Chapter23

64.8K 1.3K 34
                                    






Hay! Ang kulit talaga ng babaeng 'to! Kanina pa ako inaasar kay Boss Jin. Buti na lang at napakiusapan ko siya na huwag ipagsabi kahit kanino 'yung nakita niya.

“Ano na ngang chika? Kayo na ba talaga?” tanong niya.

“Parang ganon na nga.” sagot ko. Nakakaasar! Hindi ko man lang naranasan na maligawan.

“Ay, ang labo naman ng sagot. Eto na lang, may nangyari na ba sa inyo?”

“Angela! Ano ba 'yang tanong mo!” Napairap na lang ako. Kailangan bang tanungin 'yon?

“Alam mo, sa pagkakakilala ko kay Sir Jin, maharot siya masyado. Imposible na walang nangyari sa inyo. Eh palagi kayong magkasama sa kwarto.”

“Bakit? Hinarot ka na rin ba niya?”

Sumimangot naman siya. “Hindi nga eh! Ang tagal-tagal ko na rito pero hindi man lang niya ako binastos.” Gusto niyang bastusin siya? “Aray ha!” daing pa niya nang hampasin ko siya.

“Alam mo ba kung ano 'yung sinasabi mo? Ikaw lang yata ang gustong mabastos eh.” baling ko.

“Wala naman sa akin 'yon basta gwapo 'no!” Ngumiti naman siyang nakakaloko na ikinakunot ng noo ko.“Uy, nagseselos siya.” sabi pa niya sabay tusok sa tagiliran ko.

“Ewan ko sa'yo! Selos mo mukha mo!”

“Atasha!” Sabay kaming napalingon ni Angela sa pagtawag sa akin. “Hinahanap ka ni Sir Jin. Umakyat ka raw sa kwarto niya.” ani Cherry na masama ang timpla ng mukha.

Nakauwi na pala siya? Ang daldal ko kasi masyado. “Ganon ba? Sige, aakyat na ako.”

As usual, inirapan ako bago siya lumayo. Hay! Ang laki talaga ng problema niya sa akin. Nasabi kasi ni Angela na pareho sila ni Kayecee na may gusto kay Boss Jin. Anak mayaman naman daw talaga si Kayecee. Hindi niya lang nasabi kung bakit nagtitiis siyang magpaalipin dito.

“Umakyat ka na sa taas, Atasha. Magpabastos ka na.” Tumawa siya ng titigan ko siya ng masama. “Biro lang. Magtrabaho talaga ang ibig kong sabihin.”

“Bahala ka nga sa buhay mo. Bumalik ka na sa ginagawa mo. Mamaya na lang ulit tayo mag-chikahan.”

Nauna na akong umalis. Umakyat agad ako sa kwarto ni Boss. Hindi pa man dumadapo ang kamay ko sa pinto para kumatok, binuksan na niya 'yon.

“Hi baby.” bati niya at sinunggaban agad ako ng halik.

“May gusto ka bang kai---” hindi natuloy na sambit ko nang buhatin niya ako. Kinapit ko na lang ang paa ko sa bewang niya para hindi ako mahulog.

“Yeah! I want to eat you, baby.” sagot naman niya sabay...

“Boss Jin! Bakit mo pinunit?” inis na tanong ko nang punitin niya ang damit pantaas ko. Huhu! Bakit kasi ang nipis ng suot ko.

“Sorry. I'm so excited to see your body, baby.” sagot niya na natatawa pa.

“Ah ganon ah!” Tinanggal ko ang damit ko kasunod ang bra. “Ayan, ayos na ba 'to?” tanong ko na tinataas-baba pa ang kilay.

Ngumisi naman siya. “My favorite view.” aniya at nag-umpisa na akong halikan.

Sa ilang beses na naming ginawa 'to, pakiramdam ko ang galing-galing ko nang humalik. Napapasabay talaga ako sa bawat galaw ni Boss.

Nagkamali ako ng akala na sa kama niya ako dadalhin. Nandito kami ngayon sa bathroom at hindi pa rin tumitigil ang mapupusok na halik.

“Sabay tayong maliligo?” tanong ko pagkababa niya sa akin.

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon