Nine

23.4K 505 42
                                    

Hi Tan_tanXx29 hehehe

--

Hindi na ito tama. Itigil mo na 'yang kahibangang mo Emerald!

Ilang beses kong inulit-ulit 'yon sa sarili ko habang naglalakad ako pakaliwa at pakanan sa loob ng kwarto ni Marcus. Pagkatapos niyang sinabi ang mga bagay na 'yon sa'kin, nagpumilit akong sumakay ng taxi pabalik ng opisina.

Hindi ko na kayang manatili sa isang lugar kasama siya, lalo na't sa isang maliit na espasyo tulad ng loob ng sasakyan niyan.

Napasalampak ako sa sofa at sinabunutan ang sarili ko. Ano bang nangyayari sa akin? Why do I feel so attracted to Cael? Diba noong una halos puro galit lang ang nararamdaman ko sa kanya? Ilang araw pa lang ganito na ang nangyayari sa akin. He's casuing havoc and chaos in my system and it seems like I have no power to stop it.

Napatingin ako kay Marc na natutulog habang may nakapasak na tubo sa bibig niya. I feel so guilty. Pakiramdam ko nagtataksil na ako sa kanya.

Lumapit ako sa fiancé ko at humawak sa kamay niya sabay upo sa upuan sa tabi ng kama nito. I kissed his hand countless of times while looking at him intently. Saka ako napatingin sa singsing na binigay niya sa akin noon.

I was really the happiest woman alive when he asked me to marry him. I could still remember everything like it was yesterday.

"Naiiyak na ako Lydia. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Marc. May nagawa kaya akong mali?" Pagsusumbong ko kay Lydia habang nasa daan kami papunta sa isang site.

I was free dahil day-off ko naman kaya sumama na lang ako kila Lydia sa pupuntahan nila. Dapat may date kami ni Marcus ngayon. Kaso, bigla na lang siya nanlamig sa akin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali, hindi naman kasi siya ganoong lalake.

Natawa ng mahina si Lydia na nakaupo sa passenger's seat saka ako nilingon. "Ano ka ba? Inlove na inlove sa iyo si Marc ano! Baka naman may sakit o masama lang ang pakiramdam."

Lumabi ako mas lalo, 'yong mga luha ko malapit nang magsibagsakan. "Hindi eh. Basta iba ito ngayon Lydia. Kahit sa opisina hindi niya ako kinikibo unless usapang trabaho. Tapos lagi siyang busy, hindi na niya ako naihahatid sa amin. Baka..." Saka ako napalunok. "Baka may iba na siya..." Iniisip ko pa lang parang hinihiwa na ang buong pagkatao ko.

Napabuntong-hininga si Nicole saka niya ako inakap. "Nababaliw ka na Era! Kung anu-ano na ang naiisip mo."

Pero hindi na ako nakasagot. Yumakap na lang ako ng mahigpit sa kanya. Saka nagsalita si Gaille na siyang nagmamaneho ng kotse. "We're here girls!"

Natingin ako sa labas ng bintana at napakunot ng noo. Akala ko ba site ang pupuntahan namin? Isang malawak lang na lupa ang tinititigan ko. Akala ko nag-start na ang construction ng project nila? If I'm not mistaken, isa iyong condominium.

"Umm? Hindi ba mali ang napuntahan natin?" I asked, breaking the silence.

Walang sumagot sa akin. Naunang bumaba si Gaille saka ako pinagbuksan ng pinto. Hinila niya ako palabas, saka naman sumunod sa akin si Nicole na siyang nagpiring sa mga mata ko.

"Hey! Ano—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng pinigilan ako ng isa sa kanilang tanggalin ang inilagay nilang tabing sa mga mata ko.

"Sorry, kailangan ka naming kidnappin. But we promise you'll like this." Narinig kong tugon ni Lydia.

Gusto kong magpumiglas pero alam kong wala namang mangyayari kaya nagpatianod na lang ako sa kung saan man nila ako dadalhin.

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon