Thirty Seven

15.7K 316 2
                                    

I was feeling happy, nervous, giddy and everything in between as Cael drives us to Mama Belen's house. He had asked me countless of times this morning if I'm really ready for this huge step or am I only doing this because of the pressure he's pressing on me.

I calmly explained that first, he wasn't pressuring me into making any decision and last, if I didn't do this now then I'm afraid I will keep on postponing this until I won't do it anymore.

My stomach started to churn so badly that I had the need to puke. Cael has been very supportive throughout our travel, telling me that everything will be alright and that he'll be there for me no matter what happens.

Nakarating kami alas-diyes ng umaga kila Mama Belen. Actually, hindi niya alam na bibisita kami ngayon sa kanya. Binura ko kasi ang number niya sa cellphone ko noong mga panahong malungkot at litong-lito pa ako sa buhay ko.

"Do you want me to go with you or shall I stay here?" Cael asked when he put the engine to a stop. I looked out the window and tried to peek if I can see someone from the cream-colored house.

"You can wait for me here. This is something I have to do alone." I decided. He nodded his head and placed his hand on my cheek.

"There's nothing you can't conquer, meine. You have defeated you monsters and this is some bumps on the way we need to pass through."

His words were enough to lessen the trepidation building in my chest. The love of my life have nothing but kind and encouraging words for me, who am I to fail myself especially now that I have come such a long way?

"Yes. I will text you in a jiff if I ever need you to be there." I said echoing his constant reminder ever since we woke up this morning.  So with a kiss on my lips, Cael sent me to defeat this part of my life.

As I was walking towards their house, I noticed that the once black gate is now red. Wala na rin 'yong puno ng papaya na nakatanim sa tabi ng pader ng gater nila.

Napahinga ako ng malalim saka ko pinindot ang door bell. Narinig ko sa 'di kalayuan ang tunog non, kasunod ang pagbukas ng pinto at mga yabag papalapit kung nasaan ako.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Mama Belen nang nakita niya akong nakatayo sa gate nila. Ganoon din ako, gulat sa hindi ko malamang rason.

Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko, naghihintay kung ano ba ang unang salitang maririnig naming dalawa. Pero ganoon na lang ang pagkabigla ko nang hinatak ako ni Mama Belen at ikinulong sa isang mahigpit na yakap.

Halos hindi ako makahinga pero hindi ako magrereklamo. Ipinulupot ko rin ang mga braso ko sa kanya para iparamdam ang yakap na kasing sabik ng sa kanya.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkaakap hanggang sa kumawala siya roon. Ikinulong ni Mama sa magkabila niyang palad ang mukha ko na tilang inoobeserbahan ang mga naging pagbabago.

"You're happy. I can tell from the twinkle in your eye." Sambit niya. That made me tear up a little because I suddenly remembered how well she knows me. Itinuring ko na siyang pangalawang ina ko simula nang nagkamabutihan kami ni Marcus.

Inanyayaan niya akong pumasok sa bahay nila pagkatapos non. Lumilinga-linga ako sa paligid, pinapansin ang mga bagay na nag-iba habang si Mama ay nagpunta ng kusina para kumuha raw ng makakain.

Halos wala namang pinagbago ang bahay nila maliban sa malaking picture ni Marc na nakasabit sa dingding malapit sa may hagdan nila. Abot langit ang ngiti niya roon kaya hindi ko rin napigilang mahawa. Nadatnan ako ni Mama na nakatitig doon, hindi siya agad nagsalita habang inilalapag niya sa mesa ang tinapay at kape.

"Grabe, 26th birthday party niya 'yang picture na 'yan, Ma pero mukha pa rin siyang 19 o 20 years old." Komento ko sabay abot sa inalok niyang tasa.

Nilingon niya sandali ang litrato bago niya ibinalik ang atensyon niya sa akin. "Sinabi mo pa. Maalala mo rati, sabi niya kung hindi raw siya nag-Architect ay malamang nag-artista na siya." Natatawang pag-aalala niya.

I joined in the laughter, "Nako! Sinabi mo pa, Ma. Tapos syempre dahil mahal ko, dadamayan ko siya sa kahibangan niya." Dagdag ko habang binabalikan ang alaala na sinasabihan ko si Marcus na mas gwapo pa siya kay Daniel at Enrique combined.

We let the laughter died down before I beat her to a question I know we both want to ask each other. "Ma, kamusta ka na po?"

He face turned serious for a while before a sad smile danced on her lips. "Alam mo, pagkatapos kitang ipagtulakan palayo kay Marcus noon, hindi ko na inasahan na magpapakita ka pa sa akin. Lalong-lalo na na tawagin mo pa ako 'Mama'."

Muli niyang tinitigan ang picture sa dingding bago siya nagpatuloy sa pagsasalita, "Gusto ko lang malaman mo na nasaktan din ako nang sabihan kitang bawal ka nang magpunta kay Marcus pagkatapos naming magdesisyon ng Papa niya na hugutin na ang life support. Pero sana maintindihan mo na ginawa ko 'yon para sa'yo. You still have a full life ahead of you at hindi ko hahayaang ikulong mo ang sarili mo dahil alam mong mawawala na si Marc sa iyo, sa atin. Anak, gusto ko ring malaman mo na hindi ako nagalit nang hindi ka nagpunta sa burol at libing niya. Naintindihan ko na lunod na lunod ka na sa kita na nararamdaman mo at siguro kung ako ang nasa kalagayan mo, baka mas malala pa ang ginawa ko."

Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa, "Ma, aaminin ko nagalit ako sa'yo. But it was only because fear and anger clouded my judgement. It blinded my understanding. Noon, hindi ko ma-gets kung bakit ka sumuko. Ngayon naiintindihan ko na. Naintindihan ko na kung bakit nila sinasabi na kung mahal mo ang isang tao, kailangan mong magsakripisyo. I didn't take into consideration that you weren't just a mother to Marcus, but also a mom to two other kids and a wife to a husband as well. Naging makasarili ako nang inisip ko na napagod ka na lang lumaban kaya isinuko mo na lang. Hindi ko naisip na habang ginugugol mo ang oras mo sa tabi ni Marc, ay nawawalan ka na na ng oras sa ibang mga taong mas kailangan ka."

Akala ko hindi ko matatapos ang mga sasabihin ko dahil nagsisimula ng magbadya ang mga luha ko. I already feel it stinging my eyes and lodging my throat.

Napapunas din si Mama sa mga luha niya saka muling nagsalita. "Salamat, anak ah? Hindi pa kita napapasalamatan sa mga itinulong at tinitulong mo pa sa amin. Alam kong sa'yo nanggaling ang malaking halaga ng pero isang buwan nang namatay siya. Alam ko ring inubos mo ang laman ng joint account niyo sa pagpapadala sa mga kapatid ni Marc."

'Yong itsura ko ay parang batang nahuling kumukuha ng kendi nang lumabas 'yon sa bibig ni Mama.

"Ma, para ko na rin kayong pamilya." Maikling sagot ko.

Ibinaba niya ang basong hawak niya saka ako muling inalok sa isang akap which I happily accepted.

"Ikaw, kamusta ka na, Era?" Magiliw na tanong sa akin ni Mama nang tinapos namin ang akapan.

Nginitian ko siya saka ako humigop sa kapeng inihanda niya. "I'm happy, Ma. I've met someone who showed me how to live again after I died with Marc." Bakas sa mukha niya ang tuwa para sa akin habang pinapakinggan ang mga sinasabi ko. "And I know Marcus guided my way to him. Gustong-gusto ko na nga siyang ipakilala sa kanya."

Mangiyak-tawa si Mama sa balita ko at nagpatuloy sa pagtanong tungkol sa amin ni Cael. Hindi ko nga lang sinabi na nasa sasakyan siya ngayon at naghihintay because I wanted Marcus to be the first one to meet him.

It was almost three in the afternoon when I decided to leave. Nangako naman ako kay Mama na bibisita ako ulit soon, maybe kapag nasa bahay rin ang dalawang kapatid ni Marc, nasa school kasi sila at si Tito naman nasa trabaho pa raw.

"Kamusta?" Cael immediately asked when I hopped inside his Porsche. The worry etched on his face faded instantly when he saw the blinding smile I was wearing. "I guess I have nothing to worry about." He said with a grin.

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon