Chapter39

50.7K 1.1K 93
                                    








Huhu! Ang hirap naman maghanap ng damit na susuotin ko. Ang laki na kasi ng tiyan ko. Dalawang buwan na lang manganganak na ako. Tanggap ko na ring mag-isa akong magpapalaki sa bata na 'to. Kapag may nagtatangkang kumausap sa akin tungkol sa kay Boss Jin, tinatalikuran ko na agad. Hindi ako makakalimot kung patuloy kong aalamin ang nangyayari sa kanya. Alam na rin ni Mama ang kalagayan ko. Buti na lang at naintindihan niya ako.

Masaya na akong pinagsisilbihan si Jemarie. Napakagaan ng gawain ko sa kanya. Minsan nga parang ako pa 'yung inaalagaan niya.

“Atasha!” Napalingon ako. “Bumili ako ng damit na susuotin ko mamaya. Dahil isasama kita roon, binilhan din kita ng para sa'yo.” aniya sabay abot ng paper bag sa akin.

Kinuha ko naman 'yon. “Alam mo, para mo talaga akong inampon nito. Ayaw mong tawagin kitang Mam. Lahat ng kailangan ko, binibili mo. Ang dami ko na talagang utang sa'yo. Pero salamat dito ha? Nahihirapan kasi talaga akong humanap ng susuotin ko.”

Ngumiti naman siya. “Hindi naman ako maniningil. Oh siya, babalik muna ako sa kwarto ko. Maghanda ka na rin. Malapit na tayong umalis.”

“Sige. Salamat ulit dito.” Inangat ko ulit ang bag. Mahina siyang natawa bago umalis.

Pagkaalis niya, kinuha ko ang damit na nasa paper bag. Napasimangot ako sa presyo na nakalagay. Sayang naman 'yung pinambili nito. Kung ako ang bibili, maraming damit na ang mabibili ko rito.

Pero teka, parang nakokonsensiya naman ako. Inaya ako ni Leah at Samuel sa lakad nila pero tumanggi ako. Samantalang kay Jemarie, pumayag agad ako.

Pagsapit ng hapon, nag-ayos na ako ng sarili ko. May pumuntang babae rito para ayusan ako pero tumanggi ako. Kaya ko namang ayusan ang sarili ko. Hindi rin naman ako 'yung inimbita sa kasal. Ikakasal kasi 'yung isa sa dati niyang kasambahay na naging malapit sa kanya. Isasama lang ako ni Jemarie para na rin maipakilala sa kapatid niya na dadalo rin doon. Sa reception na nga ang diretso namin, hindi sa simbahan. Alanganing oras na kasi siyang nagising.

Nang matapos ko nang ayusan ang sarili ko, isinuot ko na ang biniling dress ni Jemarie. Ipinares ko na lang din ang kulay ng damit sa flat shoes ko. Humarap ako sa salamin para tignan ang kabuuan ko. Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti. Malapit na talaga akong maging nanay.

Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Jemarie. Halos patapos na rin siya. Hindi nakasara ang pinto ng kwarto niya kaya natanaw ko agad siya.

“Tama na 'yan. Maganda ka naman na.” sabi ko na ikinatawa niya.

“Nandoon kasi 'yung first love ko kaya gusto kong makita niyang mas gumanda ako ngayon. Malay mo, iwanan niya 'yung girlfriend niya.”

Ako naman ngayon ang natawa. “Baka naman kapag nagkita kayo iwaman mo na lang ako mag-isa roon.” Humalukipkip ko at kunwaring sumimangot. Amo ko siya pero mas gusto niyang ganito ako makipag-usap sa kanya. Yung parang magkaibigan lang kami.

“Hindi naman! Kapag nakilala mo na 'yung brother ko, I'm sure na hindi ka na lulubayan n'on. Katulad mo kaya ang tipo niya.”

“Buntis ako, Jemarie. Manganganak na nga eh. Sa tingin mo ba papansin man lang ako ng kapatid mo? Huwag mo na akong itulak sa kanya. Wala naman siyang mapapala sa akin eh. Hindi rin papayag 'yung step mother niyo na magkalapit kami ng kapatid mo. Marami pa siyang makikilalang babae na dalaga at may kaya sa buhay.”

Nagtataka nga ako kung bakit niya 'ko tinutukso sa kapatid niya. Ni hindi ko nga alam ang pangalan n'on.

“I'm sorry, Atasha. Gusto ko lang naman sana na sumaya ka. Nakalimutan ko na may evil step mother pala kami. Umalis na nga tayo! Huwag nating sirain ang araw na 'to.”

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon