Mabilis niya akong tinalikuran pagkatapos na pagkatapos niyang bitiwan ang mga salitang iyon. I don't even fucking know what it means.
Du bist? Du..Du b...Ano raw ulit ang sinabi niya?
Nakatingin ako sa palayong bulto ni Cael habang malalim na iniisip ang isa pang lengwahe na alam niya. May isa pa itong ginagamit maliban sa Filipino at Ingles dahil ang tatay niya ay half-Filipino, half-hindi ko na matandaan.
Sinabunutan ko ang sarili ko at inis na pinadyak ang paa ko. Bakit ko ba kasi nanaman inilalaan ang oras ko para isipin ang damuhong 'yon? He's good for nothing, wala siyang ibang idinulot sa akin kundi pasakit noong College, ano naman ang pinagkaiba ngayon? Kita mo ngang dalawang beses na akong natawag sa office ni boss ng dahil sa kanya, kamuntikan pa akong ma-memo-han!
I grunted before I slumped myself on my swivel chair and vented my not so understandable, frustrating feelings on a sheet of blank paper.
Mas maayos ng may mapuntahan ang inis ko sa taong 'yon kesa mabulok ako kakaisip kung paano ko plaplanuhin ang kamatayan ng hayop na 'yon.
Fortunately for me, hindi na bumalik si Cael pagkatapos niyang mag-walk out. Ilang beses nga nanaman akong kinukulit nila Lydia kung ano nanaman daw ang pinagawayan naming dalawa at naglayas ang damuho.
"Baka napuno na this time kaya umalis na lang." Bagsak na balikat na tugon ni Nicole, akala mo naman ang tagal na nilang kilala ang taong 'yon para mamiss.
Napatirik ako ng mata saka mabigat na tinusok ang talong sa plato ko. "Hayaan niyo na siya. Matanda na siya, kaya na niya sarili niya." I said with finality before I popped the veggie insidemy mouth.
Narinig ko ang pagpitik ng dila ni Lydia saka ako tinuro gamit ang kubyertos niya. "Bakit ba kasi hindi kayo magkasundo ni Engineer? I mean, bakit ba galit na galit ka sa kanya? Ang ayos kaya nang pakikitungo niya sa'yo–"
"Ngayon." Mabilis kong putol sa sinasabi niya. They all gawked at me with confusion brimming out of their eyes. I sighed. "Maayos pa ang pakikitungo niya sa akin sa ngayon. That jerk is just getting warmed up. Hintayin niyong maging komportable siya sa lugar na ginagalawan niya, mag-uumpisa na siyang gawing impyerno ang buhay ko." I bitterly finished before I scoffed.
Three pairs of furrowed eyebrows answered me. Alam kong kahit ano naman ang sabihin ko, hindi pa rin nila maiintindihan hangga't hindi nila alam ang backstory namin ni Cael.
I just closed my eyes, not wanting those bitter memories to crowd inside my head. It's been years, dapat nga naka-move on na ako tulad nang laging sinasabi sa akin ni mommy noong naglipat school ako. Akala ko naman talaga naka-move on na ako simula nang hindi ko na nakita ang pagmumukha ni Climente at ng mga barkada niya, pero pinaniwala ko lang pala ang sarili ko sa kasinungalingan. Because years later, here he is and the acrid and insipid part of my life came crashing to me like a 10-wheeler truck in full speed.
Natapos ang lunch time at wala pa rin si Cael sa cubicle niya. Mukhang mag-a-absent na ang loko. I suddenly felt a twinge of guilt. Baka nga naman nasobrahan ako sa pagsusungit ko sa kanya. But the other side of my brain shouted that I shouldn't soften for that guy because he is ruthless and heartless like he was years ago.
Bakit may ginawa na ba siyang masama sa'yo simula nang pumasok siya sa opisina niyo?
The rational part of my mind asked.
Napailing ako. Wala.
So galit ka sa kanya ng walang dahilan at ang tanging batayan mo lang ay ang mga ginawa niya sa'yo noong College kayo? Which is..years and years ago!
Napatigil ako sa pagguhit at napaisip.
Damn! Kahit na masakit para sa ego kong aminin, may punto ang mga katagang iyon.
I groaned before I ruined what I was working on. I drew spikes and random circles just to make a flue for my frustrations.
Cael really has a way on distracting and making me feel like shit. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Naiinis ako sa kanya pati sa sarili ko.
Wala akong natapos nang araw na 'to dahil nag-aalala talaga ako kay Cael. Hindi na talaga siya bumalik sa opisina, sinubukan naming tawagan pero nag-ri-ring lang ang cellphone niya na nakapatong sa mesa niya, kahit ang bag niya iniwan niya rin doon.
Hanggang sa nakarating nanaman kay bossing dahil sa mga kababaihan at binabae sa quarters na OA kung magaalala para sa kanya. Akala mo naman mawawasak ang mundo ng dahil simpleng pag-MIA ng tao na 'yon.
"Papasok 'yon bukas boss. Nagpapalamig lang siguro ng ulo." I reassured him after I retold the story of our little argument which I didn't even know why it began on the first place.
Napahilot si Sir Ray sa sentido habang ang isang kamay niya ay nakapameywang. Alam kong ako ang dahilan kung bakit sumasakit ang ulo niya. Napalunok ako, sana walang memo. I silently prayed. Nagkanda-leche leche na talaga ako dahil sa taong iyon.
Tinignan lang ako ng matalim ni boss, "Basta ayusin mo ito Era. Hindi pwedeng walang Cael Loyzaga na haharap sa kliyente bukas."
Napalunok ako at napatango, ito ang unang pagkakataon na tinakot ako ni bossing ng ganito.
Lahat ng tao sa opisina tahimik lang habang patagong nakatuon ang atensyon sa akin at kay Sir Ray. Bihira kasi talaga siyang magalit sa harap ng maraming tao, madalas pinapatawag niya ang subordinates niya sa loob ng opisina niya at doon pinagsasabihan. Siguro ngayon napuno na siya sa kagagahan ko kaya ganito na lang ang nangyayari.
Napabuntong-hininga ako bago ko binagsak ang puwetan ko sa upuan ko. Tinukod ko ang siko ko sa mesa bago ko binaon ang mukha ko sa palad ko. Gusto kong maiyak sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Binuro ko buong hapon ang sarili ko sa trabaho habang nag-iisip ng paraan para maamo si Cael kinabukasan. Bukas na ang first meeting namin kasama ang mga kliyente, kailangan nandoon siya dahil katulad ko requested Engineer din siya.
Dumiretso ako agad sa ospital pagka-out ko. Kailangan kong makita at mahawakan si Marcus kundi maloloka na ako dahil sa mga nangyayari.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko babe." Pagsusumbong ko kay Marc habang hawak ko ang mainit na kamay nito. Kwinento ko sa kanya ang mga nangyayari ngayon sa quarters.
Dinantay ko iyon sa pisngi ko at mariin siyang pinakatitigan. "Sana gising ka baby, kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko." Pagmamakaawa ko sa kanya as if naririnig niya ako.
"Four months na, hindi ka pa rin nagigising. Marami ka nang na-mi-miss sa buhay mo." Tahimik kong tugon, pinipigilan ang mga luhang pwedeng pumatak. Ayaw kasi ni Marc na nakikita akong umiiyak. "Pero gigising ka naman baby 'diba? Itutuloy pa natin 'yong dream wedding natin, 'yong pangarap nating dalawang anak, tapos itatayo pa natin 'yong dream house na dinesenyo natin."
Inakap ko ng mas mahigpit ang kamay niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa panginginig noon gawa ng mga luhang pinipigil ko. Sana talaga magising na siya.
Hinintay ko pa munang bumalik si Mama Belen bago ko naisipang umuwi na. I took one glance of my beloved soon-to-be-husband before determination washed all over me. Alam sasabihan ako ni Marc na gawin ang tama para matigil na ang gulo. Kaya bukas na bukas din, susubukan kong makipag-ayos kay Climente para makapagtrabaho kami ng matiwasay.
BINABASA MO ANG
Stonehearts 5: Emerald
Romance| COMPLETED | 30 March 2017 - 27 June 2019 | Stonehearts Series #5 | Just like how her birthstone is coveted by royalty, Emerald Charisma Vinluan is yearned for by people because of her excellence in her field of work. This darling girl who has the...