One

35.4K 707 34
                                    

          

"Boss, binabawi ko na po. Ilipat mo na lang ako ng project." Pagmamakaawa ko habang pilit na pinapantayan ang yapak ng paa ni Sir Ray. Nililingon na ako ng mga katrabaho ko dahil mukha na akong timang kakahabol sa boss namin.

"Era, pumayag ka na. Tapos na ang usapan na 'to. Will you please excuse me, may kailangan pa ako gawin." Mabilis na tugon ni Sir Ray saka siya naglaho sa elevator.

Gusto kong maupo at maiyak. Bakit kasi um-oo na lang ako nang hindi tinitignan ang pangalan ng hinayupak na sinasabi nila? Bakit ako? Sa dinami-dami ng architects dito sa firm bakit ako pa talaga ang napili ng kamalasan na 'to?

Bumalik ako sa cubicle ko at sinalampak ang sarili ko sa upuan. I buried my face in my palms and let out a frustrated groan. Then I saw Lydia popping her head on top of our divider.

"Huy, akala mo naman end of the world na. Kung pwede nga lang makipagpalit sa'yo nako gagawin ko." May halo na kilig ang boses niya ng sinambit niya ang mga 'yon.

I forced myself to calm and not to roll my eyes at her. Hindi niya ako kayang intindihin. She doesn't know what I felt for that stupid engineer.

"Ang pogi kaya niya! Nag-stalk na kami sa Facebook nila Nicole, grabe Era. Ang yummy niya!" Impit na tili ang narinig ko sa kanya. Pilit niya pang pinapakita sa akin ang mga grabbed photos niya.

"Sige na Lydia, magtratrabaho na ako." Putol ko sa mga bagay na pwede niya pang sabihin. Sumimangot siya saka muling naupo.

God, buti naman! The last thing I want is people telling me how lucky I am to be paired with that engineer. Because frankly, I'm not close to be being lucky! Hindi nila alam. Wala silang alam.

Gusto kong iuntog ang sarili ko sa mesa baka sakaling magising ako. Baka naman kasi masamang panaginip lang ito.

Pinigilan kong itapon sa basurahan ang folder na ibinigay sa akin ni Sir Ray. Nabubwisit kasi ako sa tuwing binubuklat ko iyon at nakikita ko ang pangalan at picture niya roon. Gusto kong pira-pirasuhin ang mga papeles na 'yon para lang maibsan ang inis ko.

What if mag-resign na lang ako?

I hanged on that thought for awhile before I saw Marcus' picture on my table top. Saka ako napailing. Hindi, hindi ako mag-re-resign. Kung may magre-resign man sa aming dalawa, sisiguraduhin kong siya iyon at hindi ako.

Naging usap-usapan siya sa buong quarters hanggang lunch time. Mukha namang kilig-kilig ang sambayanang kababaihan sa pagdating niya. Ano ba naman ang nakita nila sa taong 'yon? Kung alam lang nila na sagad sa buto ang kasamaan ng ugali niya.

Napairap na lang ako habang pinapakinggan ko ang walang humpay na talak ni Lydia patungkol sa kanya. Na-stalk lang nila sa Facebook akala mo naman kilala na nila ang buong pagkatao niya.

"May mga pictures siya sa London. At sabi sa sources namin, nagtrabaho pala siya roon para sa isang Bridge Project at kakauwi niya lang. Galing talaga siya sa main branch ng company, naglipat daw kasi siya ng tirahan kaya nagpalipat din siya dito." Mahabang paliwanag ni Nicole saka kumapit ng mahigpit sa braso ni Lydia.

"Excited na akong makita siya!" Dagdag pa nito.

I forcefully stabbed the carrot on my plate. Well ako hindi excited na makita siya. Bakit pa kasi siya dito nagpalipat? Pwede namang sa ibang quarters na lang siya o kaya sa ibang project.

"May girlfriend siya." I just found myself interrupting their daydreaming. Napatigil lahat ng kasama namin sa mesa at napalingon sa akin.

"Paano mo naman alam?" Gaille quizzically asked, her eyebrows shooting up curiously.

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon