Nagsuot ako ng pares ng sapatos at pagkatapos ay pinusod ang buhok ko. Inayos ko ang fit ng leggings ko at ang racerback na suot ko. Papasok kasi ako sa dance club ngaun. Errr.. bakit kasi obligado na may club ka? Highschool ba? Kesa naman sa cooking or sa mga book clubs ako sumali ay dito nalang.
Paglabas ko ng locker room ay dumiretso ako sa hall kung saan ang room ng dance club. Napangiti pa nga ako ng biglang lumabas sa kabilamg room si Simon at Luther na nakaready na para sa dance club. Well, that's the thing talaga kung bakit sa dance club ako sumali. Nandito ang fun..
"Simon!!" Pasigaw na salita ko. Ganito talaga akong ma-excite. And besides, it's normal for me to be loud. Kumunot ang noo ni Simon. Nakapameywang si Luther na mahinang humalakhak habang tinatapik ang likod ni Simon na mukhang iritable na naman.
"Why are you calling me always? Can you call Luther instead?" Masungit na salita niya. Ako naman ay tumaas ang adrenaline system sa pagsusungit niya. I really like him talaga. Ngumuso ako at napangiwi na bumaling kay Luther na humahalakhak pa din. Pumasok na si Simon pero nakatingin pa din ako kay Luther." Don't look at me like you want to kill me.. I didn't do anything." Tinaas pa ni Luther ang dalawang kamay niya.
"Yun nga, wala kang ginawa pero nakakairita ka!" Umirap ako at tuluyan ng pumasok sa room. Akala ba niya nakalimutan ko yung gabi na pinagbayad niya ako ng bills niya? My goodness! Twenty thousand pesos ang nalagas sakin sa mga alak na ininom ng malanding lalake na yon'. At ako pa talaga ang sinisisi niya kung bakit siya natalo sa laro. Humahalakhak pa din siya at sumunod sa akin sa pagpasok.
"Sasha, dito ka samin.." salita ng isang classmate ko na si Camille. Nilingon ko muna si Simon na nakahalukipkipkip sa gilid habang tamad na nagmamasid lang. Si Luther naman ay panay ang pagpapacute sa grupo nila Davina sa gilid. I rolled my eyes at bumaling ulit kila Camille at naupo sa tabi nila.
"I heard kailangan natin pumartners sa boys.. I can't choose, I like Simon but Luther is hot." Gusto kong matuwa sa usapan nila. Naghagikgikan sila habang nakamasid sa gawi nila Simon. As if naman din na gusto kayo makapareho ni Simon? Hello??!! Langit siya, putik kayo.. duh!
Syempre, hindi na ako kumibo. Hindi naman bitch ang image ko dito eh..
Lalong umingay ang paligid ng pumasok si Darton at Draco sa loob. They're Dominc's bothers, and of course.. pinsan ko sila.
"Oh-mii--gasshhh--" halos mawalan ng hininga ang mga babae sa tabi ko.
"Kahit si Darton nalang ang akin.." she giggled. Well, di ko naman sila masisi. Kung sa appeal at mukha ang pag uusapan, hindi nagpapaiwan ang mga pinsan ko. Yun nga lang, Dom's is closer to Glen. While Darton and Draco ay nakabarkada kay Luther at Simon.
"Sasha, diba pinsan mo yun Dela Fuente brothers? My god! Help me please.." napasinghap ako ng bigla akong kapitan ni Camille. Napatitig kasi ako kay Luther na nakikipagharutan pa din kay Divina. Urgh! Bakit siya lang ang nagsasaya? Dapat ako din! Hindi naman kasi ako makaporma kay Simon na palagi akong binabara.
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. "I'll try.." pinili ko pa din sagutin si Camille kahit naiirita na ako. Patuloy ang pagkahamuling nila kung sino ang pipiliin nilang partners. Like-- duh! Ang tanong eh kung gusto din sila.
"Where's Dom?" Lumapit ako kay Darton na nakahalukipkip sa gilid. Si Draco naman ay may kung anong sinasabi kay Simon.
"Shop, probably." Tipid na sagot ni Darton.
"Why do you look grumpy?" Tinagilid ko pa ang ulo ko para maghintay ng sasagutin niya.
"I hate clubs, I have date. Sana.." ngumuso siya kaya hindi ko maiwasan mapatawa at tapikin siya sa balikat.
![](https://img.wattpad.com/cover/101356769-288-k538030.jpg)
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..