Thirty One

16.2K 370 13
                                    

Napansin naman agad ni Cael ang pananahimik ko habang kumakain kami. Sinabi ko lang na pagod ako kaya hindi naman niya ako kinulit muli. Kahit nang sinabi niyang sa unit ko siya muna matutulog, wala rin akong nagawang reklamo basta sinabihan ko siya na sa sala siya matutulog katabi ni Oreo.

Nauna siyang nagising sa akin kinabukasan. Nadatnan ko siyang nakikipaglaro sa aso sa sala nang lumabas ako.

"Good morning, meine. Kain na tayo." Aya niya sa akin. Tinanguan ko lang siya saka ako dumiretso sa hapag. Sinundan naman niya ako, dinampian pa nga niya ako ng halik sa tuktok ng ulo bago siya umupo sa harapan ko.

"How was your sleep?" He asked in an attempt for a small talk. I just shrugged and continued eating. I caught how he pursed his lips but didn't say a word about it.

"Mamaya, kailangan nating pumunta sa HQ sabi ni Daddy. May revisions kasi na gustong gawin sa unang plano." He said, steering the conversation. Alam niya siguro na kapag trabaho na ang usapan, sasagot at sasagot ako.

"Okay. Kailan mo pa alam 'yang revisions na sinasabi mo?"

"Last night, nag-email si Dad." Maikli niyang sagot. Napatango ako saka nagpatuloy sa pagkain. Mukha namang unti-unti na siyang nawawalan ng pasensya, napapansin ko kasi ang higpit ng hawak niya sa kutsara at kubyertos niya.

I suddenly felt guilty if giving him the silent treatment. Ako naman talaga ang may problema sa aming dalawa at wala naman siyang ibang ginawa kundi mabuti sa akin simula nang nawala si Marcus. I took in a deep breath and thought of something to say to him.

"Bakit parang walang nakakaalam na anak ka ng may-ari ng kumpanya?" Tanong ko.

He stopped his fork mid-air and looked at me. A warm smile covered his face and damn it because my heart did one perfect somersault thinking that I did that. I put that smile on his face.

"Kasi hindi ko pinapaalam." Maikli niyang sagot sabay subo ng bacon sa tinidor niya.

"Bakit mo sinabi sa akin noon?"

Muli siyang tumigil sa pagkain at ginawi ang buong atensyon sa akin. "Because you're special." Then he paused. "Because you're mine."

I gulped down the frantic beating of my heart. I never felt this way ever since Marcus. Para akong bata na first time ma-inlove.

"Sino pang nakakaalam except sa family mo?" Sambit ko kahit nahihirapan na akong huminga sa lakas ng pintig ng puso ko.

He continued eating then he answered. "Just you." He said while busy with his plate half-full of his breakfast.

"Eh, 'yong ex mo?" I blurted out. Gusto kong takpan ang bibig ko dahil hindi ko napigilan ang paglabas ng mga salitang 'yon.

Napahinto siya sa paghati ng bacon at napatingin sa akin. Una, akala ko magagalit siya pero ni pagkairita hindi bakas sa mukha niya.

"Hindi niya alam. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko nasabi sa kanya." He said with a shrug.

Hindi ko naman ipagkakaila na biglang kumirot ang dibdib ko habang pinapakinggan ko siyang sumagot tungkol sa ex niya pero kahit ganoon, parang gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanila.

"B-bakit kayo nag-break?" I said out loud. Too loud actually. Hindi ko na na-modulate ang lakas ng boses ko dahil sa tindi ng kaba ko.

Napahinto siya sa pagkain at sandaling tumitig sa akin. Hindi ko alam kung anong hinahanap niya pero mukhang nakita naman niya dahil nagsimula na siyang magsalita muli.

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon