24. It wasn't fuck

9.5K 280 10
                                    


Warning: SPG..

Lintek! Ayoko na ng SPG! Hahahaha.. sorry na agad!

--------------

"Why did you do that?" Nanginig ang boses ko habang nakatingin sa kanya. Ganoon ba ako ka espesyal para ipalagay nang permanente sa balat niya ang pangalan ko?

I want him to say the thing. Should I push him? Sa panahon kasi ngaun at sa estado ni Luther. It's so hard to predict what's exactly inside his mind. Dalang dala na akong umasa sa mga kilos lang. I want the words.

"Coz' you never believe in me," umiwas siya ng tingin at hinawakan ang manibela. Lumalim na ang gabi at halos magtilaukan na ang mga manok dahil madaling araw na. "Coz you never say anything." I answered him back.

Hindi na siya nagsalita. Luther's  always reserved. Nagsasalita man siya pero may reserved pa din na words na hindi niya mabitawan kaya madalas ay hindi mo siya maintindihan.

"It's almost morning.. where are we going?" Hindi pa din siya nagsalita. Diretso lang ang mata niya sa daan at patuloy ang pag dadrive.

Napatitig ako sa kanya. Year ago, I never thought that we could have what we're having now. I don't believe in real thing like I believe it now.

I don't believe in him pero eto ako at nahulog at sumusugal sa kanya. Siguro nga, tama ang sabi nila-- na hindi mo naman mapipili kung sino ang magugustuhan mo. Kahit magset ka ng standards hindi pa din iyon ang makukuha mo.

Lumiko si Luther sa isang high end na condominium building malapit sa BGC. "Bakit tayo nandito?" Tanong ko ulit. Mabilis na naipark ni Luther ang sasakyan niya ng makarating kami sa basement. "Basta," he said coldly.

Nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa kanya. Sumakay siya sa lift na naka-igting ang panga. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa masungit at perpektong mukha niya. God! Why did you put so much effort to make this guy a Greek God look a like? Ang daya, e.

Lumabas kami sa 16th floor ng building. Napayakap pa nga ako when I felt the cold. Halos madapa ako ng biglang lumapit sa akin si Luther at hapitin ang beywang ko. Mabilis kumalat ang init sa katawan ko. Ang init masyado ng katawan ni Luther.

"Still cold?" He said seriously.

Ngumuso ako at sunod sunod na umiling. Bumukas ang isang unit ng pumindot ng code si Luther. Bumungad ang isang studio type na unit sa akin. Ang ganda. Kulay mint green ang pintura habang maayos at lalaking lalaki ang ayos ng buong lugar.

Inilapag niya ang suot niyang jacket sa sopa habang ako ay nakatayo at nakasunod sa kanya. Pumunta siya sa bar malapit sa dining area at nagsalin ng wine sa dalawang kupita.

Naglakad si Luther papunta sa gawi ko. Ang hapit na damit niya ay dahilan para bumakat ang mucles niya sa dibdib at tyan niya. Napalunok ako at nag iwas ng tingin.

"Drink," husky ang boses niya. Inabot ko ang kupita at nag iwas ulit ng tingin. Ang magulong buhok ni Luther at pagod na itsura ay hindi ko kayang tignan. He looks hot.

"Bakit tayo nandito?" Sumimsim ako ng wine para mawala ang bahagyang kaba. Bakit ba ako kinabahan?

Umupo siya sa sopa at pagod na ipinatong ang ulo sa backrest nito. "I want you to see our crib."

Nanlaki ang mata ko sa sobrang seryoso ni Luther. Really? He bought this for us? Uminit ang pisngi ko.

"Where did you get the money?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang natanong ko. For fuck sake! High end ang condo na ito at for sure ay mahal ang unit na ito.

Umayos ng upo si Luther sabay tingin sa akin. Para akong tinibuan ng ugat dito na nakatayo. Tumaas ang kilay niya at tsaka nilaro ang labi gamit ang mga daliri niya. "You always belittle me.." ngumuso siya at uminom ulit ng wine.

No Strings (Strings Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon