Pauwi na ako ngayon sa bahay. Bwisit na mga matatanda na 'yon, hindi talaga binigay 'yung sahod ko. Makarma sana sila sa ginawa nila sa akin. Kainis! Ano nang gagawin ko ngayon? Paano na 'yung kapatid ko?
Habang naglalakad sa kalye namin, pansin ko na naman ang mga mata ng tsismosa na nakatingin sa akin at pinag-uusapan ako. Nakakaasar, nagsasalita talaga para marinig ko.
“Mukhang walang customer kaya bumalik agad.”
Ayan na naman si Aling Luz. Tambay na talaga rito sa kalye 'tong panget na 'to para makipag-tsismisan.
“Sigurado akong hindi makakatapos 'yung kapatid niyang si Jonas. Baka mag macho dancer naman 'yon.” natatawang dagdag pa niya. Binitawan ko naman ang bag ko at lumapit sa kanya. Hinila ko ang buhok niya na agad niyang ginantihan. Tumulong din si Aling Amy kay Aling Luz. Wala akong pakialam kung dalawa pa sila.
Hawak nilang pareho ang buhok ko at ako naman ay hawak ang buhok nila. Tatanggapin ko na laitin nila ako ngunit hindi ang kapatid ko. Sawang-sawa na ako na laging pinaparinggan kapag dumadaan ako.
Agrabyado ako sa posisyon ko ngunit binigay ko ang buong lakas ko na hilahin ang buhok nila. Bata pa ako at malakas, di tulad nila na mahina na.
“Tama na 'yan! Tama na 'yan!” dinig kong awat sa amin.
May humila na sa akin na lalo lang akong nasaktan bago mapabitaw ang kamay ni Aling Luz at Aling Amy.
“Kayo!” turo ko sa dalawang matanda. “Kung wala kayong magawa sa buhay niyo, magpakamatay na lang kayo. Huwag na huwag niyong idadamay ang kapatid ko. Buhay niyo ang problemahin niyo huwag sa amin.” Inalis ko naman ang kamay ng lalaking umawat sa akin. Niyayakap na kasi ako, sa dibdib ko pa nakahawak. Bwisit! Para-paraan talaga 'tong manyak na 'to.
“Kahit anong gawin mo, sa ganong trabaho rin mapupunta ang kapatid mo. Wala ka nang magagawa.” ani ni Aling Luz.
“Magsilayas na kayo rito. Baka may aids na kayo ng Nanay mo.” ani naman ni Aling Amy.
“Fuck you!” sabi ko sa kanila na ipinapakita pa ang kamay ko. Pangalawang beses ko pa lang ginawa 'to sa buong buhay ko. Hindi ko talaga mapigilan 'yung galit ko.
Kinuha ko na lang ang bag ko at lumayo na sa kanila. Wala akong pakialam kung magulo ang buhok ko at kahit maraming taong nakakakita sa akin.
Padabog kong binuksan ang bahay at naabutan ko pa rin si Mama na natutulog sa mahabang upuan. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko na sobrang liit at itinapon ang sarili ko sa kama na gawa sa kahoy. Paano na ba ako nito? Saan naman ako maghahanap ng trabaho? Lalo lang akong pag-uusapan kung nandito ako sa bahay.
****
Napadilat ako nang may marinig akong kumakatok. Kahit inaantok pa, tumayo ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko.
“Hi, babe.”
“Anong ginagawa mo rito, Samuel?” tanong ko. Ngumiti naman siya ng pagkalapad-lapad. Shit! Lasing pa yata 'to. “Umuwi ka na sainyo. Huwag ka nang babalik dito.” Isasara ko na ulit sana ang pinto nang harangin niya 'yon.
“Hindi ako aalis hangga't hindi tayo nagkakabalikan.” aniya. Napasabunot naman ako sa sarili ko sa walang sawa niyang linya.
“Please naman, hindi naging tayo kahit kailan. Tapos na ako sa pagtulong sa'yo.” sagot ko naman. Binayaran niya kasi ako para magpanggap na girlfriend niya at pagselosin ang ex niya. Yon naman pala, hindi na niya gusto ang ex niya. Paraan niya lang 'yon para makasama ako. Alam niya kasing hindi ako nakikipag-boyfriend. Gwapo naman, sadyang wala lang akong panahon sa kanya.