Twenty One

16.8K 375 12
                                    

"Hindi ko ata kaya." Bulong ko sa sarili ko habang nakatayo sa labas ng building. Ang sabi sa akin ay hintayin ko ang company driver nasusundo sa akin dahil kailangan ko ng makita ang site kung saan itatayo ang commercial building.

Baka naming pwedeng ibang architect na lang ang ilagay dito. Saka ko naalala ang mukha ni Arjay kaninang umaga. Mukha na nagsasabing, 'salamat-Era-pumasok-ka-na-makakatulog-na-ako-ng maayos-simula-nung-nag-leave-ka.'.

Ano naman ang panlaban ko roon? Mamaya masumbatan pa ako ng mga bagay dahil sa leave of absence ko.

Napailing ako at nagsimulang magbilang ng mga dahong nasa kalyeng kinatatayuan ko ng biglang pumitada ang sasakyang papalit sa akin.

It was a white Porsche. Porsche. Definitely not the company car I was waiting. And it's white. Sino bang tao ang kakilala kong mahilig sa white?

Ah, shit!

I was hoping I'll be meeting him tomorrow or probably never! Hindi pa ako ready makaharap ang taong 'yon.

And then the inevitable happened. The car parked right in front of me and Cael stepped out of it.

He was sporting his beaming, to-die-for smile while he approaches me. Kinuha niya agad ang binder ng files na hawak ko pati ang bag ko saka niya binuksan ang pinto ng passenger's side.

"Pasok na, magandang binibini." He kid.

Binalewala ko lang iyon at tahimik na pumasok sa loob ng sasakyan niya. Halata mong bago pa, sa amoy, sa itsura, sa lahat. And knowing Cael, for sure makalat na ito kung matagal na niyang ginagamit.

He reclaimed his seat and manuevered us to the road immediately. He was overflowing of such good and positive attitude that it almost got me jealous.

Na-curious tuloy ako kung anong ginawa niya para maka-move one sa ex niyang mahal na mahal niya. I inwardly grimaced when I remembered the time I agreed to visit him in his unit to check on some files.

"We could have just reviewed this in the office you know." I said with an eye roll. Hindi ko ba kasi alam kung bakit niya kailangan inuwi ang mga ito. Samantalang hindi naming matatapos dahil 'yong kalahati nasa opisina. Minsan din talaga may katalinuhang taglay itong si Climente.

"Like I told you, hindi ko nga sadyang iuwi ang mga iyan. Nasama ata sa mga financial reports na pinakuha ni mommy sa akin." He defensively said. He refilled my glass with iced tea like what he's been doing for the past hour.

"Alam mo, itigil mo na kaka-refill diyan kasi kanina pa ako ihi nang ihi." Inis na tugon ko sabay inom sa basong pinuno niya.

"Bakit mo kasi iniinom kung ayaw mo na pala?" Pang-aasar niya.

"Eh kasi nga sayang!" Ugh! Arguing with this man is futile.

"Bahala ka nga. Magtrabaho ka na diyan at naiihi nanaman ako." I said before marching to his restroom, for the nth time this evening.

Sa sobrang dami kong nainom na iced tea, patagal na patagal na rin ang pag-ihi ko. Napairap ako sa kawalan saka ko na rin minabuti mag-retouch para ready na akong umalis pagkalabas ko rito.

Makakapaghintay namann siguro 'yong pagbabasa ako sa reports bukas. Besides, kailangan ko na ring bumista kay Marc dahil hindi ako nakadaan sa kanya kahapon sa ka-busy-han ko.

When I stepped out of his bathroom nagulat ako dahil hindi ko siya nakita. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan siya pero bago ko pa nagawa, bumukas na ang main door ng unit niya.

He was standing there with a very beautiful lady with a purple hair. Her face is very angelic kahit na halatang mugto ang mga mata niya dahil sa kakaiyak.

"Ay, shit. Sorry Era, I forgot about you. T-this is Amy. Amy this is Era, architect siya sa firm kung saan ako nagtratrabaho. We are working on a project."

"H-hi." She remorsefully said.

I just looked at her for awhile suddenly picking up who she was. No wonder Cael can't ever forget her. That pretty face won't grow on trees.

"Hello, nice to meet you...." I awkwardly started but my thumping heart got the best of me. ".So I-I better go." I said before scurrying off out of his apartment.

"So what are you thinking?" He asked, aiming for a small talk.

I remained my focus on the road ahead, "Sana matapos na itong project na 'to para makalayo na ako sa'yo."

He made the sound as if he was burned before replying, "Ang harsh mo naman sa akin, Era. Pwede ka naming ngumiti habang sinasabi 'yon para hindi masyadong masama ang labas mo."

"Mas harsh ang mundo sa ginawa niya sa akin." I supplied.

He went speechless for awhile before puffing air out of his lungs. "Era, I'm really sorry this has to happen to you-"

"Anong magagawa ng sorry, Cael?" I said stopping him mid-sentence.

"Hindi ko alam. Hindi ko pa naman napagdaanan ang pinagdadaanan mo kaya-"

"'Yon na nga iyon, hindi mo pa napagdaanan kaya 'wag ka ng mag-comment."

I saw him shaking his head in my peripheral vision before he spoke, "Era, pamilya at kaibigan na lang ang mayroon ka sa panahong ito. Isa-isa mo pa ba kami itutulak palayo?"

I almost laughed on his idea. "Sino bang nagsabing magkaibigan tayo, Cael?"

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon