37. On bended knee

9.1K 268 27
                                    

"Ano po?" halos mapatayo ako mula sa pagkakahiga dahil sa sinabi ni uncle John. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko at malamlam akong tinignan.

"Anak kita, Sasha.." sagot niya ulit. Halos magkarambolan ang utak ko at halos lumabas ang puso ko mula sa dibdib ko dahil sa gulat at pagkalito.

Umiling ako. Paano yun nasabi ni uncle? Anak ako ni daddy at mommy. How come?

"Ampon ako?" tinuro ko pa ang sarili ko. Mabilis at sunod sunod ang pag-iling na ginawa niya.

"Hindi ka ampon, anak ka ng mommy mo pero hindi si Yosef ang daddy mo."

I stared at uncle dumbly. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at mararamdaman ko. All along alam ni mommy na hindi si daddy ang daddy ko?

Kung si mommy ang mommy ko, bakit ang lupit niya sa akin? Bakit hindi ko naramdaman na siya talaga ang ina ko?

Lahat ng iniisip ko kanina at tila ba nilipad ng hangin. Hindi ko kasi ma-process ng maayos sa utak ko yung nangyayari. Weeks ago, nahanap ni daddy ang anak niya which is so happen na si Luther.

Pinagbawal kaming dalawa dahil all along pinamukha nila sa amin na magkapatid kaming dalawa. Tapos eto- dadating sa buhay ko si uncle John at sasabihin na anak niya ako? Holy shit!

Ginagago ba kami ng tadhana o sadyang malupit lang ang mga taong nakapaligid sa amin?

"P-paano?" naguguluhang tanong ko. Pumikit ako ng mariin dahil sa dami ng emosyon na nararamdaman ko ngaun.

"This is ridiculous! Wag mong guluhin ang utak ni Atasha. Leave us alone!" Napabaling ako kay mommy ng biglang nagsalita.

Nakabawi na siguro mula sa pagkakagulat dahil sa presensya ni uncle John. Ganon pa man, kitang kita ang pagkabalisa sa mukha niya.

Umiling si uncle John at hinarap si mommy. "Ano ang katawa- tawa, Arlene? Ano ang ginugulo ko?" seryoso at matigas na salita niya.

Naalala ko bigla ang daddy ni Luther. How intimidating he was when I first met him. The merciless and ruthless looks of him. Ganitong ganito ngaun ang itsura ni uncle John.

Tila ba umatras ang dila ni mommy at nagtago ang tapang niya. Namamanhid ako sa mga nangyayari. Sa itsura ni mommy? Tila ba sinabi niya na, na totoo ang mga sinasabi ni uncle John.

Hinarap niya ako. Tahimik akong nakikiramdam sa kanya. Ang matigas na expresyon ng mukha niya ay unti-unti nang lumalambot.

"You don't believe me?" malambing na salita ni uncle. Tila ba may kung anong kumurot sa puso ko na hindi ko maipaliwanag.

"Please, John.." sabay kaming napatingin kay mommy ng nanghihina itong napaupo sa sopa.

Umiling si uncle John. "Pinagbigyan kita, Arlene. You promised me that you will tell her. But instead, you hurt her." dama ko ang galit at panunumbat sa salita ni uncle.

Si Eros sa gilid ko ay tahimik lang. Teka, kaano ano siya ni uncle John? Jesus! I can't understand everything!

"Sasha," bumaling ulit sa akin si uncle John. Tikom ang bibig ko at nakatingin lang sa kanya. Tahimik lang din siya at mamula mula ang mga mata.

"If I only knew that you're my daughter the first time I met you sana sinabi ko ang totoo seyo." simula niya.

"Alam niyo pa bang hindi Vera Cruz si Luther?" biglang salita ko. Napatigil si uncle John at sunod sunod na umiling.

"Hindi ko alam, nagulat nalang ako when Yosef Dela Fuente claiming Luther as his son. Hindi ako nananiwala coz I saw Luther grew up. But then, his papa told me everything. Now it made sense kung bakit malupit siya kay Luther. "

No Strings (Strings Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon