Ten

24.6K 566 76
                                    

This chapter is for my pretty and buang bb @KittyKatty05 hehehe char lang, itong buong installment pala na ito ng Stonehearts ay para sa'yo kasi May baby ka. Hihihi. Sana lang hindi ka ma-bored (drama) charot, pero kilala mo naman ako marami talaga akong drama sa buhay hahahaha.

Hoping I could finish this before June ends at sana makahanap pa ako ng ibang inspirasyon sa mga sumunod na installment ng Stonehearts hihihi you make me go kilig mga mahals. Dahil sa panahon na ito ihi at kayo na lang ang nagpaparamdam sa akin noon. HAHAHAHAHA

Hi, pala kay Ayssclosed <3

--

Okay, so maybe I do miss him a little.

Unang araw na wala siya, medyo okay pa. Maliban na lang sa pamimilit sa akin nila Lydia para magkwento kung bakit hindi pumasok si Cael ng araw na 'yon. At ayun, na-judge nanaman ako, ilang beses nilang tinanong kung inaway ko raw ba siya kaya hindi nanaman nagpapapasok ang instant heartthrob ng quarters namin.

Pangalawang araw, naging malinaw sa lahat ng ipaalam ni bossing na naka-leave siya kaya magte-take over muna si Arcie, 'yong isa pa naming engineer na katrabaho, for the mean time. At ng araw naman na 'yon, kinulit ako ng sambayanang kababaihan para kunin ang number ni Cael para kamustahin. Ibinigay ko naman, sino ba naman kasi ako para ipagdamot 'yon.

Pangatlong araw na ngayon. Na-mi-miss ko na ang mga pasimple niyang banat at wala sa lugar niyang pantitikis.

Napabuntong-hininga ako at napalapag ng lapis ko sa mesa. Gusto ko man ikaila pero alam ko namang lolokohin ko lang ang sarili ko. I am starting to feel something for him, kahit na lagi niya akong bina-badtrip. Parang noon, noong College pa kami. Tulad nga ng sabi ko rati, walang hindi makakagusto kay Cael at kahit ako hindi ligtas doon.

"Ate Era, nag-email kasi sa akin si Mr. Velasco. May papabago raw siya ulit, pero minimal lang naman." Tugon ni Arcie habang nakadungaw sa itaas ng cubicle ko.

"Sige akin na." Walang buhay kong sagot sabay alis agad ng titig sa kanya.

"Uy, Ate Era. Okay ka lang? Ilang araw ka ng matamlay." Mapag-alalang tanong niya. Napataas ako muli ng titig at sinalubong ang magaganda niyang mata.

"Oo naman Arcie. Bakit naman hindi?" Sabay pilit na ngiti.

Kinunotan niya lang ako ng noo saka ngumiiti ng nakakaloko. "Na-mi-miss mo ba siya?"

Now it's my turn to furrow my eyebrows as I look at her with disgust. "Ew, bakit ko naman ma-mi-miss ang damuhong 'yon?"

Saka siya biglang napatawa ng mahina. "Uyyy, iba ang pumasok sa isip. Si Kuya Marcus ang tinutukoy ko, unless iba ang naalala mo."

Nako, naloko na!

Naramdaman ko na lang ang mabilis na pag-init ng mukha ko bago ako napayuko. "Akin na ang listahan ng revisions para matapos ko na." Pag-iiba ko sa usapan.

I heard her laughing mockingly before handing me a printed file. "Don't worry Ate, kunwari walang nangyari." Tugon niya sabay kindat at alis.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Ano ba 'yon? Oo nga namna, bakit ba kasi si Cael ang unang pumasok sa isip ko? Anak siya ng tipaklong! Joke, Lord hindi ko po ginusto na idamay magulang niya. Siya na lang ang tipaklong.

Medyo naging busy naman ako sa mga revisions na sinarili kong gawin. Hindi naman sa nagpapa-bibo ako kaso ito lang kasi ang natatanging paraan para hindi ako magkaroon ng oras isipin si Cael.

Namumuro na talaga siya!

"Era, lunch na." Agaw ni Nicole sa atensyon ko.

Napatingin ako sa wall clock namin at nag-inat sabay tango. Bumaba kami sa cafeteria at panay nanaman ang tanong nila sa akin tungkol kay Cael. Parang mas maganda pa ata na kumain ako mag-isa.

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon