33. I'm sorry

7K 235 28
                                    

True enough, dad gave Luther his freedom. After the party last day nawala ang mga body guards sa bahay. Hindi man sila naubos pero nabawasan sila. And Luther? He's free to go and to do whatever he wants now.

Nakatanaw ako mula sa veranda ng kwarto ko. Pinapanood si Luther na pasakay sa sasakyan niya.

"Thank you," napasinghap ako ng biglang lumabas si daddy sa likuran at palihim na nakatanaw din kay Luther. After I told him that we should end us. Magdamag siyang nakabantay sa labas ng kwarto kaya hindi ako nagtangkang lumabas.

Tiniis ko lahat ng tawag at pagmamakaawa niya sa akin. Alam ko ang sama sama ko para iwanan siya bigla. Pero ginawa ko lang naman din ito para sa kanya. I want him to have his life back.

Tumikhim ako at huminga ng malalim ng umandar ang sasakyan ni Luther. Nanliit pa ang mga mata ko ng may isang sasakyan na nakasunod sa kanya.

"What's that for?" Tumingin ako kay daddy at nginuso ang sasakyang nakasunod kay Luther.

"It's nothing. I just want to make sure that he'll not run away." Tumango ako kay daddy at kinuha ang bag ko. Papasok na ako sa trabaho. I am trying to live my life normal too.

Hindi nagsalita si daddy. Nakatingin lang siya sa akin habang inaayos ko ang aking sarili.

"Are you okay?" Biglang tanong niya. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang bumigat ang puso ko.

"Does it matter?" Matabang na sagot ko. Tinikom ni daddy ang bibig niya at hindi na nagsalita pa. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. " Don't thank me, dad. I didn't do it for you nor for this family. I did it for Luther.."

Hindi ko alam kung paano ako nakapagdrive ng maayos. Na-isoli na ni Draco ang sasakyan ko kaya nagamit ko ito ngaun. Mabuti nalang din at wala si mommy ng umalis ako at baka tuluyan na naman masira ang araw ko.

Mabilis kong ipinarada ang sasakyan ko at nagmadaling sumakay sa lift. I need to work. Kailangan ko ito para maging diversion sa kung ano man ang pinag dadaanan ko.

Kailangan ko ito para mabilis makapag-move on. Fuck. Why do I need to move on? Pakiramdam ko ay hindi ko kaya. I used to live my life with him.

Umiling ako. Kahit na hindi ko kaya ay hindi ko pa din siya pwede balikan. Not because I don't love him. It's because I love him so much.. besides... we're forbidden to be together.

Love... it's our strenght and also our weakness.

Kalabanin ko man ang pamilya ay paniguradong mabibigo ako. Dad can pull us down without sweat. I never grew up with him literally but I know his capability and this family. And I don't want to drag Luther with that. I don't want want to dwell anymore. Nakakapagod din pala.

"Good morning." Bati ko sa mga laglag ang panga na officemate ko. Kumunot ang noo ko. What's with their looks? Nag-leave naman ako ng maayos diba? And it's only weeks na hindi ako pumasok.

"Uh, good morning din, ma'am Sasha." Awkward na bati sa akin ni Sam. Nagtataka man ako ay tumango nalang ako sa kanya.

"Umh, ano po," napahinto ako ng biglang lumabas si Sam sa gilid ko. I thought wala na siya? O talagang lutang lang ako?

Tumunganga ako sa harap niya at naghintay na sasabihin niya. Ngumuso si Sam at bahagyang napahimas sa batok niya. "May sasabihin ka?" Tanong ko.

"Ayos lang po ba kayo?" Biglang salita niya na nagpatigil sa akin. I never expected that. Feeling ko ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

Huminga ako ng malalim. " Bakit, Sam?" Balik tanong ko. Do I look like I'm not okay?

"Uh, ano.. we heard what happened to you?" Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Alin sa nangyari sa akin ang alam niya? Or nila? I don't know.. so that's explain kung bakit ganoon ang tingin ng lahat sa akin kanina?

No Strings (Strings Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon