"Baby, mauna ka na sa flower shop mamaya. Dadaan pa kasi ako sa quarters para ibigay kay bossing ang final draft ng pinagawa niya sa akin."
Napahinto ako sa paghati ng steak ko at napatingin sa kanya. Nginitian niya ako sabay abot sa nakakunot kong noo. "Oh 'wag kang sumimangot. Saka kailangan kong magpa-good shot para i-approve niya ang leave ko para sa honeymoon natin."
Napabuntong-hininga ako saka ako napakagat sa ibabang labi ko. Honeymoon. Ikakasal na talaga kami. Malapit na kaming maging legal na parte ng isa't-isa. I get the jittery butterflies in my stomach whenever I think about. The jittery-good kind.
"Okay, sige. Basta ingat ka, ha? Saka daan ka na rin ng Starbucks bago ka pumunta sa flowershop. Gusto ko ng White Mocha Frappe." Parang batang hiling ko.
Nginitian niya ako ng may pagkatamis saka siya dumukwang para nakawan ako ng halik. Mabilis naman akong namula saka ko siya pinalo sa dibdib, "Marcus, ano ba! Maraming tao, oh." Bulong ko na may diin sabay lingon sa mga kasama namin sa restaurant na wala namang pake sa ginawa niya.
He just chuckled before wrapping his arm on my shoulder and kissing my forehead. "This is it, baby. Konting-konti na lang magiging misis na kita."
Napataas ako ng tingin at sinalubong ang malamlam niyang mga mata. I grinned at him, all my love pouring out like falls. "Hindi na nga ako makapaghintay." Saka ko itinaas ang kaliwang kamay ko para tignan ang engagement ring na binigay niya sa akin. "Hindi na ako makapaghintay na isuot mo sa akin 'yong isang singsing."
"And I can't wait to see you on that pretty, white dress baby.." Saka niya sinapo ang dibdib niya. "Baka maiyak ako habang naglalakad ka sa aisle."
I giggled at his remarked. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya, "Basta 'wag kang humagulgol, baka hindi matapos ang seremonya kasi agaw eksena ka." Biro ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Promise, iiyak lang ako pero hindi hahagulgol."
Inihatid niya ako sa site ng isa kong project bago siya nagpaalam. The day flew fast, hindi ko gaano na-miss si Marc dahil nalunod na rin lang ako sa mga katanungan nila Lydia tungkol sa kasal namin.
At 3:30pm, nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko na mauuna na para hindi ako ma-late sa usapan namin ni Marc. Kailangan na kasi naming mamili ng bulaklak na gagamitin sa kasal.
"Miss Era, are you ready to look at the flower selections?" Narinig kong tawag sa akin ng wedding planner namin na si Dothy. Pangatlong tanong na niya ito sa akin simula ng dumating ako.
Nilingon ko siya at napailing sabay balik ng atensyon ko sa cellphone na hawak ko. Ang usapan kasi namin ni Marc 4:00 pm, 4:30 na hindi pa rin siya dumarating.
Kinakabahan na nga ako, parang may mali, parang may hindi tamang nangyayari. Ilang beses ko siyang tinawagan kanina pero unattended na ang number niya, nakailang text na rin ako ngunit wala akong nakuha ni isang sagot.
Napabuntong-hininga ako at napatitig sa malakas na buhos ng ulan sa labas ng shop. Nasaan na kayo si Marcus? Nag-aalala na ako, eh. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa cellphone ko para tumawag pero nag-ring iyon at dinisplay ang pangalan ni Mama Belen.
Bigla akong binalot ng kaba at takot sa hindi ko malamang dahilan. Nanginginig kong sinagot ang tawag ng soon-to-be mother-in-law ko.
"M-ma? H-hello po?" I stuttered.
BINABASA MO ANG
Stonehearts 5: Emerald
Romance| COMPLETED | 30 March 2017 - 27 June 2019 | Stonehearts Series #5 | Just like how her birthstone is coveted by royalty, Emerald Charisma Vinluan is yearned for by people because of her excellence in her field of work. This darling girl who has the...