Sixteen

21.1K 443 38
                                    

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon simula nang umalis si Cael sa unit ko. Nararamdaman ko pa rin ang labi niya sa labi ko dagdag mo pa ang mabilis na pintig ng puso ko.

Ilang beses kong pinaalala sa sarili ko na 'wag bumigay, 'wag magpadala sa matatamis niyang salita, 'wag magpatukso. Pero sa tuwing magkaharap na kami, tumitiklop ako, nakakalimot ako, nawawala sa isipan ko ang lalakeng pinangakuan ko na ng pamhabang-buhay ko.

That's the reason why I found myself sitting in front of Sir Ray, asking for something I know will be hard for him to give.

"Era, bakit naman biglaan itong pag-leave mo? Malapit nang umpisahan ang project niyo ni Engineer Cael." Tugon ni Sir Ray habang nakatitig sa kapirasong papel na nagsasaad ng ilang araw kong hindi pagpasok sa trabaho.

Nagpag-isipan ko kasing huwag munang pumasok para mabantayan si Marcus. Para nandoon ako sa oras nang pag-gising niya. Gusto ko rin kasing ako ang una niyang masilayan sa pagbukas ng mapupungay niyang mata.

At para na rin...para na ring malayo kay Cael.

I gulped some confidence before clearing my throat, words suddenly clogging there. "Umm..personal reasons Sir." Simpleng sagot ko.

I saw Sir Ray thinning his lips, clearly unsatisfied with my answer. He let out a deep sigh before resting his chin in between his thumb and index finger.

"Ano ba talaga ang rason Emerald?" The tone of his voice radiating a don't-fuck-with-me vibe.

Napalunok na lang ako ulit. Sana masabi ko sa kanya ang totoong rason nang hindi ako naiiyak.

"G-gusto ko po sanang mabantayan si Marc muna Sir. Babalik naman po ako, pero po kasi...pero.." Natigil ako dahil nagsimula nang mamuo ang luha ko, nanlalabo na ang mata ko, nanlalamig at namamawis ang palad at talamapakan ko.

"Pero?" He probed.

Napayuko ako habang patuloy sa pagbubuhol ng daliri ko sa isa't-isa, sinusubukang pigilang ang nagbabadyang mga luha.

"I-ilang buwan na r-rin po kasi ngunit hindi pa rin nagigising ang fiancé ko." I started, but still keeping my sight locked on my twiddling fingers. "Nagpagdes-sisyunan po ng Mama niya na....na kapag hindi pa po siya nagising sa susunod na buwan, huhugutin na raw po ang l-life support niya."

Humina nang humina ang boses ko hangga't sa hindi ko na narinig mismo. Mas lumabo, dumilim ang paningin ko kasunod ng hikbing hindi ko na nahabol.

Bakit sa amin pa kasi nangyari ito? Kung hindi ko siya inutusang bumili ng kape ko, kung hindi ko sanang hiniling na dumaan pa siya sa Starbucks, hindi sana siya nabundol. Wala sana siya sa kalagayan niya ngayon. Hindi sana ganito kahirap ang pinagdadaanan ng pamilya niya ngayon.

Siguro masyado lang talagang mabait si Mama Belen dahil ni minsan hindi niya nagawang isisi sa akin ang nangyari. Ni minsan hindi niya nagawang isumbat sa akin na ako ang dahilan kung bakit walang malay at nakikipaglaban ang anak niya para sa sarili niyang buhay.

Napalakas ang hikbi ko ng bigla kong naramdaman ang pagpatong at pagtapik ni Sir Ray sa balikat ko. Hindi ko man lang napansin ang ginawa niyang pagtayo at pagpunta sa likuran ko.

"Era, alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon pero gusto kong malaman mo na narito kami para sa'yo. Hindi bilang boss mo, hindi bilang katrabaho mo, kundi bilang kaibigan na masasandalan mo."

Napatango ako habang nagpupunas ng luhang hindi maubos-ubos.

He again took my leave request, looking at it briefly before he took his pen and signed it without doubts and reservation.

"Iuutos ko na sa sekretarya ko ang filing nito. Gusto kong umuwi ka na para makadalaw at makapunta ka na kay Marc. Ipagdadasal ko ang pag-galing niya."

"Hindi boss, tatapusin ko po itong pasok ko ngayong araw." I replied before messily wiping my tears like a kindergarten during playtime. "T-thank you po ulit b-boss."

Tinanguan niya lang ako saka ako nagpaalam na aalis. Dumiretso ako sa banyo bago pa ako paulanan ng mga katanungan. Namalagi ako roon ng matagal para mawala ng bahagya ang pamamaga ng mata ko pati na rin ang pagkagaralgal ng boses ko.

Hindi naman ako binugbog ng katanungan nila Lydia tulad ng inakala ko. Off din naman ni Cael ngayon kaya hindi ganoon kaingay ang araw ko. Tinapos ko lahat ng kailangan kong tapusin bago magsimula ang leave of absence ko sa opisina. Maayos ko rin na-i-endorse ang trabaho ko sa pansamantalang kapalit ko sa proyekto.

Nag-aayos ako ng gamit ng biglang dumungaw si Arcie sa ibabaw ng cubicle ko.

"Pssst...Ate Era..." Tawag niya na kunwari palihim pero halata naman.

"Op?" Sagot ko na may ngiti.

Muli niyang nilingon ang paligid sabay yuko ng mas mababa, waring nagsasabi na sikreto ang mga susunod niyang sasabihin.

"Mag-papatulong lang sana ako." Sambit niya sabay akap ng mahigpit sa mga papeles na bitbit niya.

"Saan? Basta kaya ko." Mabilis kong sagot.

Her cheeks were suddenly in the color of crimson before she looked away. "Maydatekasiakopwedemobaakongtulunganmaghanapngsusuotin?" She mumbled incoherently which made me laugh.

"Arcie, hindi ko naintindihan. Bagalan mo." Patawang sagot ko.

Muli siyang lumingon sa mga kaopisina naming bago niya inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "May date kasi ako pwede mo ba akong tulungan maghanap ng susuotin?"

I giggled before nodding my head. Pansamantala kong nakalimutan ang mga prinoproblema ko dahil sa sinabi niya.

"Akala ko kung ano na. Pero, sure sige! Basta, itext mo lang ako kung kalian."

"Yes!!!" Tili niya na siyang ikinatawag ng lahat ng atensyon ng nasa opisina. Napa-peace sign siya sa lahat sabay tago ng mukha niya sa mga folders at papel na hawak niya. "Sorry po, sorry po. Masaya lang." Tugon niya bago niya ako inakap ng mahigpit saka tuluyang bumalik sa cubicle niya.

Napa-iling na lang ako sa sarili ko saka ako nagpatuloy sa pag-ayos ng mga gamit ko. Sandali akong napatigil nang tumama ang titig ko sa litrato ni Marc.

I am doing the right thing. I am doing the right thing. Kailangan ko munang umalis dito pansamantala para maalala ko kung bakit si Marcus ang napili ko. Kung bakit um-oo ako nang tinanong niya ako kung pwede bang ako ang makasama niya habang-buhay. Kung bakit naging sure ako sa kanya. Kung bakit alam kong siya na talaga.

Bago ako tuluyang umalis, sinulyapan ko saglit ang mesa ni Cael. I heard his voice ringing in my ears. 'Yong panunukso niya, mga banat niya, at ang mga salitang binitiwan niya kagabi. Muli akong napailing, "Tama na Era, hinihintay ka na ni Marcus." Bulong ko bago pa magbago ang isip ko.

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon