Five

25.7K 614 62
                                    

"Era, isa ka sa pinakamagaling na empleyado ng kompanyang ito. Ayoko namang issue-han ka ng memo. It will tarnish your excellent record." Halos parang nagmamakaawa na si boss nang pinagsasabihan niya ako. Hinihiling ko kasing malipat na lang ng ibang project dahil hindi ko talaga kakayanin ang tagalan si Cael.

"Kaya nga po boss, pero hangga't nasa iisang project kaming dalawa, masisira at masisira po ako. Hinding-hindi po talaga kami magkakasundo Sir." Now it's my turn to beg. Kung gusto ni boss na lumuhod ako, luluhod talaga ako sa harap niya.

"Subukan mo lang naman Era."

Napapikit ako at walang buhay na napansandal sa kinauupuan ko. "Boss, hindi ko po talaga kaya. Mag-li-leave na lang po muna ako, I'm sure maraming sasalo sa project na kinabibilangan ko. Hindi po ako mahihirapan na maghanap ng kapalit ko." Mahaba kong sagot saka ko binuksan ang mga mata ko at mariin na inaral ang magiging reaksyon ng boss ko.

Humugot siya ng malalim na hininga bako pinagsaklop ang magkabilang kamay at inilatag iyon sa mesa sa pagitan namin. Nakatitig lang ako ng diretso sa mga mata niya at iniisip kung ano nanaman ang tumatakbo sa isip ng boss namin.

"Give it two weeks. Baka kailangan mo lang ng adjustment period." Tahimik na tugon nito. Sa tono ng boses niya halatang hindi siya tatanggap ng 'hindi' bilang sagot.

"Pero boss–"

"Two weeks. Iyon lang naman ang hinihingi ko. Era, I want you on this project dahil isa ka sa requested Architects ng kliyente. Siguro naman hindi kakayanin ng konsensiya mo na mag-withdraw ang kliyente natin ng kontrata dahil hindi nasunod ang mga gusto nila."

Matagal akong napatitig sa mukha ng boss ko. He's again appealing to guilt and flattery. Kahit ilang beses nang ginamit sa akin ni Sir Ray ang tactic na 'to, gumagana at gumagana pa rin sa akin.

Napapikit ako at napahalinghing ng mahina. She's happy that she is one of the most sought architect in their firm and at the same time irritated because she has no way out of her dire situation.

Gusto kong balatan ng buhay si Climente!

Halatang naghihintay ng kasagutan si Sir Ray dahil mariin pa rin itong nakatitig sa akin. Wala na akong ibang nagawa kundi tumango at sumang-ayon sa gusto ni boss.

Two weeks? Two weeks! Two fucking weeks!

I fucking need an anchor for my sanity. Gusto ko na lang maghalupasay bago lumabas ng opisina at susubukan kung magbabago pa ang isip ni boss. Pero nang muli kong gawian ito ng titig, naghuhumiyaw ang 'my decision is final' sa mukha nito, kaya wala na akong ibang nagawa kundi talunan na lumabas sa opisina niya.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto at sumandal doon. Napapikit ako bago ako humugot ng hininga. Idinilat ko na lang ang mga mata ko nang nakarinig ako ng hagikgik saka dumako ang mata ko sa kinaroroonan ni Cael.

Nakaupo siya sa mesa ko at pinalilibutan siya ng mga kababaihan sa opisina. Mukhang masaya silang nag-uusap kung ano man ang pinaguusapan nila. Nakita ko rin na bukas na ang bos ng oreos na bigay nito at pinagsasaluhan na nila iyon. At talagang kahit sila Lydia nakisali pa sa kung ano mang kaguluhan ang pinapalakad nitong si Cael.

Mayamaya tumabi sa akin si Harris na kakakuha ng tubig sa malapit na dispenser. Inihahanda ko na ang sarili ko sa kung ano nanaman ang pamimilit na sasabihin ngunit iba ang lumabas sa mga bibig niya.

"Classmates pala kayo nang College." Tugon nito. Parehas kaming nakatitig kila Cael na malakas nang nagsisitawanan.

"Oo. Kanino mo naman nalaman?" Sagot ko sabay halukipkip at sandal mas lalo sa pinto ng opisina ni boss.

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon