Twenty Three

17.4K 367 7
                                    

Nagising ako sa biglang pag-vibrate ng cellphone ko nasa nakapatong na sa dibdib ko. Nilingon ko ang paligid saka ko naalala na nasa veranda nga pala ako ng one bedroom unit ko.

Sabi ko magiging productive ako today at magsisimula mag-sketch ng mga proposals para sa lupa nila Cael pero mag-a-alas kwatro na kagigising ko pa lang.

Huling pagkakaalala ko, nag-bro-browse ako ng picture ng mga cute na aso sa Instagram ng pasado alas-dose, hindi ko na matandaan kung paano ako nakatulog.

Muling nag-vibrate ang cellphone ko kaya napatingin ako muli roon. I was expecting to see my mom's name or my dad's but instead the messages came from someone that belonged from the bottom of my list.

2 messages

Engr. Cael Loyzaga

I felt my brows furrowed while staring at his name. What does he wants on a Saturday afternoon?

Then my phone went off again.

3 messages

Engr. Cael Loyzaga

Iniisip ko kung babasahin ko ba ang mga iyon o hindi. Pero habang gumugugol ako ng oras sa pag-iisip mas dumarami nang dumarami ang mga mensahe niya sa akin.

I groaned before finally deciding to read his texts.

The first one was sent at 12:45 pm, he's asking me how my day is going so far.

The next one was the reason why I was hurled away from my sleep. This time he's asking if I'm staying at my unit today.

The succeeding texts are just plain 'hello Isma' with several question marks after it.

I rolled my eyes and chose to ignore him. Lagi ko nanaman siyang makikita dahil babalik na ako sa trabaho, ayoko naming pati Sabado ko siya pa rin 'yong kausap ko.

Napatingin ako sa mga nakakalat na sketch pad at documents ng lupa na hindi ko naman nagalaw.

"Who am I kidding?" I asked myself with a snicker.

I briefly shook my head and decided to call it a day. Siguro naman bukas magkakaroon na ako ng inspirasyon gumuhit 'diba? O baka naman kailangan ko ng puntahan ang puntod ni Marc?

Napailing na lang ako muli. Alam ko naman sa sarili ko na hindi pa ako ready makita ang pangalan niya na nakasulat sa lapida. Pumunta nga sa burol at libing niya hindi ko nagawa ito pa kaya?

I closed my eyes for a moment to collect myself. This is always how my self loathing begins. One moment I'm thinking of other things then the next thing I know, I am starting to connect it to Marcus. And it will always end up with me ugly crying about him.

I sprung open my eyes, praying that the tears keep themselves where they belong, inside my lacrimal gland. I gathered all my materials and returned inside the four walls of my bedroom.

Nag-iisip pa lang ako kung manonood ba ako o lalabas na lang para bumili ng makakain ng biglang tumunog ang doorbell sabay ng pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa.

I was weirdened out because I wasn't expecting any visitors today. At alam naman nila mommy na ayaw ko nang binibisita nila ako sa dito ng walang pasabi.

Then it rang again.

Napakamot ako sa ulo ko saka inis na naglakad patungo sa pinto para silipin kung sino ba iyon. I sighed heavily before opening the door.

"Bakit ka nandito?" I asked immediately.

"Alam mo, Isma. Sabi nila ang mga Pilipino raw ay hospitable." He countered showing off his billion dollar smile.

God, why does he have to be this good-looking?

"Bakit ka nga nandito, Cael?" Mas inis na tugon ko.

Itinaas niya ang kamay niya saka ko napansin na may bitbit siyang pagkain. "Dumaan ako para bumili ng pansit-bihon para ibigay sa iyo. 'Diba paborito mo ito?"

"Bakit mo naman ako dinalhan niyan?" I asked. Voicing out the question flooding my mind.

"Kasi baka gutom ka. Actually, mainit pa ito kanina ang kaso ang tagal mo akong pinagbuksan ng pinto." Paninisi niya pa. But he doesn't look annoyed. Hindi ko alam kung paano ko i-de-describe kung ano ang nakita ko sa mga mata niya, basta alam ko hindi 'yon galit o inis.

"Anong oras ka pa ba dito?" I barreled out of curiosity.

"A little after two this afternoon."

I looked at him with wide eyes. Bakit naman siya mag-tiya-tiyaga maghintay ng ganoon katagal para lang bigyan ako ng isang bilaong pansit-bihon?

"Isma, baka gusto mong isara 'yang bibig mo baka pasukan ng langaw." Biro niya. Napakunot noo ako saka ko siya inirapan.

"Bakit ka nga kasi nandito?" I pressed a little harder this time. Pero imbis na sagutin niya ako ng matino, natawa pa ang gago.

"'Diba sabi ko para dalhan ka nito. Are we playing 100 questions? Kasi kung oo, baka gusto mo akong papasukin para komportable tayong maglaro? Hindi 'yong nagtatago ka diyan sa likuran ng pinto mo."

God, he's so annoying!

I rolled my eyes at him before opening the door wider for him to get inside. Ayaw ko sa kanya pero hindi naman ako bastos para hindi siya papasukin. Besides, binilhan niya ako ng makakain, more reasons for me to stay inside my comforting cocoon.

Dumiretso siya sa kusina para ibaba ang bilao sa counter. Nagsimula siyang tanggalin ang balot no'n saka niya isa-isang binuksan ang mga drawers at cabinets ko.

"Alam mo kung nagtanong ka sakin, nahanap mo ang hinahanap mo. Condo ko 'to kung nakakalimutan mo." Pagsusungit ko sa kanya.

"Hindi mo gusto kapag ako ang nagsimulang magtanong sa'yo, Isma." He said with a wink.

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa sinabi niya. I know he's just joking pero bakit parang may laman ang mga salitang binitiwan niya?

I just watched him prepared our meal with ease. Saka ko na-realize na kaya niya isa-isang binuksan ang mga cabinets at drawers ay para makita kung anu-ano ang laman ng mga iyon.

Bwisit lang naman talaga sa buhay itong si Cael pero matalino naman talaga siya.

Pinagsalin niya ako ng pansit sa plato bago niya inabot sa akin iyon kasama ng kubyertos. He sat across me and started eating his own serving of our food.

"Wala ka bang ibang agenda ngayong araw na 'to kundi bwisitin ako?" Pagsusungit ko sa kanya.

"Mayroon." Maikiling niyang sagot sabay subo. "Besides, if I know hindi ka naman talaga nabu-buwisit sa akin. Feeling ko nga tuwang-tuwa ka dahil dinalhan kita pagkain, eh."

Sumubo na lang ako ulit ng pansit para pagtakpan ang biglang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paano niya nahulaan ng tama iyon.

"Kumain ka na lang!" Tugon ko sabay irap.

"Ikaw 'tong tanong nang tanong." Patawa niya sagot.

For a moment, I let myself relax. Siguro naman okay lang magkaroon ako ng mga pagkakataon na ganito. Bago ko ulit maalala na nawala ko na ang sarili ko.

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon