Kinakabahan akong pumasok kinabukasan. Hindi ko kasi sigurado kung papasok pa si Cael o hindi na. Aba malay ko ba kung tuluyan ng nagkasaltik ang taong 'yon at nagpalipat nanaman ng quarters.
Pinagpapawisan ako ng malamig hanggang sa nakaupo na ako sa upuan ko. Ginawian ko ang tabi ko at nakitang nandoon pa rin ang cellphone at bag niya kung saan niya ito iniwan kagabi, ibig sabihin hindi na talaga siya bumalik kahapon kahit ng nakauwi na ako.
Ala-una ng hapon ang unang meeting namin sa kliyente. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatingin sa orasan sa opisina namin. 8:30 am. May mahigit kumulang limang oras pa ako para isipin kung paano ko siya kokontakin at paano ko siya pipilitin na sumulpot sa meeting mamaya, kung hindi, lagot talaga ako kay boss! Ma-me-memo-han na ako panigurado.
Napabuntong-hininga ako at pinagpatuloy ang pagguhit sa proposal na ihaharap namin mamaya. Ingat na ingat ako sa pagkuha ng tamang sukat ng mga iyon ng bigla kong narinig ang maingay na bulong ni Lydia.
"Nandiyan na si Engineer!" Excited niyang tugon kaya hindi ko napigilan ang pagtaas ng ulo para titigan ang lalakeng kalalabas ng elevator.
Binati siya ng mga kababaihan at mga binabae na buong puso naman niyang sinagot. Mukhang good mood na siya, panay pa nga ang ngiti at kuway niya sa mga katrabaho namin.
Titig na titig lang ako sa kanya hanggang sa umupo na siya sa tabi ko. Agad niya rin naman akong ginawian ng tingin, hindi ko maipaliwanag ang ngiti sa bibig niya pati na rin ang naghuhuramentadong takbo ng puso ko nang nakita ko iyon.
"Good morning beautiful." Bati niya sabay ngisi.
Sandali akong natigilan sa paghinga. Hindi ko magawang alisin ang pagkakapako ng titig ko sa kanya at ganoon rin siya.
"I-I uhh..H-hi..." I stuttered. Why? Why the hell am I feeling weird? Nginitian niya lang ako. Hindi ba ako sanay na nginingitian ako?
Umiling siya saka tumawa ng mahina. "Hi, Isma. Marumi ba ang mukha ko kaya ganiyan ka na lang makatingin?" Tudyo niya sabay nguso at pa-cute.
I snapped back to my senses before I rolled my eyes at him. That made him chuckle. Susungitan ko pa sana ulit kaso naalala ko nanaman ang sinabi ni boss at pinangako k okay Marcus kagabi.
Kaya humugot ako ng malalim na hininga at inabot ang container na bitbit ko kanina pagkapasok.
"Umm...Peanut butter and Jelly Sandwhich." Maikli kong tugon sabay abot sa kanya noon.
Kumunot ang noo niya saka ako pinakatitigan na parang sinapian ako o kung ano. "'Diba paborito mo ito? O baka nagbago ka na ng favourite?"
Umiling siya saka inabot ang container na hawak ko. Sandaling nagkahawak ang kamay namin na ako naman ang agad bumawi dahil parang napaso ako.
A low chuckle rose from his throat before he opened the plastic container and took one of the two sandwhiches out.
"Paborito ko pa rin naman 'to. Wala namang nagbago." He muttered, taking a bite in the process.
"Parang ikaw, hindi pa rin nagbabago." Sambit ko sabay irap sa kanya na ikinatawa niya.
"Mas sanay akong sinusungitan mo ako Isma. Kapag mabait ka sa akin, maniniwala akong kinuha ng alien ang dating Charisma at iba ang kaharap ko ngayon." Biro niya bago niya inubos ang hawak niyang pagkain at labas sa natitirang isa.
Mahina ko siyang sinuntok sa braso. "Kailangan kong maging mabait sa'yo. Ako ang babysitter mo, utos ni boss." Hindi ko na rin mapigilan ang ngiti sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Stonehearts 5: Emerald
Romance| COMPLETED | 30 March 2017 - 27 June 2019 | Stonehearts Series #5 | Just like how her birthstone is coveted by royalty, Emerald Charisma Vinluan is yearned for by people because of her excellence in her field of work. This darling girl who has the...