39. Not my guy

9.2K 278 60
                                    

"Tapos na?" hinimas ko ang sentido ko ng bigla itong kumirot. Simula pumasok ako sa office kanina ay hindi na ako tinantanan ni Blake sa mga dapat kong gawin sa dadating Aerocraft's Convention.

Ang sabi niya kasi ay nandoon din ang mga malalaking airline company etc. etc..

I wonder kung sino ang magiging representative ng mga Dela Fuente sa convention na iyon. Sigurado naman ako na wala kay Kristele, Draco at Darton ang pupunta doon.

Si Dom kaya? Ugh.. Why the fuck am I thinking of them? Dapat ay magconcentrate ako sa amin diba? Bakit ba ang mga Dela Fuente ang nasa utak ko? Gosh! You know the answer Sasha. Hanggang ngaun ba umaasa kapa?

I'm not, sigurado ako. Hindi ko lang talaga maiwasan na alamin kung sino. Luther is coming, he's one of the successor so it's  possible na siya,diba?

Maybe--- may parte lang talaga sa akin na gusto siyang makita. Heck!

And I don't know kung ano mangyayari if he found out about Bree. I'm not scared. It's wrong that I didn't tell him na may anak kami. I don't have the choice. Alam ko ang kakayahan ng oldest Dela Fuente. Im--- I'm just scared for Bree's life before.
And I'm so weak to fight that time. 

"I can join you if you want," nagkibit balikat siya. Nanliit ang mga mata kong tumingin kay Blake na may multong ngisi sa labi. Ugh. Isa pang nakakadistract ang kagwapuhan nito, e.

"Tumigil ka nga, Kuya will never let you.. Madami kayong trabaho dito." tumaas ang kilay ko.

Sumeryoso nang upo si Blake at pinag-ekis ang braso sa dibdib. "He can do the job alone here. He wouldn't let me be with you alone anyways." madrama siyang bumuntong hininga.

Natawa ako. Ang gwapo kasing ma-frustrate ni Blake. Bakit kaya wala pa siyang girlfriend, asawa or whatever!? I'm 25 , kuya is 27 just like Blake. Nagtataka lang ako kung bakit wala silang girlfriend? They're both Greek God look a like naman.

Damn. Greek God. Luther.

Punyeta! Bakit ba lahat nalang ng isipin ko nanjan siya? Nasaan ang hustisya para sa akin?

Simula kasi ng malaman ko na wala pa siyang asawa ay umasa na naman ako. Tanga mo talaga Sasha! Kung mahal ka niya, matagal ka na niyang binalikan.

Sabagay, kahit naman bumalik siya--- leche lang na hindi pa din kami pwedeng dalawa.

We can't be together before dahil sa lecheng strings of being siblings. And now that we have no strings, still, we can't be..

Lumapit ako sa kanya sabay kurot ng dalawang pisngi niya. "Ang cute mo talagang mag-joke.." tumawa ako. Nung una, nakangiwi si Blake hanggang unti unting sumeryoso.

Dahan dahan nawala ang ngiti ko. Blake looked at me intently. Unti-unti ko din binitawan ang pisngi niya.

"It's not joke, Sasha.. I really want to be with you.." hinawakan niya ang kamay ko. Napasinghap ako ng bahagya sa gulat.

After Luther, no one dares to touch me. I mean--- wala akong hinayaan pumasok na iba sa buhay ko. Bakit wala akong magawa kay Blake ngaun?

He slowly moved forward. Napasandal ako sa backrest ng sopa na inuupuan namin. Malamlam ang mga mata ni Blake habang nakatitig sa akin. Halos habulin ko ang hininga ko sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

He leaned forward so we can get more closer. Halos mahinga ko na ang minty smell na hininga niya sa sobrang lapit. OMG! Do something Sasha! Gusto mang umalis ng utak ko pero hindi na makagalaw ang katawan ko.

Pumikit nalang ako para--- bahala na!

"Hindi mo talaga siya kayang biglain ng lagay na yan?" bigla akong napadilat. Pareho pa kaming napasinghap ni Blake ng biglang pumasok si kuya Eros.

No Strings (Strings Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon