Chapter37

51.1K 1.1K 37
                                    








Isang buwan na rin ang nakalipas simula nang malaman kong wala na rito sa bansa si Boss Jin. Araw-araw ko siyang naiisip. Ako kaya, naiisip din niya? Nagpakasal na ba siya talaga? Masaya ba siya ngayon kay Charity?

“Natulala ka na naman diyan.” ani Joselle. Napatigil ako sa pag-iisip. Nag-aayos pala ako ng gamit ko. Babalik na ako kina Mama. Wala na akong dahilan para magtago pa. “Ano nang gagawin mo? Kapag nakauwi ka na ba sasabihin mo na sa Mama mo 'yung pagbubuntis mo?”

“Hindi ko alam.” Napabuntong hininga ako ng malalim. “Paano kapag tinanong nila sa akin kung sino ang ama ng dinadala ko? Anong sasabihin ko? Na iniwan na ako't nagpakasal sa iba? Hindi ko alam, Joselle. Parehas talaga siguro kami ng kapalaran ni Mama. Malas kami sa pag-ibig.”

Tumabi siya sa akin. “Matatapos din 'yang problema mo. Malay mo may makilala kang ibang lalaki na tatangapin 'yang anak mo at mamahalin ka nang sobra. Basta, kapag kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako ha?”

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Masasabi kong isa siya sa magandang bagay na mayroon ako sa buhay.

“Salamat ha! Hindi ko makakalimutan lahat ng naitulong mo sa akin. Hayaan mo, makakabawi rin ako sa'yo.”

“Wala 'yon. Oh siya, bilisan mo na mag-ayos. Alam kong matutuwa 'yung Mama mo kapag nakita ka.”

Nag-umpisa na ulit akong mag-ayos ng gamit ko. Hay! Ano na naman kayang pagsisinungaling ang gagawin ko?

Nang matapos na ako, bitbit ko na lahat ng gamit ko. Hinatid ako sa pinto ni Joselle na halatang nalulungkot sa pag-alis ko.

“Mag-iingat ka ha? Tatawagan mo pa rin naman ako 'di ba?”

Bahagya akong natawa. “Oo naman. Kapag pinalayas ako ni Mama dahil sa kagagahan ko, babalik ako rito.”

Siya naman ngayon ang natawa. “Ayan naman ang malabong mangyari. Maiintindihan ko n'on 'no! Itext mo ako kapag nakarating ka na sa inyo ha? Para naman mapanatag ako na ligtas kayo ng baby mo.”

Yumakap ako sa kanya. “Aalis na ako. Mag-iingat ka rin ha?”

Lumingon ulit ako nang medyo nakalayo na ako. Kumaway siya sa akin kaya kumaway din ako. Nang maglakad ulit ako, si Boss Jin na naman ang naisip ko. Mabubuhay ba ako ng maayos kung mayamaya, siya ang naiisip ko?

Bus ang sinakyan ko papunta sa bahay namin. Ayaw kong mag taxi dahil baka mapamahal pa ako. Pagkarating sa tapat ng subdivision kung saan kami tumutuloy, bumaba na ako.

Habang naglalakad, pansin ko ang bahay na nadadaanan ko. May isa roon na kapansin-pansin. Napakaganda n'on at parang dapat sa village 'yon nakatayo. Hay! Bakit ba nakikialam ako?

Nang nasa tapat na ako ng bahay namin, kumatok ako sa gate. Wala kasi kaming doorbell. Sumilip ako sa pinto kung saan lumabas si Mama. Pagkakita niya sa akin, nagmadali siyang pumunta sa gate para pagbuksan ako.

“Oh anak, bakit napauwi ka yata? May problema ba?” nag-aalalang tanong niya.

“Wala po, Ma. Pinagbakasyon muna ako ng amo ko. Dalawang linggo kasi sila sa Amerika.” pagsisinungaling ko.

“Ganon ba? Halika! Pumasok ka na sa loob. Sakto ang pagdating mo. Nandito 'yung girlfriend ng kapatid mo.”

Pagpasok namin sa loob, hinanap agad ng mata ko si Jonas.

“Nasaan sila, Ma?” tanong ko.

“Nasa kwarto. Kanina pa nga nandoon 'yung dalawa. Kinakatok ko pero ayaw naman akong pagbuksan ng pinto.” aniya kaya nagmadali akong pumunta sa kwarto ni Jonas.

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon