Twenty Four

16.2K 362 7
                                    


Nagising na lang ako mula sa tulog ko nang nakarinig ako ng katok sa pinto. Hindi ko na lang sana papansin pero sumunod naman ang tunog ng doorbell ko.

I groaned in protest before checking out the time. It's already nine in the morning but I still feel groggy from lack of sleep.

Siguro, pasado alas-dose nan ang tuluyan kong napagtabuyan paalis si Cael. Pero kahit naman naitago ko sa kanya, hindi ko naman lubos maipagkaila na I did enjoy his company last night.

Halos siya nga lang ang nagsasalita habang kinakain namin ang pansit na dala niya, nagkukwento siya tungkol sa mga panahong nasa London pa siya at stuck siya sa project ng kumpanya nila roon. Akala ko nga aalis na siya pagkatapos naming kumain ngunit laking gulat ko na lang ng naghugas siya ng pinagkanan at hindi lang 'yon. Nakinood pa nga sa'kin si gago.

Ilang beses ko siyang sinabihan na pwede na siyang umalis, nag-thank you na nga ako lahat-lahat pero sadyang matigas lang talaga ang mukha niya. Saka siya nagpromesa na aalis na siya agad kapag natapos ang Avengers na palabas sa T.V. Ang kaso nga lang, sunod-sunod nang pinalabas ang Avengers: Age of Ultron, Avengers: Infinity War, at Avengers: Endgame. Kaya ang ending ay napuyat kaming dalawa.

Muling tumunog ang doorbell kaya wala na akong nagawa kundi bumangon at tignan kung sinong anak ni Satanas ang nakaisip na istorbohin ako sa tulog ko.

Sumilip ako agad sa peephole nang natunton ko ang pinto at kung 'di ba naman ako tama, kampo nga talaga ng demonyo ang nasa kabilang gawi ng pintuan ko.

"Bakit nanaman, Cael?" Inis na salubong ko sa kanya.

"Ang sama naman ng gising mo, Isma." Nanunuyang sagot niya. Parang gusto ko siyang sapakin bigla.

Ibubuka ko na sana ulit ang bibig ko kaso natameme ako ang itinaas niya ang kamay paa ipakita sa'kin ang take-out mula sa Mcdonald's. He took my surprised expression as an invitation so he happily passed by me so he can fully enter my unit. I watched in utter shock as he fluidly moves around my kitchen, setting whatever it is that needed to be set on the table.

"Kain na tayo agahan, Isma." He called before sitting down on one of my kitchen chairs.

Parang nagkaroon ng sariling isip ang paa at sumunod ito sa mga sinabi niya. Nakakunot noo akong naupo sa harap niya saka tumitig sa garlic rice, egg, at one-piece chicken na sa hapag.

"Ano nanaman ito, Cael?"

"Pagkain, Isma. Ano pa ba?" He smartly answered. Pinandilatan ko siya saka ko siya sinipa ang paa niya. "Aray ko naman!" Agad na pagrereklamo niya.

I stuck my tongue out and made a face before I started eating. Wala naman siyang ibang sinagot kundi ang nakakamatay niyang ngiti. I wonder why he's doing this. Wala naman siyang mapapala sa akin. Natatakot naman akong magtanong ng diretso sa hindi ko malaman na dahilan.

Maya't maya akong nagnanakaw ng tingin sa kanya habang busy kaming kumain. Simula talaga noon, gwapo na talaga si Cael, and boy, did he age like fine wine. His youthful and mischievous look isn't there anymore, pero mas bumagay sa kanya ang medyo mature and seryoso niyang aura. Any woman will be lucky to have him.

"Isma, hello?" Pukaw niya sa atensyon ko. He was even waving his hand infront of my face. "'Wag mong sabihing natutulala ka na sa kagwapuhan ko?" He kid while wiggling his brows at me. Hindi ko napansin na nag-space out na pala ako habang nakatitig sa kanya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Sambit ko sabay irap sa kanya.

Tumawa ang mokong sabay sandal sa upuan. "Hay, deny all you want. Alam ko naman ang katotohanan." Dagdag niya. Nag-akma akong babatuhin siya ng kutsara na hawak ko kaya mas lalo siyang napahalakhak. "Tama na 'yang pagpapa-cute mo sa akin, Isma. Maligo ka na at magbihis, may pupuntahan tayo."

I crooked one eyebrow at him. "At bakit naman ako sasama sa'yo?" I challenged.

He placed both of his elbows on the table before resting his chin on the bridge he formed with his two hands. An evil smirked appeared on his lips as he spoke, "Kasi kapag hindi ka naliligo, bubuhatin kitang ganiyan ang itsura papunta sa sasakyan ko. Aalis tayo sa gusto mo o sa gusto mo. " He finished with a wink.

Wala akong naisagot, na-confuse pa nga ako sa sinabi niya. I looked at myself with my hair sticking on every direction possible, my eyebags racooning, face pale, hindi ako papayag na lalabas akong ganito.

I was again lost in my thoughts when he spoke, "30 minutes, Isma. Kahit anong itsura mo pagkatapos ng tatlongpung minuto, aalis na talaga tayo."

Bigla akong napatayo at nagtungo sa kwarto dahil sa banta niya. Wala pa ata sa 30 minutes, natapos ko na lahat ng gagawin ko – naligo, nag-toothbrush, naglagay ng kaunting make-up, at nakapagbihis ng maayos. Paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Cael na nakaupo sa sofa, agad naman siyang napalingon ng narinig ang pagbukas ng pinto ko.

He smiled upon seeing me and I swear I saw his eyes twinkle in an unsual way. "Let's go?" He asked.

Napatango ako, not able to form any word. The way he looked at me, 'yong ngiti at titig niya kanina, katulad na katulad ng mga titig na binibigay ni Marcus sa akin noong nabubuhay pa siya. Biglang binalot ng takot at lungkot ang buong katawan ko, napaatras ako sabay akap sa sarili ko.

"Ayokong lumabas, Cael." Mahinang tugon ko sabay baling ng tingin sa naka-frame na guhit ko sa dingding.

Ilang sandali, narinig ko ang yapak niya na papalapit sa akin. I retreated until I felt the cold wall bumping my back. I was determined not to look at him, but when his hands found my arms my eyes automatically connected with his. His face was etched with deep concern, "W-why are you crying?" He hushly asked.

Hindi ko na napansin na umiiyak na pala ako, napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman nga ang basa na gawa ng mga luhang unti-unti ng tumutulo.

"This is nothing. Please leave me alone, I want to be alone." I begged, trying to break free of his hold against me but I felt so weak. My bone felt jelly as I start to feel the panic consuming my body.

But he didn't answer, nor did he grant my request. The next thing I know I was cocooned inside his strong arms and without any reservations, I bawled my heart out on his chest. The more I grieved the pain in my chest, the tighter his hold become. For the first time in a very long time, I found a rock I am hoping I can share the baggage I am carrying. 

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon