"Wala bang kiss?" Ngumuso si Luther habang pinapanuod akong magbihis. Dalawang taon na kaming ganito. Nakakuha na ako ng trabaho sa isang Advertising/Publishing company being the editor in chief.
Umirap ako sabay hila ng dress na susuotin ko. Nung nakakuha ako ng trabaho. Mas naging malaya akong matulog sa "unit namin" ni Luther. Mom never questioned me anything. He just let me dahil alam niyang nagtatrabaho na ako.
"Tumigil ka nga, kinain mo na nga ako at lahat naghahanap kapa ng kiss?" Naiiling na salita ko. Humalakhak ng mahina si Luther kaya napatingin ako sa kanya.
"Ang sungit mo.. buntis kaba?" Natatawang sabi niya. Umiling ako ng sunod sunod. Hindi ko na mabilang kung ilan beses kaming nag-do ni Luther pero palagi niyang tinatanong kung nabuntis na ako. Gago 'to. Nauna pang tanungin kung buntis ako kaysa pakasalan ako?
"I'm not." Iritableng sagot ko. Prente pa din siyang nakahiga sa kama habang nakatakip lang ng kumot ang beywang niya.
"Pasok na ako.. goodbye.." salita ko sabay hila ng bag ko. Ngumuso si Luther sa harap ko. "Goodbye lang? Wala talagang kiss?"
For the nnth time sa umagang ito umikot ulit ang mata ko. "Oo goodbye lang."
Luther is working at Simon's company now. As his business partner siya muna ang umaasikaso doon habang nag-tatravel si Simon. Can't blame Simon for leaving Maggie. Gaga siya eh.
"Damot mo, Sasha!" Masungit na sigaw ni Luther kaya umiling ako. Madamot pa ako? Kulang na nga lang pati kaluluwa at lamang loob ko ay ibigay ko sa kanya. Somehow, nilagyan ko rin ng line ang binibigay ko sa kanya. Masyado na akong sanay na kaming dalawa lang talaga.
I'm scared.. natatakot ako baka isang araw ay magsawa siya at humanap ng iba. Minsan.. dumadating din sa akin ang kagustuhan na magsettle down kasama siya. Kaso, how the fuck will we go there if he isn't even saying he loves me? He is just enjoying the fun. The benefit of our relationship without the real strings.
Hanggang ngaun walang assurance sa feelings niya para sa akin.
Hanggang ngaun ay hindi pa din kami umaabante sa mas mataas na level.
Nakatayo ako sa lift waiting for it to open. Napasinghap ako bigla ng lumitaw si Luther sa gilid ko. " Where do you think you're going?" Nanliit ang mata ko sa kanya pero hindi ko maiwasan mapangiti. Ang bango ni Luther kahit hindi pa siya naliligo. Nakasuot siya ng ballcap at simpleng t-shirt lang.
"Naalog ba utak mo kanina? Diba may trabaho ako?" sagot ko sabay sakay ng lift. Hinawakan ni Luther ang kamay ko at sumabay pumasok sa akin. Ang mga babaeng kasabay namin ay laglag ang pangang nakatingin sa kanya.
"Medyo yata.. Ginalingan mo na naman kasi..."bulong niya sabay humalakhak ng mahina kaya napuyuko ako at napapikit dahil sa kahihiyan. Bastos talaga!
Poker face lang si Luther na nakatingin sa harap habang ako ay naka-ikot ang mata sa mga babaeng nakayinhin sa kanya. Nakakainis tumingin ang mga babae na'to! Hello? Ka-holding hands ko na diba? Bakit parang kakainin niyo pa din siya?
Nang bumukas sa 11th floor ay may pumasok na babaeng maganda at hapit na hapit ang damit. Nanlaki ang mata niya ng makita niya si Luther. Dahil halos puno ang elevator ay pinilit pa din niyang isiksik ang sarili niya sa pwesto kung saan nakatayo si Luther.
Humigpit ang hawak ni Luther sa kamay ko. Nagulat nalang ako ng lumipat siya na pwesto at nagtago sa likod ko. Bigla akong napangiti. Sa pagdaan ng panahon.. I can say that I tamed him.
Niyakap ako ni Luther mula sa likod sabay halik sa ulo ko. Dinig na dinig ko kung paano nagsinghapan ang mga babaeng katabi ko.
"What was that?" Tinaasan ko siya ng kilay nang makalabas kami ng elevator. " What? Good boy na ako. Bakit ba ang sungit mo?" Nagkibit balikat lang si Luther at hinila ako sa pool side kung saan madaming sun lounger. Kumunot ang noo ko ng prente siyang nahiga sa isa doon.
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
Ficción General(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..