigil niyo na 'yung drama. Kumain na tayo. Nagugutom na 'yung baby Atasha ko.”

Napatingin na naman ako kay Boss Jin. Masama ang tingin niya sa kapatid niya.

“Anong tingin 'yan, bro? Inggit ka na naman sa kagwapuhan ko?” Tumawa si Jomari. Tumigil siya nang magkatinginan kaming dalawa. “Oops! Mukhang galit ka rin sa sinabi ko. Nagkamali lang naman. Ang ibig kong sabihin, gutom na 'yung baby mo, Atasha.”

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon