5. Just dinner

11.5K 326 14
                                    


"Pwede bang palitan mo na ang cover pic mo?" Panay ang mura ko sa isip ng ibash ng sambayanan LSU ang  babae na kasama ni Luther sa cover photo niya! Tukmol na 'to! Kapag nalaman ng mga babe niya sa school na ako 'yon eh pagsusugurin nila ako.

"A.Y.O.K.O." tamad na sagot niya tsaka pumangalumbaba sa desk sa harap niya. Ilang araw ko nang pinapatanggal sa kanya iyon pero hindi niya ako pinapakinggan! At naiirita ako sa isang batalyon bash na nakamit ko! My goodness! ang mga hipon sa dagat! Biglang nagkarambola!naghuhulaan kung sino ang babae na kasama niya.

"Kita, mo ito--" ugh! May isang babae na nagcomment na may tinga daw ang ngipin ko! Grabe siya! Kapag nakita ko siya ay babasagin ko ang ngipin niya para maintindihan niya kung ano ang itsura ng tinga.

"Chill, hindi naman nila alam na ikaw 'yan." Umayos siya ng upo sabay ngisi sa akin.

"Eh, alam ko na ako ito! Grabe na sila ah!" Umirap ako sa sobrang pagkairita sa kanya. Nagkibit balikat lang si Luther sabay ayos ng upo ng dumating si Miss Ana.

Hindi na din ako makapangulit sa kanya dahil nasa harap na namin si Ms. Ana. Ipahack ko nalang kaya ang account niya?

It's about sex education today. Ang bored na mga kakaklase ko ay biglang nabuhayan.

Si Darton sa harap ko ay panay ang text habang si Simon naman ay nakatingin sa harap habang nilalaro ang kanyang mga labi gamit ang daliri.

"Okay class. Our topic for today is about sex education.. siguro naman alam niyo na ang ibig sabihin 'non."

Umingay bigla ang paligid at panay ang hagikgikan. "Miss, sorry... virgin pa ako.." biglang salita ni Luther kaya nalaglag ang panga ko. Panay ang kantyaw ng mga boys sa kanya habang naiiling ang ibang girls at tila ba hindi makapaniwala. Huwag silang mag alalala, hindi din ako naniniwala. Si Simon naman sa gilid at si Darton ay panay ang pag-iling.

"Virgin your face, Very Cruz.." salita ni Simon kaya napahalakhak ng bahagya si Luther.

"Miss, si Simon.. madaming alam 'yan." Salita ni Luther kaya nag igting ang panga ni Simon. Si Darton ay humagalpak ng tawa sa harap at lalong umingay ang klase. Naiiling ako sa kanila. I can't say anything coz.. uhh.. never mind!

"Damn you!" Umiwas ng tingin si Simon ng napuno siya ng kantyaw. Naiiling si Miss Ana kay Luther pero meron ngiti ang mga labi niya.

"Tutal, ikaw naman ang pinaka maingay sa klase.. ikaw ang tatanungin ko." Salita ni Miss Ana sabay tingin sa gawi namin. Napalunok ako bigla. Katabi ko kasi si Luther at Simon habang nasa harap ko si Darton. Wonder why Darton's with us? Nakiki seat in lang siya dahil tapos na ang klase niya.

"Sasha.. ikaw daw." Salita ni Luther kaya tinignan ko siya ng masama. Ngumiti sa akin si Luther tsaka kumindat at bahagyang nag unat sabay bagsak ng kamay sa balikat ko.

"You fucking jerk!" Bulong ko pero hindi niya ininda. Malaki lang ang ngiti niya habang nakakunot ang noo ni Miss Ana sa kanya.

"Not, Ms. Dela Fuente... ikaw ang tinutukoy ko Mr. Vera Cruz. " salita ni Miss Ana at may kung ano na binuklat sa libro niya.

"Me? Wala akong alam sa sex, Miss." Maang salita ni Luther kaya natawa ang buong klase. Bahagyang yumuko si Ms. Ana na halatang namula ang pisngi.

Tumikhim si Ms. Ana at naging seryoso ulit. "Sino may sabi seyo na sex ang itatanong ko? And will you please stand up, Vera Cruz."

Lumunok si Luther at tumayo. "There goes the fun, bro." Bulong ni Simon na natatawa. Nakatitig lang ako kay Luther na hindi na maipinta ang mukha. "Motherfucker!" Bulong ni Luther kay Simon kaya sabay kaming natawang dalawa.

No Strings (Strings Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon