Chapter16

80.8K 1.8K 103
                                    




Isang linggo na simula nang may mangyari sa amin ni Boss Jin. Tulad dati, ganon pa rin ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Narinig ko nga ulit na wala siyang gusto sa akin nang tanungin siya ng kaibigan niyang si Shawn nang mag-inuman sila.

Nandito ako ngayon sa supermarket. Inako ko ulit ang gawain ni Manang Celia dahil wala akong magawa. Naiinip ako kaya nagprisinta na lang ako.

Napairap na lang ako nang makita sa listahan na kailangan bumili ng condom. Bakit ba sinasabay 'to sa mga pagkain? Hala! May ginamit ba kami nito nang may mangyari sa amin? Paano kung mabuntis ako? Hindi, malabo mangyari 'yon.

Pagkatapos kong mabili ang lahat ng nasa listahan, lumabas na ako ng supermaket bitbit ang apat na plastic bag ng mga pagkain.

“Atasha!”

Napalingon naman ako. Nakita ko ang dating kaibigan kong kasambahay din na tulad ko.

“Joselle!” masayang sambit ko nang makita ko siya.

“Kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita ha! Saan ka namamasukan ngayon?” tanong niya.

“Sa Cresta Village ako ngayon. Ikaw? Kamusta na kayo ni Kristine kasama si Madam Betty?” tanong ko naman. Buhay pa kaya 'yung matanda na 'yon? Sana hindi na. Para mabawasan naman ang masama sa mundo.

“Wala na ako roon, Atasha. Muntik na kasi akong pagsamantalahan ng asawa niya. Kaya tulad mo, pinaalis din ako. Pero alam mo, noong umalis ako, sinuwerte ako. May naging boyfriend akong amerikano kaya heto, bigtime na ang lola mo.” aniya na napapatalon pa sa tuwa. Napakasama talaga ng mag-asawa na 'yon. Nakakapagtaka kung bakit binuhay pa sila sa mundo.

“Kahit ako sinuwerte rin nang umalis doon.”

“May boyfriend ka ring amerikano?” gulat na tanong niya. Agad naman akong umiling.

“Hindi. Malaki kasi ang sahod sa pinapasukan ko. Triple sa binabayad ni Madam Betty. Tapos ang gwapo pa ng amo ko.” sagot ko.

“Uy!”

Hinawi ko naman ang kamay niya na sinusundot-sundot ang tagiliran ko.

“Tumigil ka nga, Joselle! Oh siya, aalis na ako. Kailangan na kasi 'tong mga pinamili ko. Hindi ako pwedeng magtagal.”

“Oh sige. Mag-ingat ka. Kapag may time ka, punta ka sa gym na 'yon.” Turo niya sa tapat na gym nitong supermarket na kinatatayuan ko. “Boyfriend ko ang may-ari niyan kaya libre ka kapag gusto mo lalong sumexy.”

Natawa naman ako sa sinabi niya. “Wala akong oras sa ganyan. At ikaw babae, huwag mong dalasan ang pagpapasexy. Tignan mo 'yung dibdib mo nangangayayat na. Baka malito na ako kung saan 'yung likod at hirap kapag nagkita ulit tayo.” pang-aasar ko. Sinamaaan naman niya ako ng tingin. “Biro lang! Sige, aalis na ako.”

“Umalis ka na nga! Huwag ka na pala mag-ingat. Sila dapat ang mag-ingat sa dibdib mo.” aniya na tinawanan ko na lang. Ang sabihin niya, inggit lang siya. Pero masaya ako na wala na siya sa bahay ni Madam Betty. Sana lang seryosohin siya ng amerikano niya.

Sumakay na ako ng taxi pauwi. Ano naman kaya ang gagawin ko mamaya? Matutulog na lang ba? Hay! Kung pwede lang sana na umuwi ako sa mga oras na wala akong ginagawa.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay ni Boss Jin, nagbayad na ako sa driver at hinintay ang sukli. Sayang kasi 'to. Hindi naman ako ang may-ari ng pera kaya wala akong karapatang ipamigay.

Pagpasok ko pa lang sa pinto, nagtaka ako nang makita si Angela, Kayecee at Cherry na magkakatabing nakayuko na parang takot na takot. Kumunot na lang ang noo ko sa mga basag na bagay na nakakalat. Shit! Anong nangyari rito?

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon