"Coffee, juice, tea, or me?" Natatawang sinalin ni Luther ang lemonade na tinimpla niya sa baso sa harap ko. Umirap ko sa kanya dahil umaatake na naman ang kalandian niya. Yung kakaibang nararamdaman ko? Hindi ko dapat pansinin iyon. It's Luther we're talking about.
"Wala bang tubig?" Umiwas ako ng tingin sabay kagat ng pizza. Ang sabi sa akin ni Luther ay padating na daw si Simon at Maggie. About my feelings for Simon? Siguro hindi naman siya ganon kalalim dahil wala na akong maramdaman kahit ano. Siya kasi yung tipo ng kahit nasa harap mo na ay mahirap pa din abutin. Hindi katulad ni Luther na nakahain sa lahat.
Besides, hindi naman ako manhid o tanga. Alam ko naman na may kung ano sila ni Maggie na hindi ko mabigyan ng label. Sana lang... hindi umabot sa punto na magkasira sila. Boyfriend ni Maggie si Glen, kapatid ni Simon si Glen pero may kung ano sa kanilang tatlo na hindi mo maexplain. Whatever it is, sana hindi na umabot sa punto na may masira sa kanila.
"Hmmm.." kumunot ang noo ni Luther. " Wag ka ngang choosy." Binaba niya sa harap ko ang tinimolang lemonade. "Masarap yan.. may kasama pang pagmamahal.." kumindat siya at ngumiti tsaka mabilis akong tinalikuran.
Mabilis nalalglag ang panga ko kasabay ng pagtibok ulit ng puso ko! Ughh! Bakit hindi ko malabanan ang kalandian ni Luther. I used to be the master of flirt thing. Ano nangyari? Why suddenly became the slave? Tinapik tapik ko pa ang pisngi ko para maalis ang nararamdaman ko.
"Bakit mo sinasampal yung pisngi mo?" Napalundag ako bigla ng labas si Luther. Tinagilid niya pa ang ulo niya habang nakakatitig sa akin. "Ah... ehh.."
Bwiset! Bakit wala akong maisip? Pakiramdam ko ay naghang ang utak ko sa pagbalandra ni Luther sa harap ko.
"Ahh--ehh--? What?" May naglarong ngisi sa labi niya. Yumuko at pumikit ng mariin at nagpakawala ng mura sa isip. "Ano, Sasha?"
"May lamok! Ang dami oh--" turo ko sa itaas at naghahampas. Lalong natawa si Luther kaya natigilan ako.
"Bakit ka tumatawa?"
"Mosquito free ang bahay Sasha.." tawa siya ng tawa. Napatingin ako sa tiniro niyang aparato na nakasaksak sa gilid. Fuck!
"Whatever!" Tumayo ako para lumabas at huminga ng maayos. Naiinis ako dahil lahat ng palusot ko ay nababara niya!
"Okay, kana? Ala nang lamok?" Napasinghap ako ng biglang lumabas si Luther sa likod ko.
"Jesus, Luther! Hobby mo ba ang manggulat?" Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang kaba na nadadama ko.
"Hindi naman kita ginulat.. bakit ba palagi kang nagugulat?" Nagkamot pa ng ulo si Luther tsaka ngumuso. Para siyang batang inosente na nakanguso ngaun.
"Eh--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng huminto sa tapat ng gate nila ang isang Range Rover na kulay pula.
Pareho kaming natigilan ni Luther habang hinihintay lumabas ang tao sa sasakyan. Napakunot pa nga ang noo ko ng unang lumabas si Simon diretso sa shotgun seat ng sasakyan. Isa pa yan sa hinangaan ko kay Simon. At his age, meron siyang sariling negosyo at sariling pera. At hindi lang basta pera, billionaryo lang naman po siya.
Si Luther ang nagkwento sakin 'non. Minsan nga daw yung sasakyan niya ay napalalunan niya lang sa poker kapag natatalo si Simon. Now tell me who wouldn't like Simon? He's the serious and mysterious type na mahuhulog ka kahit ala pa siyang ginagawa.. kaso, siya din yung tipo na kahit abot mo na, hindi mo pa din makuha.. Na kahit anjan lang sa tabi mo, ang layo layo pa din niya. Hindi gaya ni Luther na transparent at bukas sa lahat.
"Kyaaa!! Simon!!" Napasigaw ako at biglang sumukbit kay Simon. Alam ko naman na maiirita siya sa ginawa ko pero ginawa ko pa din. I want to see Maggie's reaction. Kumunot ang noo niya at napatingin sa kamay ko na nakahawak kay Simon. That answer the puzzle in my head. Maggie's into Simon.. I pity Glen for the situation. And I hate Maggie for this!
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
Художественная проза(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..