"Ate san ka punta?" Napatingin ako kay Kristele na abala sa paggawa ng homeworks niya. Wala akong klase ngaun kaya naisip kong mag pa-salon at mag shopping. Lately kasi pakiramdam ko nahahaggard ako sa kaganapan sa buhay ko. I need time alone."Sa mall," sagot ko sabay patong ng bag ko sa balikat ko.
"Akala ko may date ka." Sagot niya na hindi pa din ako tinitignan. Date? San naman niya nakuha iyon?
"Pwede ba? Wala akong date, at pag-aaral nga ang atupagin mo Kristele." Iritadong sagot ko. Napanguso si Kristele sabay tayo sa harap ko at naglahad ng isang hugis pusong papel.
"Ano naman gagawin ko dito?" Bahagya akong kumambyo sa pagsusungit sa kapatid ko. Napaka geniune kasi ng ngiti sa akin.
"Happy Valentines, ate." Ngumiti siya kaya bahagya akong natulala. Valentines ba ngaun? Seriously? Bakit hindi ko alam?
"Salamat?" Para akong tangang sumagot sa kanya. "Hindi mo alam?" Gulat na gulat si Kristele. Tumaas lang ang kilay ko at hindi na siya sinagot. Kailangan ba talaga alam ko ang Valentines?
"Sabagay, ang mga bitter hindi talaga alam ang Valentines." Maharas na salita niya kaya kumuyom ang kamao ko. Ang kaninang tuwa ko kay Kristele ay biglang naglaho. Hindi na talaga mawawala ang pagka bruha ng bata na ito!
Umirap ako at tinalikuran nalang siya na ikinahalakhak niya. "Joke lang ate."
Whatever! Masisiraan talaga ako ng ganda sa mga taong nakapaligid sa akin. Kahit saan ako lumingon puro may sapak sa utak ang nakapalibot sa akin.
Pagdating ko sa mall ay lalo akong nag-ampalaya. Mukang wrong timing pa ang 'me time' ko dahil totoong Valentines nga!! Nakakainis at masakit sa mata ang mga magkasintahan na nakakakalat sa mall. Mostly lahat ng babae ay may hawak na bulaklak, chocolate o 'di kaya ay malaking Teddy bear.
Nanliit pa ang mga mata ko sa madaming puso na naka design sa mall. Napaisip tuloy ako kung kelan ako huling nagpunta ng mall? Hindi ko naman kasi alam na nag eexist pala ang araw ng mga puso! Ugh.
Kinuha ko ang cellphone para tawagan si Maggie. Siguro naman available siya dahil ala naman si Glen dito sa bansa. Wala din si Simon. Para naman hindi ako mukhang tanga dito naglalakad mag-isa.
"Hello," husky ang boses ni Maggie sa kabilang linya. Napakunot tuloy ang noo ko at napatingin sa relo ko. Damn! Alas dos na ng hapon pero tulog pa din siya?
"Maggie, tulog kapa?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Biglang umungol ng mahina si Maggie sa kabilang linya.
"Oo Sasha. Tulog pa ako. Bye." Biglang salita niya sabay baba ng tawag ko. Tignan mo! Wala talagang buhay ang babae na yon! Wonder why Simon like her? Napaka dull ng buhay niya. Hays.
So wala akong choice kundi pumasok sa Salon na naka-Valentines sale pa! Maraming couples ang nandito na usually ay nasa sauna or nagpapa masahe.
"Ma'am, wala po kayong partner?" Salubong sa akin ng isang staff ng salon. Mabilis at sunod sunod ang pag-iling na ginawa ko. "Wala," napangiwi ang babae na staff kaya napakunot ang noo ko.
"E, sayang naman ma'am. May Valentines sale kami ngaun 75% off sa mga couples. Dahil single ka kailan--" hindi ko na siya pinatapos ng marahas ko siyang tinignan.
Ano akala niya sa akin? Walang pambayad? Sampalin ko siya libo libo sa mukha eh.
"Kaya kong magbayad--"
"Ay, sayang naman ma'am malaki ang matitipid--" nagtagis ang bagang ko sa umusbong na iritasyon.
"If you can't accomodate me, sabihin mo. Hindi yong ang dami mong kuda jan." Harsh na salita ko kaya tumahimik yung babaeng staff. Marahas akong tumalikod pero halos mapatalon ako ng bigla akong akbayan ni Luther at ibalik paharap sa babaeng antipatika. Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok. Ang bango niya ay nanalaytay sa ilong ko kaya halos habulin ko ang hinga ko. Ano naman ginagawa niya dito? The last time I checked is we're not okay.
![](https://img.wattpad.com/cover/101356769-288-k538030.jpg)
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
Aktuelle Literatur(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..