Twenty

20.8K 453 43
                                    

"Eraaaaaaaa!" Hindi ko na nahabol kung sino man ang nagsigaw ng pangalan ko dahil isa-isa akong dinagsa ng mga katrabaho. Ilang buwan na rin simula nang hindi ko pagtapak sa opisina na 'to.

Nag-file ako ng indefinite leave simula ng binunot ang life support ni Marc. Pakiramdam ko kasi hindi lang buhay niya ang naputol nang araw na 'yun, kundi pati sakin.

Halos dalawang linggo akong hindi lumalabas sa silid ko. Hindi rin ako nagpunta sa mismong libing ng fiancé ko. Masama man kung masama sa paningin ng iba, pero wala akong pakialam. Walang nakakaintindi sa sakit na pasan ko. Sakit na hindi nakikita pero ramdam na ramdam ko.

Mom talked me into visiting a specialist. Noong una ayaw ko pa, hindi ko matanggap but she later on convinced by using the Marcus card; the "sa tingin mo ba gusto ni Marcus na nakikita kang ganiyan?" card.

A few months later, kahit di ko pa tanggap alam kong kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko na wala na si Marc. Masakit pa rin, ito 'yong sakit na kahit pilit mong kalimutan ay nadidiyan at nandidiyan lang, nababawasan pero kailanman hindi lilisan.

I faked a smile as one by one I was hugged by people I haven't seen in awhile.

"Era, miss na miss na kita!" Bulong ni Lydia habang nakapulupot ang magkabilang braso niya sa akin.

Siguro kung ako pa ang dating Era, naiyak na ako sa tuwa. Pero simula ng naibaon sa lupa ang kalahati ng puso ko, natutunan kong hindi makaramdam. Maging manhid dahil sa tindi ng sakit.

Tinapik ko siya sa balikat bago ako kumawala sa yakap niya. Nag-iisip pa ako kung anong sasabihin dahil bakas sa mukha niya ang pagkagulo at pagkagulat sa bigla kong pagputol sa yakap niya, nang biglang may nagsalita,

"Era, usap muna tayo sa opisina ko." Nakangiting tugon ni Sir Ray. Tahimik akong nagpaalam bago ako sumunod sa mabibigat na yapak ng butihin naming boss.

Wala masyadong pinagbago ang opisina niya. Ganoon pa rin ang ayos. May malaking mesa malapit sa dingding, tatlong may kataasan na bookshelf na puno ng mga papeles at libro. Coffee maker sa kabilang side, mga trophy sa kanan na bahagi.

Sinenyasan niya akong umupo bago siya nagsalita, "Kamusta ka naman Era?"

"Mabuti naman po, Boss." Lie.

"How are you holding out so far....w-with all that has happened?"

"I'm better compared yesterday." Another lie. I'm on a loop not knowing when it will stop.

"Hindi na kita dadaldalin pa. Ang gusto ko lang talaga malaman ay kung okay ka na magtrabaho. Era, para ko na kayong mga anak dito. Kung kailangan mo pa ng pahinga hinding-hindi ko ipagdadamot sa iyo 'yon."

"Kaya ko na, Sir. Mahaba na ang panahon ng ipinagpahinga ko. Marami akong naabalang tao dahil sa pag-transfer ng mga projects na hawak ko sa kanila. Nabalitaan ko rin po na may mga kliyente tayong nagsi-pull out ng dahil sa bigla kong pag-alis."

Napatango ng ilang beses si Sir Ray bago nagbuntong hininga. "Kaya mo na ba talaga?"

Hindi pero......"Kaya na, Sir."

"Okay. I will take your word. Besides, never mo akong nabigo."

I nodded once as Sir Ray relax on his seat. He took a breath before he gave his instruction regarding the project I belong to. Maraming adjustments ang mangyayari, mahirap pero mas gugustuhin ko na ito kesa matengga ako sa bahay at magkaroon ng oras para isipin nanaman si Marc.

Sir Ray dismissed me after giving the files I needed to review. Siguro mamaya ko na bubuklatin. Gusto ko munang pakiramdaman ang silya at mesa ko.

Nakasalubong ko si Arjay na mukhang naginhawaan sa pagkakita sakin. Mukhang ilang buwan na siyang 'di nakakatulog ng maayos at nakakakain ng maayos.

"Salamat sa Diyos at pumasok ka na Era, tinimbrehan na ako ni bossing na sa'yo mapupunta itong commercial buildings na ipapatayo ng pamilya nila Engr. Cael."

Sinulyapan ko ang label ng folder na hawak ko.

"URGENT FILE: LOYZAGA COMMERCIAL BLDG."

Napapikit ako, pusang gala. Kababalik ko lang sa trabaho si Climente na agad ang makakaharap ko.

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon