Twenty Eight

15.6K 348 4
                                    

Nothing followed after Cael asked me that question. Natakot nga ako na ewan, pero may parte ng utak ko ang natatapang-tapangan na nagsasabi 'edi sabihin niya!'. Ngunit sa tuwing iniisip ko kung ano nga ba ang pupwede niyang sabihin sa akin ay nangngatog ang mga tuhod ko. Hinding-hindi ata talaga ako mananalo kapag si Cael na ang kalaro ko.

"Oh, ano 'yang dadalhin mo?" Tanong sa akin ni Cael habang nakaabang sa main door ng unit ko.

Tinitigan ko siya, nagtataka kung anong itinatanong niyang dadalhin ko. Saka niya itinuro ang susi ng sasakyan na kakakuha ko lang sa sabitan.

"Susi ng sasakyan ko." Sagot ko na may patanong na tono.

"Iwan mo na 'yan. Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin, sayang gasolina." Sambit niya.

Inirapan ko siya sabay shoot ng susi ko sa bag, "Hindi naman ikaw nagpapagasolina sa sasakyan ko."

Napa-iling siya at natawa ng bahagya, "Hindi ko namang sinabing ako. Sige, ganito na lang. Today, we'll take my care then tomorrow we'll take yours. Salitan na lang para parehas tayong nasunod ang gusto."

Tinitigan ko muna siya ng matagal, sinusukat kung niloloko ba niya ako o ano. Mukhang na-gets naman niya agad kaya muli siyang napatawa. "Promise, Isma. Hindi kita dadayain." Itinaas niya pa ang kanan niyang kamay para ipakita ang sinseridad ng mga sinabi niya.

Ibinalik ang susi ko sa sabitan, "Sasakyan ko bukas, ah." Banta ko sakanya.

Sumaludo naman ang loko, "Yes, boss."

Muli ko siyang inirapan habang nagpipigil ng tawa na alam kong nakita niya kaya may matamis na ngiting gumuhit sa mga labi niya.

Binalewala ko na lang 'yon at nagpatay malisyang nagtungo para lumabas ng unit ko, pero bago pa ako makalapit sa pinto, itinuro niya 'yong aso.

"Mag-ba-bye ka muna sa kanya." Tugon niya. Gusto ko pa sanang makipagtalo at sabihin na kalokohan ang sinasabi niya pero baka ma-late lang kaming dalawa sa trabaho.

"Babye, Oreo." Tawag ko sa aso na mukhang natuwa dahil wumawagayway ang buntot nito habang sinusubukang lumabas ng kulungan. Natuwa naman si Cael sa ginawa ko kaya hinayaan na niya akong lumabas ng unit ko.

"Bye, Oreo. Pakabait ka habang wala si mama at papa, ah?" Paalam niya sa aso bago niya isinara ang pinto.

I stopped dead in my tracks before I turned around to face him. "Mama at Papa?"

Walang anu-anong tumango siya, "Oo, ikaw at ako. May iba pa ba tayong kasama?" He nonchalantly replied.

I was lost for words as I trail behind him. I was also silent on our trip to the office. I can't seem to fathom where his drive to pursue me comes from. Lagi ko naman siyang pinatatabuyan pero sa tuwing ginagawa ko 'yon, mas lalo lang akong nahihila papalapit sa kanya.

Paakyat na kaming dalawa ng opisina ng nakatanggap siya ng tawag mula sa Daddy niya. Hindi ko masyadong naintindihan pero alam kong pinapatawag siya sa isang site na hawak ng kumpanya nila.

Bakas ang pagka-badtrip sa mukha niya pagkatapos niyang ibaba ang linya. "I have to go there to check what Dad was saying. Baka buong araw akong wala kasi malayo ang site, but don't worry I'll be in time before you get off work." Paalam niya. Saka dumampi ang labi niya sa pisngi ko bago siya tuluyang umalis.

Napasapo ako kung saan nanggaling ang labi niya. I suddenly felt warm and mushy on the inside. It's been so long since I experience this and I don't know what to do.

It took me a little more time to collect myself before I managed to go to our floor. Like the usual morning, everyone seemed to be busy. A few greeted me as I made my way to my cubicle.

Nagsisimula na akong maglabas ng mga gamit ko nang bigla kong naaninaw ang isang tao na tumigil sa bandang kanan ko.

"Era, puyat?" Maikling tanong ni Harris.

"Yes." I groaned out. Mukhang hindi na-conceal ng mabuti ang mga eyebags ko.

"Bakit naman? Sa project mo ba?" Tanong ni Nicole.

Umiling ako habang binubuksan ang laptop ko. Bigla naman nang nagka-interes ang mga tao sa mga cubicle na malapit sa akin.

"Sana, 'diba? Para productive ang weekends ko kaso hindi." Sagot ko. Busy akong nag-aayos ng mga folders na kakailanganin ko nang narinig ko ang boses ni Lydia.

"Itong si Era nambibitin pa. Bakit nga?" She impatiently asked. Natawa ako, basta talaga chismis hindi papahuli 'to.

"Climente got me a new dog. So as a first time pet owner, I don't know how to troubleshoot when my dog decided to bark all night. So, yeah." I answered flatly.

Silence filled the air after what I said. But I didn't give it much thought. I busied myself setting up my workplace when I realized the silence became too suspicious.

I looked up and saw them all gaping at me. Did I say something wrong? But before I could even asked, Gaille spoke in breathy manner.

"Cael got you a dog?" She echoed what I said.

I nodded my head. "Yeah, we got it from his cousin."

"He got you a dog?" Nicole again said.

I rolled my eyes at her, "Oo nga. Anong mayroon?"

Then I heard Gaille shrieking before she consumed me with a giant and body shaking hug. "OMG! Sabi ko na nga ba! May patutunguhan kayo ni Engineer!" She said, too happy with her realizations.

Mabilis akong kumalas sa yakap/yugyog na ginawa niya. "Magkaibigan lang kami, Gaille." Matigas kong tugon, pero hindi ko maikaila ang dagundong na ginagawa ng dibdib ko.

She opened her mouth to something more but the double doors swung open and Sir Ray entered the office. The crowd around me scrammed on their own seats like nothing happened.

I have to thank Sir Ray for that. Kasi kung hindi siya dumating siguro nalunod na ako ng mga tanong.

Mabilis lumipas ang araw dahil tambak kami ng trabaho. Working lunch na nga ako dahil sa dami rin ng backlogs ko kaya alas-tres pa lang ng hapon sinabihan ko na si Cael na mag-O-OT ako. Mukhang ganoon din siya dahil mag-a-alas-sais na ay hindi pa rin siya dumarating.

Tahimik akong nagtratrabaho nang biglang may nagpatong ng baso na may kape sa mesa ko. Dumaan ang titig ko mula sa baso hanggang sa nasilayan ko ang mukha ni Harris.

"Kailangan mo 'yan. Pumipikit-pikit ka na." Sambit niya.

Napakusot ako sa mata ko saka humigop sa kape na inabot niya. "Halata na ba?" Tanong ko na sinagot naman niya ng tango. "Bakit nandito ka pa? Umuwi na ang lahat."

"May hinabol akong tapusin kasi mag-li-leave ako next week." Sagot niya.

May itatanong pa sana ako nang may baritong boses na tumawag sa pangalan ko. Sabay kaming napatingin ni Harris sa bulto ng katawan ni Cael na mukhang kakapasok lang.

"Engineer." Bati ni Harris sa kanya na hindi niya pinansin.

"Emerald, maglipit ka na. Uuwi na tayo." Yaya niya bigla sa akin. Parang ilang hakbang lang ang ginawa niya mula sa entrance papunta sa table ko.

Sasabihan ko pa lang siya na may ginagawa pa ako nang bigla niyang itago isa-isa ang mga gamit ko. "Cael, ano ba 'yang ginagawa mo?" I irkly asked. I was determined enough to yell at him some more but somehow swallowed my tongue when I see the look on his face.

His jaw was pressed tight while his eyes were burning with anger. Pagkatapos niyang mag-ayos ay pinagsiklop niya agad ang kamay naming dalawa saka niya ako hinatak papalabas ng opisina, leaving the shocked Harris inside the quarters.

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon